Philippine Flag    (Photo Credit:     Philippinedualcitizenship)

Philippine Flag (Photo Credit: Philippinedualcitizenship)

Last weekend my hubbie and I have been to Megamall to gaze at some good movies to watch. We almost reached the last full show for this certain movie. We all know that kada last full show pinatutugtog ang ating Pambansang Awit na “Lupang Hinirang”, obviously dapat tumayo ang lahat, ilagay ang kanang kamay sa dibdib, tingnan ang watawat kung mayroon man, at sumabay sa awit. “Bayang Magiliw Perlas ng Silanganan, Alab ng Puso sa dibdib mo’y buhay”…… Wait…. There’s somewhat caught my attention… uhmmmmm… Parang may mali ahh…..

Conversely, few days ago din we watched PBA Live at Araneta Coliseum. Of course before the game will take place “Flag Ceremony” is a must. Until the announcer broadcast that everyone should stand up for the “National Anthem”, obviously alam na natin ang dapat nating gawin… Stand up, ilagay ang kanang kamay sa dibdib, tingnan ang watawat at sabayan ang “Lupang Hinirang”… “Sa dagat at bundok sa simoy at sa langit mong bughaw, May dilag ang tula at awit sa paglayang minamahal. Ang kislap ng watawat mo’y tagumpay na nagniningning.

Ooopss…. There’s something wrong ulit ahhh…. Hmmmm…. Alam niyo kung ano yung mali….?

Haayyyyy, nakalulungkot mang isipin… unmistakably Filipinos has shown no respect to our own Flag and our own National Anthem…. Kahit saan makikita mo ang mga pagkakamaling iyan ng Pilipino… Like in Cinemas… pag tinugtog ang Lupang Hinirang sa last full show… ano ba ang dapat nating gagawin ?… Bakit parang may mga tinatamad tumayo, others remain sitting, others kept on chatting, may nakapamulsa, may magkaholding hands, may panay ang lingon, minsan may nakasumbrero pa…, at ang iba wala lang kibo na parang ordinaryong tugtog lang yun. Ikaw na concentrated sa pagkanta eh di maiwasang madestruct ng mga ganitong eksena kaya’t di mo maiwasang mapatingin at mapailing na lang bigla.

How about sports event like the PBA game? The same scenario pa rin… Haayyy, may nakapamewang, may nakahalukipkip, nakapamulsa, may patay-malisya, may palingon-lingon, may nagdadaldalan, at yung iba parang nahihiya pa na ilagay ang kamay sa dibdib, kung hindi pa nakita sa iba eh di niya gagawin…

Sana naiisip nating mga Pilipino lalo na ng mga kabataan ang Significance ng ating “Pambansang Watawat”. Hindi ba natin naalala ang itinuro sa atin ng mga Sibika Teacher natin during elementary days ang mga dapat na asalin kapag narinig nating tinugtog ang Lupang Hinirang. Kahit na ba abutan tayo sa kalsada o kung saan mang lugar.

Hindi naman siguro mabigat gawin yung simpleng bagay na kapag narinig natin ang ating “Pambansang Awit“ ay kusang-loob tayong tumayo ng maayos simbolo ng Paggalang, huwag mag-alangan at ikahiya na ilagay ang kanang kamay sa ating dibdib simbolo ng kagitingan, tingnan ang ating watawat bilang pagmamalaki sa ating pagiging Pilipino, at awitin nang buong puso ang ating “Pambansang Awit“ bilang pag-alala sa kagitingan ng mga bayaning Pilipino.

Sa paraang ito naaaalala natin ang ating kasarinlan, ang ating pagiging isang Pilipino at ang Pagmamahal natin sa ating bansang Pilipinas. We all know naman na marami nang Kulturang Pilipino ang unti-unting naglalaho. Huwag naman sana nating hayaan na pati ang ating “Pambansang Awit at Watawat“ ay tuluyan nating malimutan. Huwag nating ikahiya ang pagiging Pilipino natin. Let’s ask ourselves What can we do for our country?? Even in the simplest way we can show our loved for our country by showing respect to our Ntioanl Flag & Anthem..

Sa mga panahon ng krisis tanging watawat natin ang piping saksi sa mga nangyayari, kaya’t bilang tugon dapat nating itong pakitaan ng ating respeto at pagmamahal. Hindi naman tayo mga Amerikano, Mexicano, Griyego, Kastila atbp. para balewalain ang bagay na ito. “Tayo ay Pilipino”, “Mahal natin ang bansang Pilipinas” at iyan ang dapat nating ipagsigawan sa lahat .. kahit nasan man tayong lupalop ng mundo… “Lupa ng araw ng Luwalhati’t pagsinta, buhay ay langit sa piling mo, Aming ligaya na pag may mang-aapi, ang mamatay ng dahil…. sa ‘yo”.

author: aeyceecee

p.e./mj