Career Moves  (Photo Credit :    Genutsu.blogspot)

Career Moves (Photo Credit : Genutsu.blogspot)

February 21 2012

Nagsimula ang lahat ng kalokohan.. tuwang tuwa ako nang malaman ko na nakapasa ako sa interview sa inapplyan kong trabaho bilang call center agent. Excited ako, tagalog kasi ang lengwahe.

Nagsimula ang isang linggo na trainee; nakilala ko ang mga magiging kasamahan ko.  Sa una naiinis ako, kasi di ako napunta sa team na gusto ko, ang team Japan. Pero kiyeme lang kaysa magmarunong ako.   Napunta ako sa team local at nakilala ko ang magiging kasamahan ko; sila Grace, Anna, Say,  Rose at Joey.

Sa loob ng isang linggo kasama ang HR na si Mam Ellen, nakilala namin ang isat isa. Isang linggo pang nakalipas nang makilala namin ang magiging manager ng buong team.   Itago natin siya sa pangalang KULOT; nasama din sa sa amin ang secretary niyang si Nine at Lee.

Sila ang tumutulong sa amin sa lahat.   Halos ‘di na sila magkandaugaga sa dami ng pinagagawa ni Kulot. First impression kay kulot, natakot ako sa kanya kasi ang galing niyang mag-English, in fairness haa! Tsaka ayaw niya sa late! Patay tayo d’yan.

NATUWA kaming lahat nang malaman namin na kami ang magiging pioneer sa local.  Ang takbo ng utak naming lahat, kami maproproB ” ProBationary.” Kiyeme lang, nakalipas na ang ilang araw, nagtatawag na kami hanggang lumipas ang tatlong linggo, wala pa ding pagbabago.  Wala pa ding benta; kinakabahan na kami dahil my quota kami, pero kembot lang.   Lahat ng paraan ay pinagawa na sa ‘min kahit Facebook, pinatulan na, makakuha lang ng benta.

WALA, wala talaga, ang hirap magsimula sa wala at hindi pinagplanuhan. Ang tumatakbo sa utak namin, matatangal na kami, hanggang sa dumating sa punto na mga personal na kakilala na namin ang nabebentahan namin. Kemerot sabi ng utak ko, kung dadaanin sa mga kakilala at kaibigan, talo ako diyan, wala ako kakilala na mabebentahan ko ng  ganto kamahal na produkto.  Tawa lang isasagot sa ‘kin ng mga mokong na yun, pero walang choice, tinry ko pa din, hanggang sa naprepreasure na ako dahil ang mga kasamahan ko, nakakaquota na, ako hindi pa.

Maiba pala ako.  Ang puwesto namin sa gilid ng Japan agents.  Para kaming nasa palengke na iba-ibang lengwahe ang nasasagap ko, sabayan pa ng bakla kong katabi, HAHAHA, si Rosa na puro kakiyemehan at kalokohan, “wala ako sa hulog!!!! Napapalibutan ako ng mga balyenang intrimitida, mga lalaking akala ako ay diyosa,  mabango pa kami kay “mamah” ( ang may ari ) nung umpisa pero nung tumatagal na, kulang na lang kami ay isumpa; halos ‘di na kami pinapansin sa opisina hanggang sa umawra na si CINDERELLA.

Siya ang humawak sa local team sa loob ng isang buwan; magaling siya at mabait. Nakakasabay siya sa mga ka-adikan namin, ngunit ‘di rin tumagal, pinili niya ang TINITIBOK NG KANYANG PUSO. whew Ang sweet, intindi namin ang kanyang kadahilanan, siya ngayon ay lumipad patungo sa kanyang mahal.  Samantala kami, nababaliw na kami, mababaliw na sa kakaisip kung sino pa ang bebentahan. Isa pa lang ang nakakaquota ,dumating na din sa punto na sumuko na ang nag-iisang lalaki sa amin, si  Joey.  ‘Di na niya kinaya ang lahat ng kalokohang  nangyayari sa amin, nag file na siya ng resignation.

Hay…. ang hirap humanap ng career na sasakto sa ‘yo!

author:   emoterangipis

p.e./mj