Beer Drinking   (Photo Credit:    Visualphotos)

Beer Drinking (Photo Credit: Visualphotos)

Naglalakad ako papunta sa kotse ng kaibigan ko.  Pag sakay ko “Kay, si Der nga pala”.

Der: HELLO!

Ako: Hi..

Unang salita narinig ko mula sa taong kakakilala.

Familiar ka naman siguro sa CENTRAL BBQ sa Makati~ Inuman, lasingan..

Der  : Classmate kayo ni Mek?
Ako  : Hindi, schoolmate, magka-batch kami.
Der  : Nag-aaral ka pa?
Ako : Hindi, kaka-resign ko lang sa trabaho (sabay tingin sa malayo).
Der : Ah, anong course mo dati?
Ako : Psychology, ikaw?
De r: Wala, tambay.

Blah blah blah, mga pangkaraniwang tanong ng mga bagong nagkakakilala.. Unang araw na walang ka-interesado sa bagong tao, ang akala ko kasi si Mek ang didiskarte dahil alam ko may gusto siya sakin.

ALAK ang dahilan kung bakit kami nagkakilala.  Familiar ka naman siguro sa CENTRAL BBQ sa Makati.

Sa harap ko nakaupo si Der, sa tabi ko naman si Mek at sa harap niya si Darvs. Sa kabilang table, mga lalaking papansin at nakatingin. Nakatingin dahil nag-iisa akong babae, ganun ba yun? :)

Sumusulyap, lumalalim na tingin ang tingin ni Der sa kin. (EePAL muna ako: Hindi ako kagandahan, katangkaran, sexy pero alam ko sa sarili kong maputi ako. Chinita, maputi at maliit kung idedescribe ko ang sarili ko.) Si Der, ang tumatak sa isip ko, ang lalaking naka-hikaw na malaki na itim, magulo ang buhok, style ng damit gupit gupit at naka-short. Kamukha niya si Ely Buendia na hindi naliligo.

Balik tayo sa usapan, ayoko maging assuming, ayoko dign magpanggap na hindi siya nakatingin sa ‘kin, pero oo, ako nga ang sinusulyapan niya. Tumayo ako para mag-yosi pagtapos nakasalubong ko si Der.

Ako  : Saan ka punta?
Der  : Mag-yosi, sama ka?
Ak  : Sige.

Hindi ko alam pero nung nag-uusap kami pakiramdam ko, close kami.

Pagbalik…
Der : Ayan na si Darvs… Darvs, si Kay nga pala, pinsan ko.
Darvs: Ay HELLO.
Ako: Tungo (Pinsan?? kailan pa? Haha tugon sa isip ko).

Nakalipas ang maraming oras, napapaniwala naming magpinsan kaming dalawa ni Der, kawawang Darvs. :D  Nagdecide kaming lumipat sa bahay para ubusin pa ang natitirang Vodka. Alam ko lasing na ako nang panahon na to, karamihan hindi ko na maalala mga laughtrip at kung ano ano pa pero mayroon akong naalala at ‘di ko nakalimutan.
(Sa gilid ng kotse)

Der  : Gusto kita.
Ako : BAKIT? hindi pako ready ma-inlove ulit, may 1 year rule ako dapat walang bf.
Der  : Basta gusto kita, hindi ko sinasabing gusto kita maging gf. Gusto lang kita. Puwede bang hawakan kamay mo?
Ako: Gulo nun ah, gusto mo ko pero ayaw mo ko maging gf? Ano lang? (Ayaw pahawak kamay).

Echucheserang usapan, na hindi ko alam saan patungo. Pagkatapos ng gabing yun lagi kaming magka-text, nag-uusap at lagi siyang nakatambay sa amin after work. Unti-unti kong nararamdaman na eto nanaman ako, maiinlove.. lolokohin, paasahin at masasaktan. Pakiramdam ko iba to, consistent parang nanliligaw.

Ako: May Gf ka ba?
Der: (Hindi kumikibo) Bakit mo natanong?
Ako: Wala naman, lagi ka kasing andito.
Der: Ayaw mo ba?
Ako: Gusto ko.

Ang tanong ko, palaging hindi nasasagot. Ramdam kong mayroon kaya dumadating sa punto na ayoko na kasi alam kong walang patutunguhan, pero bakit ganun, hindi ko kaya mag-Let go! Hangang sa dumating yung araw na umamin din siya sakin na may Gf siya.

Ako: Mahal mo ba?
Der: Oo
Ako: Ano tong ginagawa natin?
Der : Gusto kita, Kay.
Ako: Ano yun, hindi puwede; may Gf ka. Nirerespeto ko relasyon n’yo.

…Blah hindi pa rin natapos ang mayroon kami, walang label, pero masakit dahil harap-harapan alam kong may iba samantalanag yung gf niya, walang alam. Dumating ang araw na ayoko na dahil wala tong patutunguhan.

Masakit, hindi maipinta ang nararamdaman dahil sa konting panahon nakasama ko si Der, alam kong lahat ng mayroon saamin… Totoo.

Hanggang sa dumating na ang araw na nalaman ng Gf niya na mayroon AKO (Present!!!).  Hindi ko gustong makasakit o kahit ano pa man. Parehas lang kaming niloko at aminado naman si Der dun. Humingi ng oras si Der para isipin at alamin ang totoong naramdaman.

Ako, nagdesisyon na akong magparaya, dahil alam kong mali at hindi tama at nasasaktan at makakasakit lang ako.

Ako: (Mag-Move on nalang ako, walang pag-asa at babalik na ako sa 1 year rule ko; Delete na siya sa friends list, cp # at lahat ng alaala, pero bakit ganoon, ang sakit sakit.)

1 linggo nakalipas. . .

(sa text)
Der: Bakit mo ko binura sa fb?
Ako: Bakit? Gusto ko na mag-move on, binabalik na ulit kita sa GF mo.

Kinabukasan. .
(Sa text)
Der: Gising pa ba si Jihoo (Pamangkin ko), may ibibigay kasi ako sak anya.
Ako: Andito, sige, papalabasin ko.
(Pag labas)
Der: Jihoo, oh mentos.
Ako: O sige, pasok na kami.
Der: Teka, break na kami, Kay.
Ako: Ganun ba? Sorry.
Der: Ikaw pinili ko.
Ako: (Di alam sasabihin)… Nagparaya na ako Der, alam kong mahal mo siya.
Der: Sa ‘yo ko masaya at ikaw ang pinili ko dahil mahal kita. Di ba sabi ko sa ‘yo babalik ako. Kailangan lang ng oras.

Nang gabing yun, wala akong ineexpect, basta alam ko yung oras na yun masaya ako at alam kong malaya na kaming dalawa. :)

I am happy to say that taking chances is like spending your life to what might have been or what could have been. If you’re afraid to try, then how will you know? that there’s more to life.

On the other side, I know it’s been painful to the girl and I don’t know if it’s my fault or Der’s. Well I guess when it comes to love there is no such thing as right or wrong, it’a a matter of choice and taking chances with what makes you happy and complete.

Now, we’ve been together for almost 5 months and I’m happy to say that everyday our relationship goes deeper parang ocean :)) (KWENTUHAN NA LANG ULIT KITA, KAPATID pag may bago) :)

`True Story of Alexander & Katrina

author:   Kay

p.e./kf