To Let Go or Not….

Let Go (Photo Credit: Hungry4less.blogspot)
Let Go (Photo Credit: Hungry4less.blogspot)

Let Go   (Photo Credit:    Hungry4less.blogspot)
Let Go (Photo Credit: Hungry4less.blogspot)

One time nag-uusap kami ng pinsan ko about sa break-up,then binigay niya sa akin yung website ng Definitely Filipino blog.   Mula noon na-adik na ako sa pagbabasa ng mga blogs sa website na ito.  Araw-araw ay nagbabasa ako ng latest na posts. That’s why na inspire ako magregister at magpost.

Hindi ko alam pero I consider myself as an pain absorber, mas gusto kong ako ang nasasaktan kaysa iba ang nasasaktan ko kaya pain absorber ang ginamit kong username… hahahaha..Sa ngayon hindi ko alam ko kung ilet go ko siya o itutuloy ko pa din itong kagagahan ko kahit na nasasaktan ako.

Nakilala ko siya sa isang inuman, one time kasi isinama ako nung kaofficemate ko sa mga pinsan niya at dun ko nameet yung pamangkin niya. Napakabilis ng mga pangyayari; nacorner nila akong lahat, tinanong kung puuwede daw niya ako maging gf ,dala ng alak, oo nman ako agad..hahahaha..

Alam ko nun na may gf siya, pero sabi niya ay break na daw sila nung gabi na yun dahil hindi niya sinundo. After nun lagi kaming magkatext.  Aaamin ko, noong simula, hindi ko pa talaga siya gusto. Nadala lang ako kasi guwapo siya.  Habang tumatagal nagustuhan ko na din siya; hanggang dumating sa point na ibinigay ko na naman ang lahat, sobra sobra pa nga yata, to the point na hindi na ako nagtira para sa sarili ko again.. and again.

Eto ako, nagpapakatanga na naman..hahahaha..haaay buhay nga naman. Hindi ko alam pero mahal ko na siya nang sobra sa loob lang ng tatlong buwan.  Kung  bakit kasi hindi ko maturuan ang sarili ko, yung may gusto na lang sa akin ang mahalin ko.  pero dahil  pain absorber nga kaya mas pinipili ko yung masaktan ako.

Minsan tinanong ako nung pinsan ko kung sino daw pipiliin ko; yung tao mahal ko o yung taong mahal ako.  Sinagot ko siya agad nang hindi na nag-isip, na yung taong mahal ko kasi pag nandoon ka na sa sitwasyon na yun, hindi mo na masasabing pipiliin mo yung tao mahal ka, kasi mas pipiliin mo yung taong mahal mo kahit na masaktan ka pa..

Ngayon nalilito ako, kasi ako na lang gumagawa ng effort sa aming dalawa. Balewala na sa kanya ang lahat, kaya hindi ko alam kung mag LET GO na naman ba ako o magpapakatanga pa..

author:  pain abosrber

p.e./mj

About mutable fire

i love to read books..nagsusulat para ipahayag lahat ng saloobin,mahilig mangarap ng gising..tamad walang ginagawa kundi mahiga..:)

Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.


Send a private message to author mutable fire

  • Purple Blaze

    Been there, done that and I am sure that you too will get through it. According to Bob Ong, “iwanan mo kung hindi ka na masaya. Walang gamot sa taong tanga kundi pagkukusa” :).

    love your self first, and if it’s meant to be, it will find a way. 🙂

  • heartspring19

    Alam mo mapapayo ko sayo kalimutan mo na siya kasi kong di niya pinahahalagahan yung pagmamahal mo wala siyang kwentang tao. Hindi naman kasi porket ni let go mo siya katapusan na ng mundo. Ibig lang sabihin niyan may mas pa na darating para sayo. Maghintay ka lang may taong darating sayo na magmamahal sayo ng totoo at mamahalin mo din. Cheer up madami pa diyan, di lang siya. 😀

  • betterme03

    yup.. let go ka na.. alam ko yung feeling mo ngayon kasi pareho tau nagpapakatanga hehe kaso sakin bumitaw na ako at nag let go kasi masakit na masyado.. alam ko naman na kasi saan ako lulugar kasi sinabi na nya sakin na hanggang dun nalang at wag na daw ako umasa. alam kong mahirap talaga at sobrang sakit.. pero cguro makaka move on din tau in time.. iwasan mo muna lahat ng bagay na makakapag paalala sa kanya ganun hehehe ako hirap na hirap gawin yun. pero sana makayanan.. darating din yung para sa aten maniwala ka 🙂

  • Alexsis

    let go for good! Wag kana mag pakatanga. Kung now sobrang mahal mo sya wla effect sakanya, pano pa kung pagud kana? Leave while you still can wag mo hintayin na lamunin ng pg mamahal mo yung buong pg katao mo. Kawawa nmn yung mnga tunay na nag mamahal sayo. How about your family and friends? Panu sila pg ma lunod kana sa ka hibangan mo na yan? Maraming klasing love, why settle for less? yung taong wlng paki sayo minahal mo nga, yung tao pa kayng mahal ka talaga? Kung mg papakatanga ka lng din then at least do it for someone worth it para sulit nmn effort mo dba?

    • pain absorber

      as of now sinusubukan ko na sya iwasan sana makayanan ko na talga this time..salamat sa advice..

  • binibiningclara

    Let Go… 🙂 Kung para talaga siya sayo.. kahit bumitaw ka… babalik yan.. gagawa yan ng paraan kaya wag kang matakot bumitaw… kung hindi man… may mas nararapat para sayo.. hintay lang 🙂

    Tandaan mo.. wag mong hahayaang maging option ka lang ng isang lalake.. You deserve the best!

    Try to check some of my blogs some time. Maraming advice doon ang mga readers na maaaring makatulong sayo.

    I was there before. 🙂 Kaya mo yan.

    • pain absorber

      tama..kahit masakit gagawin ko na mag let go..