Smile      (Photo Credit      Monkeyforestresort)

Smile (Photo Credit Monkeyforestresort)

Ewan ko ba, ang aga kong nagising ngayong araw na ‘to. Ang sarap talaga ng gising ko, katabi ko kasing natulog last night si Angel locsin yun oh aha! (ambisyon lang, lols).

It seems there is something I have to chas. Kaya gumayak na ako para bumili ng paborito kong breakfast, ang walang katapusang palabok.

Paglabas ko ay kakaiba yung pakiramdam, ang sarap pala gumising kapag umaga, you’ll witness the invigorating sunrise, ang sigaw ni manong “taho!”, ang halakhak ng mga paslit papuntang school na first time yata maka-attend ng flag ceremony; aha, ang iba’t-ibang sigaw ng mga tindera na naglalako ng kani-kanilang paninda, ang buhos ng mga mamimili na groggy look at sabog pa ang mga buhok, pagkagising yata ay tumayo agad papuntang palengke, lols.  At higit sa lahat, ang infectious na mga ngiti nila, nag-mouthwash man sila o hindi, hell who cares?

Basta gustong-gusto kong nakikitang nakangiti sila, nonchalantly ay nakangiti na rin pala ako. Aminin mo, sa Pilipinas lang mayroong ganito.

“Good Morning”! ang bati sa akin ni tatang Malabon, hehe siya ang nagluluto ng paborito kong pancit.

“Ne, ibalot mo na yung palabok ni pogi”   Nakz, ang lakas talaga makapambola ni tatang (sabagay, totoo naman haha yun oh!). Katatapos ko lang mag-breakfast and I was heading to astro park para magjogging.  Pumara muna ako ng jeep papuntang park (tamad kasi ako eh), but there  a thing caught my attention.¸

May nakasulat kasi sa jeep ; sabi “You are a blessing” it touched my heart, yeah it really did,  lalo tuloy gumanda ang umaga ko. Sakto naman ang song na tumutugtog sa ipod ko “what a wonderful world”. Habang binabagtas namin ang daan, hindi ko maiwasang hindi tumingin sa nadadaanan ko.

May nakita akong magbobote, may napulot siyang pagkain tapos inabot niya dun sa isang matandang pulubi. May nadaanan kaming tumirik na Besta van, biglang nagsilabasan ang mga tricycle driver sa toda nila at nagtulungang itulak ang van. (Bayanihan tawag dun)

Pagdating namin sa Crossing, sira yung traffic light tsk naku congestion na naman toh, pero may lalaking bumaba sa kotse niya, pumunta siya sa gitna at nag-ala traffic enforcer, gumuhit ang ngiti sa lahat ng motorista, maging ako. Lubos akong natuwa.

Pagkababa ko sa jeep, pumunta muna ako sa 7eleven para bumili ng Gatorade. Upon my entourage at the park I felt fresh air against my face, it was very soothing, and it sent me forth to nostalgia. I saw couples warming up, senior citizens performing Tai Chi, and others saying happy morning to each other.

While jogging, napansin ko yung madungis na bata na bumubuntot sa akin. “Bakit? tanong ko.

“Akin na lang po yung bote ng Gatorade, kuya, pagkatapos mo” sagot ng bata.

I smirked, “yun lang ba? Anong gagawin mo sa bote?

“Ibebenta ko po kaysa naman ikakalat n’yo lang”.

I chuckled, “Sige hintayin mo ako”.

Takbo ulit ako sa oval.  15 minutes passed pero nasa bench pa rin ang bata (nakaramdam ako ng awa, lumapit ako).

Hindi ka ba nagugutom?” (yumuko lang siya). “Gusto mong kumain?” ulit ko. “mamaya na lang ako kakain kapag nakabenta na ako ng bote.”

“Gusto mo kumain kasama ko? Gusto mo mag-Jollibee?”

“Huwag na lang po, kayo na lang.”

“Ang arte mo naman, (pabiro kong sinabi) sige ka baka magbago isip ko n’yan,” (pansin kong nahihiya yung bata)

“Hmmn gusto mo ng pera?”

“Sabi po kasi ni Mama, ‘wag daw ako tumanggap ng pera na hindi ko pinaghihirapan,” sambit niya.

Tumagos sa puso ko ang sinagot ng paslit. Kaya nakaisip ako ng idea. “Hmmn ganito, na lang iiwanan ko sa ‘yo yung cellphone ko, bantayan mo habang ngjojogging ako, tapos may premyo ka sa akin mamaya, cool ka ba dun?”

Sumilay ang ngiti mula sa kanyang inosenteng mukha, ewan ko kung anong pumasok sa kukote ko at ipinagkatiwala ko ang cellphone ko sa isang paslit na hindi ko lubusang kilala. Time check, 7:30am bumalik ako sa bench, andun pa rin yung bata, hawak-hawak yung cellphone ko at eto pang malupet, nakabalot pa ng tissue. Haha.

“Bakit binalot mo ng tissue yung phone ko?”

Marumi po kasi yung kamay ko eh.”

“Ano ka ba, ok lang yun, hindi naman ako maarte masyado, medyo lang,”  sabay abot ko ng Jollibee food sa kanya.

“Oh eto premyo mo, iuwi mo yan sa family mo hah!” 

“Salamat, kuya!”

“No worries, teka bakit sa lahat ng tao dito sa park, ako yung pinili mong buntutan? I asked.

“Nakangiti po kasi kayo,” sagot ng bata.

Now, Im off to my apartment, still thinking what the poor kid just said. Kahit pala gaano ka miserableng buhay mayroon tayo, hindi natin dapat ipagdamot ang kakarampot na ngiti.

Bakit kailangang ngumiti? Eh, pangit ka na nga, sisimangot ka pa, kumusta ka naman? Dahil sa simpleng ngiti, nagbibigay ito ng kakaibang kulay sa mundo ng mga simpleng tao.

Each day is a brand new day; an amazing gift to treasure. We might experience tons of difficulties in our lives, but we have million of reasons to smile. A genuine smile while walking along our own runways, our own world. At sana, nakangiti ka habang binasa ‘to, bahala ka… magkaka–wrinkles ka niyan.

author:   steffano perales

p.e./mj