Pattern in Showbiz   ?  (Photo Credit:    Article.wn)

Pattern in Showbiz ? (Photo Credit: Article.wn)

Noong nakaraang buwan, buong sambayanan ang nakatutok sa Finale ng American Idol Season 11. Mapapagkamalan mo na may laban si Manny Paquiao dahil lahat nakatutok sa Telebisyon at Social Media para kay Jessica Sanchez.

Siyempre isa ako sa mga nanood ng naturang palabas. Aaminin ko sa inyo, isa akong malaking tagasubaybay ng reality singing contest simula pa noong Season 3 (Panahon ni Jasmine Trias) simula noon ipinalabas na ang mga sunod-sunod na season.

Bumalik tayo sa finale kanina, nagulat ako nang biglang tinawag ni Ryan Seacrest na siyang emcee ng palabas ang mga dating American idol finalist. Sina Diana Degarmo (Season2) at Ace Young (Season 5). Para sa kaalaman ng lahat nagkasama ang dalawa  dahil sa isang broadway show sa States.  Binanggit ni Seacrest na maraming puwedeng mangyari sa kanilang reality show. Kung kaya hiniritan niya ang dalawa ng maiksing tanong kung paano sila naging magkasintahan. Kapwa nakangiti ang dalawa. Hanggang sa sabihin ni Seacrest ang kanyang signature line “Dim The lights! and Here we go!” Ayon sa isang artikulong sinulat  ng NBC Washington naisulat ang transkripsyon ng kanilang biglaang “Marriage Proposal”

As the elimination night theme played, Young said to DeGarmo, “This has always been home to us and I felt that this would be the perfect place to ask a simple question.”

Young got down on one knee and continued his heartfelt speech: “We have conquered Broadway together. We have created our new music together. We have an amazing group of people around us. And with the help of David Webb Jewelry, I have a way to make this last forever. Are you ready?

“I love you to death. You’re my best friend. I want to make this last forever and I will do anything in my power to have the most … amazing life together if you will have me. Diana Nicole DeGarmo, will you marry me?”

DeGarmo, visibly moved, nodded and said yes.

“I’m so speechless right now,” DeGarmo said, admiring her engagement ring. “Wow, babe, you picked a good one! My makeup’s running.”

Nagulat ako sa aking napanood. Pero  hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Bigla kong naisip, Teka? Ano to? Hunger Games?! PBB? Oo. Padron o sa ingles pattern. Iyon ang naisip ko. Bigla akong napaisip na  maaaring totoo naman talagang engaged na sila Ace Young at Diana Degarmo, pero talaga bang kailangan on national Television gawin?

Hindi ko tuloy mapagtanto kung totoo o ganap-ganap lang sa harapan ng kamera. Pampataas din kasi lalo ng ratings, hindi ba? Mas pag-uusapan mas tututukan at mas susuportahan ng mga taong bayan!

Ganyan din ang napuna kong  padron ng love story ni Katniss Everdeen at Peeta Mellark sa The Hunger Games. Galing ito sa unang libro ng trilogy ni Suzanne Collins. Para sa kaalaman ng halos nakararami, isinapelikula ito kamakailan lang. Summer Block Buster ang pelikula. Pinagbidahan nina Jennifer Lawrence bilang Katniss at Josh Hutcherson bilang Peeta.

Ang istorya nito ay naganap sa dystopian post-apocalyptic future sa lugar na kung tawagin ay Panem na binubuo ng Capitol (mayamang lugar) at  napalilibutan  naghihikahos na12 Districts. bilang kaparusahan sa nagdaang rebellion laban sa  gobyerno, ang Capitol ay nagpasimula ng isang Hunger Games –a televised annual event in which one boy and one girl from each of the 12 districts are selected in a lottery as “tributes” and are required to fight to the death in an arena until there is one remaining victor.

Dahil sa paninindigan, katapangan at pagmamahal sa kapatid, nag boluntaryo si Katniss para pumalit sa lugar nito. Siya ang Girl Tribute, habang si Peeta naman na isang panadero ang kanyang male counter part. Ang dalawang ito at biktima lamang pamahalaan ng Capitol. Siyempre lahat ng istorya nakatutok sa bida. Nangako si Katniss na mananalo siya sa Hunger Games. Pero kailangan siyang dumaan sa mga istratehiya. Bawat distrito ay may “mentor” upang mabigyan sila ng mga pamantayan sa paglahok sa Hunger Games.

Si Haymitch, ang pinaka huling nanalo sa Hunger Games mula sa District 12 ang siyang naging gabay sa kanila.  Pero dito ko na ipapasok ang padron ng ganap-ganap. Bago mag-umpisa ang aktwal na labanan ay parang PBB na nagkaroon muna ng pakitaang gilas at sinundan ng programa na kung saan sila ay binigyan ng  total make-over para ibenta sa mga sponsors na kanilang kakailanganin para magtagal sa labanan sa Arena.

O di ba PBB extreme edition lang! Buong sambayanan ng Panem ang tututok sa kanilang telebisyon  upang panoorin kung paano sila magpatayan sa arena. Sa scenario ng Q&A portion ay umamin si Peeta na matagal na siyang may lihim na pagtingin kay Katniss. Sa kasamaang palad pa nga daw malungkot siya dahil siya ang napiling “girl tribute” na makakasagupa niya sa Arena. Ikinagalit ito at pinagdudahan ni Katniss sa una  pero sinabihan siya ni Haymitch na mainam nga at umamin si Peeta on national TV dahil magiging”Benta” sila sa mga manonood lalo na sa Capitol. Bago sila sumabak, ipinaalala ni Haymitch na huwag silang maghihiwalay at ang magiging alas nila sa labanan ay “PAGIGING STAR-CROSSED LOVERS!”.

Kailangan nilang ibenta ang pagiging magkasintahan nila para sa kapakanan ng mga KINIKILIG NA TAONG-BAYAN! Hindi ba ganito rin ang padron ng sikat na kung tawagin ay TELESERYE NG TOTOONG BUHAY? PBB (Kahit anong Edition pa!). Ang mga mga housemates ni Kuya ay kinakailangang maghanap ng KA-LOVE TEAM SA LOOB NG BAHAY.  Bakit? para magkaroon ng mga fans?Para tumaas ang ratings ng show?  Para manalo at maging artista? Haay ganap-ganap sa harap ng kamera. Ano ba talaga ang totoo?  Ikaw na ang bahalang humusga. Nasasaiyo. Pero kapag nasa laban ka at gusto mong sumikat? Isa lang ang paraan ganap-ganap.

Ganap-ganap man, inaamin ko, sa isang banda naaliw ako. Kinilig ako sa  KIMERALD, STAR-CROSSED LOVERS NG HUNGER GAMES. Kaya kanina na lito ako kung kikiligin ba ako kina Ace Young at Diana Degarmo. Ang alam ko totoo naman na engaged na sila. Siguro, hinuha ko para tumaas ang ratings o kaya publicity? Kahit ano pa! Isa lang masasabi ko. KAPANSIN-PANSIN ANG PADRON NG GANAP-GANAP SA MGA REALITY TV SHOWS!

author:  maningning

p.e./kf

Enhanced by Zemanta