by
on
under
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author lostsoul1688

The Other Woman

About lostsoul1688

Other Woman    (Photo credit:     Dailygirlgames)

Other Woman (Photo credit: Dailygirlgames)

I really have no idea when it started, all I know for sure right from the start is that MALI ito…

I met this guy sa isang house party, barkada siya ng asawa ng bestfriend ko. Nararamdaman ko na pagdating pa lang niya, pagkatapos kami ipakilala sa isa’t-isa ay  hindi na nawala yung tingin niya sa akin. I know right there and then na may something sa lalaking ‘to! Well, bukod sa maputi at matangkad, cute din talaga siya at sobrang lakas ng sense of humor, ilan sa mga hinahanap ko na katangian sa isang guy.

Noong araw din na yon naramdaman ko na nagka-crush agad ako sa kanya. Yes, you read it right CRUSH ko na siya agad, hindi ko malaman kung sa dami ba ng nainom ko o dahil sa tagal ko nang single eh inaasam ko na magkakaroon ako ng boyfriend sa katauhan ng lalaking kainuman ko.

Mukha naman dininig ng Diyos ang pag-asam ko na magkaron na ng BF dahil hiningi niya ang number ko (na inaasahan ko na base sa mga tingin nyia sa akin) na walang pagdadalawang isip ko namang ibinigay.

Akala ko magtatapos nang masaya ang gabi na yon, only to find out na may ASAWA na pala ang lalaking pinapantasya ko nang ilang oras at iniimagine na maging BOYFRIEND.

Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko noong mga panahon na yon, disappointment ba o thrill?  Nagtatalo yung isip ko, kagaya nga nung nasabi ko na sa umpisa pa lang ng blog na ito, ALAM KO NA MALI ang makipagrelasyon sa may asawa.

Nakilala ko yung asawa niya noong gabi din na yon, nagkakuwentuhan kami, magaan agad ang loob ko sa kanya dahil madaldal at kuwela din siyang kausap,  at nalaman ko din mula sa kanya na BUNTIS siya sa pang-apat nilang anak.

Lalo akong nawalan ng pag-asa sa nalaman ko, naisip ko na kung papatol ako sa lalaking ito ay magiging kagaya ako ng KABIT ng tatay ko na kinamumuhian ko nang sobra sobra.

Pagkagising ko kinabukasan, merong text sa phone ko from an unregistered number, noong binasa ko, it was from the guy sa party kagabi at kinakamusta niya kung nakauwi ako nang maayos. Hindii ko alam pero parang automatic na kinilig ako sa pagkabasa ng text message na yon.

From that day onward, regular na kaming  nagtetext sa isa’t-isa. Inamin na din niya sa akin na nagkagusto siya sa k’in simula pa lang noong unang kita namin sa party.

Noong umpisa, sabi ko sa sarili ko “wala lang naman ‘to, tamang landian lang, no physical and emotional involvement”.

Hanggang sa dumating ang panahon na nagkikita kami sa bahay ng common friend namin at pasimpleng naglalandian, minsan kahit pa nandoon yung asawa niya hahanap kami ng pwesto na makapagsosolo kami.

Dumating na din ang araw na kinatatakutan ko, ang araw na naipagkaloob ko sa kanya ang sarili ko. Ang akala ko katawan ko lang ang naibigay ko sa kanya, yun pala package deal sila ng tangang puso ko.

Masaya pala ang pakiramdam…

Mga patagong pagkikita, palihim na pagtetext, pag-iwas sa mga taong posibleng makakilala at magsumbong sa asawa niya.  Iba eh, nakakachallenge, nakakathrill. Ang sarap lang isipin na pumupuslit siya sa asawa niya para makipagkita sa akin, pero on the other side, naiisip ko din na ginagamit lang niya ako dahil hindi siya kayang paligayahin sa kasalukuyan ng asawa niya dahil buntis ito, pero wala na kong magawa, nilamon na ko ng pagmamahal ko sa kanya…

Ngayon manganganak na yung asawa niya, hindi na din siya nagpaparamdam sa akin kagaya ng dati, alam ko wala kaming napag-usapan, walang commitment as in pure sex and pleasure lang, NO STRINGS ATTACHED.

Pero bakit ganito?  Bakit sa puso ko may gumagapang na pag-asa na iiwan niya ang pamilya niya para sa akin gayong alam ko naman na mali at hindi maaari at hinding-hindi mangyayari?

Sa ngayon naghihintay pa din ako at umaasa na babalik siya, hindi man siya maging sa akin nang buong-buo kahit may kahati, handa akong magpakatanga para lang sa pag-ibig niya.

Alam ko madaming tao ang hindi nakakaintindi sa mga kagaya ko na “other woman”,  sinulat ko tong blog na to para maparating sa inyong lahat na tao lang kami. Minsan kahit pa gaano katalino ang isang tao pagdating sa pag-ibig ay nagiging bobo din. Kaya sana huwag niyo kami ijudge nang basta-basta; intindihin ninyo din sana ang mga pinangangalingan ng mga katulad ko na nagmahal sa MALING TAO.

 author:  lostsoul1688

p.e./mj

Enhanced by Zemanta

You may also like these articles:

Posted in |



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author lostsoul1688



10 Comments |
  • Ladyrider

    I’m not going to judge you…. pero please realize na masarap ang tahimik na buhay…yes masaya sa umpisa…pero no good things last…wag mong hayaan na abutan ka pa ng karma sa ginawa mo…sobrang sakit nun promise…mahirap mag start over…May nakapag sabi sakin…seek happiness not on the things that can be lost…Sana lang ma consider mo yung ibang advise…

  • You do not mess with a married person… period. You would just end up destroying your life and their family. Kung ikaw ang other woman/ man palagi kang talo.

  • Simply Amazing

    Hindi kita huhusgahan dahil naranasan ko ring makipaglandian sa may asawa na. Totoo masarap may thrill ngunit mahirap. Una sa ex ko na pilit niyang nakikipag relasyon sa akin, pangalawa sa asawa ng pinsan ko. Sa pakikipag relasyon talga dapat set natin ang mind kung saan tayo lulugar, Thanks God, napigilan ko ang aking sarili kung hindi wahhhhhhhhhh laking gulo nun. Imagine, pareho kong pinsan ang mga asawa.. hahahhaaa

  • Anna

    It is very obvious that this guy used and manipulated you only. Remember “To love and BE loved…..kailangan pareho ang narramdaman nyo sa isat-isa…ang pag ibig ay mutual feeling kapag isa lang ang nagmamahal, katangahan na yan…Move on Girl…

  • charing

    Wala akong karapatang husgahan ka pero talagang napakamali ng ginawa mo at nagawa mo pang landiin ang lalaki kahit andiyan asawa niya? Sana mahanap mo ang sarili mo .

  • Naiintindihan kita.Pero hanggang kailan ka ganyan?Its about time to do the right thing.Isipin mo ung para sa sarili mo at sa mga taong masasaktan.Alam kong hindi mo pinangarap maging other woman.Alam mo nang mali ‘wag mo na ipilit.Alam mo kung ano ang pwedeng mangyari..lahat naman sa umpisa lng mahirap.You can do it dear with Gods help.

  • Alexsis

    I can relate but my story is a bit different, ako yung nauna eh. First love namin ang isat isa, pero I needed to leave the country para mag trabaho. Pinakawalan ko pa nga sya kase hindi ako sure kung makakabalik pa ako, ayaw ko naman na mag hintay sya sa wala. Nag last ng 1yr yung LDR namin until I learned to let go of him. Hangang ngayon he’s the only guy I ever loved. Kala ko non I would never see him again, pero sadyang ma paglaro ang tadhana. I saw him at a gas station one day, nag ibang bansa din pala sya. Sobrang saya ko to see him. Pero my asawa pala syang naiwan sa pinas. Ang sakit to think na yung taong sobrang mahal ko hindi na pwedi maging akin. God knows I tried so hard to ignore him after that day. Pero I kept bumping into him wherever I went. But still… I fought with my heart, kahit ang hirap ededma ang mnga ngiti nya. Sya lang ang nag mahal sakin ng totoo, at sya din nag turo sakin kung panu mag mahal. He made me feel safe and he made me happy. Sakanya lang ako napapa halakhak ng ngusto. We knew we still loved each other kase yung intensity nang pagmamahal namin mahirap burahin or kalimutan. Pero tiniis ko parin sya kase nga MALI. To the point na naaksidenti sya saka habol saakin. Muntik na sya mamatay non kaya hindi kona sya natiis. I took care of him until gumaling sya. When he opened his eyes… sobrang laki ng ngiti nya nung nakita nya ako. That time ko lng sya ulit nakita na ganun kasaya. We understood each other so well na sa mata plng alm namin ang nasa isip ng isat isa. That was the first time in my life na nagging selfish ako. Naisip ko na our love was rare and yung asawa nya papel lang yung meron sila. I was dead wrong kase a couple months later we found out buntis yung asawa nya. Kulng na lng sabunutan ko sarili ko at eontog sa pader ulo ko para magising sa kahibangan ko. Pero it was too late. Masydo naako nag paka lunod sa pagmamahal ko sa kanya. Natalo ng puso ko ang utak ko. Nag continue yung relasyon namin for 3 more years. Those years were the happiest days of my life. Pero nung nakilaban ulit yung utak ko… hindi kona din kinaya. I can’t be completely happy habang alam ko my natatapakan ako. I tried many times lumayo pero ang hirap kaya muli akong lumapit sa diyos. Dahil sa kasalanan nayun pati diyos tinalikuran ko kase nahihiya ako sa mnga nagging decesyon ko. Pinagdasal ko na please tangalin nlng yung mahal ko sa puso ko, kase that’s the only way makalayo ako. Like they say, “be careful what you wish for”. A year later was the worst part of my life. He cheated on me at na buntis nya pa. First time kong nagalit sa kanya sa buong buhay ko, pero mas galit ako sa sarili ko kase kahit sobrang galit na ako mahal ko parin sya. Nag makaawa sya for my forgiveness, anu daw gusto kong gawin nya para papatawad ko sya. I asked him to let me go. Na panindigan nya yung bata at wag nya pabayaan yung asawat anak nya sa pinas. That was the last time I saw him. Lumipat ako ng state to make sure na hindi na kami mag kikita ulit. Ang hule kung balita from common friends namin, 2 ndaw yung anak nila nung na buntis nya at hiwalay na sila nung sa pinas pero suportado nya parin yung anak nya doon. I admit hangaang ngayon mahal ko parin sya, pero I’m happy now. Meron na din akong asawa and 2 beautiful children. Sa haba ng kwento ko… my point is you don’t love only once. Kahit ganu pa ka lufet yung love story natin pwedi parin tayo mag mahal ulit. Hindi lahat ng mahal natin ay para talga saatin. Hindi mali mag mahal pero merong tamang tao sa tamang panahon. Just be strong, I know it hurts now, pero someday mag heal din yang puso mo. Never mawala yung pain pero na babawasan din naman. I believe that there’s a right person for everyone. It just takes a whole lot of patience along with trails and error bago sila mg tagpo. Kase by then sobrang handa na since you’ve loved & lost kaya the next one expert kana. It’s not the end of the world, lilipas din yan. For now focus on yourself, occupy your thoughts with anything else other than HIM. Lahit ng tao nag kakamali pero hindi yun excuse to repeat mistakes, kaya steer away from that. Next time mag mahal ka ulit… yung tama lang. Not less, not too much kase diba anything too much is not good for us.

  • leah

    i do understand how you feel. cguro the only difference that we have is that i’ve been lied to. you know from the very start that he and his wife are living together. mine is different, i was made to believe they were separated. he never denied the kids. he said the girl was working abroad and the only means of communication was the support, other than that nothing more. the hesitation was there from the very start because we are talking about kids on the picture. but on the other hand, there’s nothing wrong with it. wala naman tataaman kasi separated nmn. in short we became bf/gf thing. maybe it’s a natural instinct or bka gingawan ng paraan. i checked his fb account long and hard. looking for something that cud possibly tell me what his wife looks like. and boom, there’s so much to see. they were never separated after all. ni wala sa abroad. matagal bago ko nalaman and the worst thing is alam ko na mahal ko yung tao. nagalit ako and declared separation thereafter. i was weak it didnt happened after all. like you yan din sinulat mo ang iniisip ko ” Pero bakit ganito? Bakit sa puso ko may gumagapang na pag-asa.. gayong alam ko naman na mali at hindi maaari at hinding-hindi mangyayari?” hindi ko sinama sa isip ko na iiwan nya ang pamilya dahil alam ko na hind un mangyayari. alam mo, kailngn natin lumaban. dahil kahit anong mangyari tayo ang agrabyado. mahal ko siya, oo, pero hindi sapat ang pagmamahal lang para manatili ako. ayaw nya ako mawala, ayaw nya din mawala ang pamilya nya. may mga taong darating para sa atin. gingawan ko ng paraan para makalayo. sana ikaw din ay ganun. kung napanuud mo ung isang movie, sabi dun, lahat ng masakit sa una lang at hindi lahat ng mkkapagpasaya sa atin ay tama. isa pa ang swerte naman nila, dalawa ang ngmamahal sa kanila samantalng tyo nakikihati pa e pwede naman ntin yan mkuha ng buo sa mas tamang tao. marami pang iba ang nkkrmdaman ng gnyan. it will take a lot of courage. kahit ako mismo hindi sang ayon. if i have known from the very start na nagsasama pa pala sila, i never have pushed myself further. pero andito na, nangyri na. i guess it’s never too late to fix things. sau, ndi na sya nagpaparamdaman. grab it as a chance to be away and start over =)

  • leur

    alam mo gusto ko sana kitang intindihin pero di ko kayang unawain ang bulag at tanga mong puso.bakit mo nagawa na maging katulad ng kabit ng daddy, mo na sabi mo kinamuhian mo?di ba naramdaman mo ang sakit din nito?Gumising ka gamitin mo ang utak mo at hindi yong tawag ng laman at pintig ng puso mo.Hindi pa huli ang lahat,may panahon ka pa para baguhin ang lahat.Kahit anong gawin mo sa mata ng Diyos at ng tao mali ang ginagawa mo.Maawa ka sa sa mga anak niya!Marami pang lalaki ang dadating sa buhay mo.Move on kasi kahit kailan di k namin mauunawaan..