School Time  (Photo Credit:     Hachealthclub)

School Time (Photo Credit: Hachealthclub)

Pasukan na naman.  Puno na naman ng mga estudyante ang mga silid aralan na tila isang haunted classrooms kapag bakasyon. Puno na naman ng tawanan, kamustahan, chismisan at kung anu-ano pa sa loob ng paaralan. Nakakamiss maging estudyante. Yung wala kang ibang inaalala maliban sa pag-aaral nang mabuti at pagtaas ng baon kada buwan.

Ngayong hindi ka na estudyante, ang aalahanin mo naman ay ang pagpapaaral sa mga kapatid mo at kung paano pagkakasyahin ang suweldo mong minimum sa isang buwan.

Pero balik tayo sa usapang pasukan. Madalas panay bago ang mga gamit natin, bagong notebooks, bagong pad paper na I’m sure wala pang isang buwan, ubos na dahil sa kahihingi ng mga kaklase mong magugulang. Bagong bag. Bagong sapatos na inorder lang ng nanay mo sa Natasha o kaya sa Boardwalk dahil ‘di niya keri na bayaran ng cash sa mga department store ang nangingintab at kumikinang-kinang mong sapatos.

Andiyan din siyempre ang bagong-bagong uniform mo na mas malaki sa dati mong uniporme dahil ikaw ay nanaba dahil sa wala kang ginawa nitong bakasyon kundi maupo sa harap ng computer upang mag-Facebook, kumain, matulog, kumain, matulog at kumain ulit.

Nakaka-excite din kapag pasukan na kasi hindi lang mga gamit mo ang bago, pati mga classmates mo din. May mga transferees, may mga bagong lipat ng section and ,of course, bago din siyempre ang teacher na winish mo na sana hindi yung terror ang naging adviser n’yo.

Madaming ganap kapag first day ng pasukan. Tulad ng nakakakabang “Introduce yourself” portion sa first day ng school? May ilang nahihiya, may iba na parang slum book ang pag-introduce sa sarili, at may iba din na prepared at minemorize na ang sasabihin nung bakasyon pa. Hehe

May mga estudyanteng palinga-linga dahil naghahanap ng gwapo/maganda sa mga kaklase. May ilan din na chismisan agad ang inatupag. At siyempre, di mawawala ang mga estudyanteng bully, nerds, kikays at ang tatahitahimik pero kapag nagtagal, first honor sa kaingayan.

Nakakamiss bumalik sa pagiging estudyante. Nakakamiss magsuot ng slacks na bitin. Nakakamiss buhatin ang backpack na parang maghi-hiking. Nakakamiss makipagkulitan sa mga kaklase. Nakakamiss pumila sa linya kapag flag ceremony at kung anu-ano pang mga masasayang ala-ala sa pagiging estudyante.

Kaya kung ikaw na nagbabasa ay isang estudyante, cherish every moment dahil hindi masayang tumanggap ng diploma nang hindi kasama mag mga magagandang alaala na ibinahagi sa iyo ng pagiging estudyante mo.