by
on
under , , ,
tagged , , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author iceburn


  • Latest Posts

Sino ba ang Dapat Sisihin, Ako na Nangaliwa o Siya na Nagpabaya?

Woman removes wedding ring (Photo credit: blindgossip.com)

Woman removes wedding ring (Photo credit: blindgossip.com)

“Hindi sapat ang singsing lang na suot-suot ko para masabing may asawa ako!”

Nasanay akong mamuhay mag-isa. May pamilya ako, pero nasa ibang bansa sila. Ako lang ang naririto sa Pilipinas, sa piling ng aking lola. Noong nasa unang taon ako ng kolehiyo, mayroon akong nakilala doon din mismo sa Unibersidad na pinapasukan ko.

Siya si Erik. Kapatid siya ng kaklase at malapit na kaibigan ko din, si Eliza. Si Erik ay nasa ikalawang taon ng kursong pag-iinhinyero noon, at ako naman ay nasa unang taon ng kursong edukasyon.

Kapag may mga project kami sa school, kadalasan ay sa bahay nila Eliza namin ito ginagawa. At tinutulungan kami ng kuya niya. Napakabait ni Erik bilang anak, kuya at kaibigan. Napakabuti niya sa ’kin, kaya naman napalapit ang loob ko sa kanya.

Hindi nagtagal, nanligaw siya sa ’kin. Mga anim na buwan din siyang nanligaw bago ko sinagot. Nasa ikalawang taon ng kolehiyo na ako at siya naman ay nasa ikatlong taon na noong maging kami. Wala akong masabi kay Erik. Nasa kanya na yata lahat ang hinahanap at  pinapangarap ng kahit na sinong babae sa isang lalaki. Kaya naman napakasuwerte ko sa kanya.

Dahil sa limang taon ang kurso ni Erik, sabay kaming nagtapos sa kolehiyo. Pagkatapos nun, pinag-usapan na namin ang aming kasal, na plano na namin noong nag-aaral pa kami. Gusto ko na din maikasal sa kanya para naman may masasabi akong pamilya na malapit sa ’kin. Nagpakasal nga kami at nagsama sa iisang bubong upang bumuo ng tahanan.

Sa loob ng limang buwan na aming pagsasama, wala naman naging problema. Hanggang sa may dumating na pagkakataon para sa kanya na makapunta sa ibang bansa. Magkasintahan pa lang kami noon, pangarap niya na iyon. Kaya naman ang saya-saya niya noong alukin siya ng isang malaking kompanya na nakabase sa Dubai. Nirekomenda kasi siya ng kanyang kaibigan  na matagal nang nagtratrabaho doon sa manager nito.

Pinag-usapan namin ang bagay na yun. Ayaw ko sanang mapalayo siya sa ’kin. Lalo na’t maikling panahon pa lang ang pagsasama namin. Kaya lang, nasasayangan din naman ako sa napakagandang pagkakataon para sa kanya. Saka alam ko naman na para din sa kinabukasan naming dalawa yun. Dalawang taon lang naman ang kontrata niya doon at pagkatapos nun, babalik din siya.

Umalis nga siya patungong Dubai. Noong una maayos naman ang lahat. Walang nagiging problema. Laging tumatawag, laging nangungumusta. Laging nagkukuwento ng mga nakikita niya, napupuntahan at pati din ng mga kinakain niya sa Dubai.

Pero noong tumatagal na siya doon, unti-unting nag-iiba ang ugali niya. Lagi na niya akong inaaway, lagi nang mainit ang ulo niya sa ’kin. Lagi kaming hindi nagkakasundo sa halos lahat ng bagay. Hindi ko na halos maramdaman ang tungkulin niya bilang asawa ko. Kung hindi na ako ang gagawa ng paraan para makapag-usap kami, hindi ko na siya makakausap. Dahil hindi na siya tumatawag, tulad ng ginagawa niya palagi noon.

Napakalungkot para sa isang asawa na maiwang mag-isa, tapos hindi mo pa mararamdaman yung presensiya ng asawa mo. Lalo na sa tulad kong bagong kasal pa lang. Napakasakit isipin na kung sino pa ang inaasahan mong kakampi at karamay sa lungkot at saya ay siya pang nagbibigay sa ’yo ng sakit at sama ng loob.

Inintindi ko ang pagbabago ng ugali ni Erik. Sinabi ko sa sarili ko na baka nagkakaganoon lang siya dahil sa hirap ng dinadanas niya sa malayo. Tiniis ko lahat kahit na minsan nahihirapan na ako. At minsan hindi ko na madama ang pagpapahalaga niya bilang asawa ko.

May mga araw na kailangang-kailangan ko siya pero hindi man lang niya magawang tawagan ako. Wala siyang ginagawa, tinitiis niya ako. Ako na nga palagi ang gumagawa ng paraan para mapanatili ang komunikasyon namin. Nagagawa pa niyang awayin ako at pagsalitaan ng masasakit.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagkakaganoon. Ayaw ko din namang mag-isip ng masama dahil lalo lang akong masasaktan.. Dinadaya ko ang sarili ko at iniisip na mahal ako ng asawa ko kahit na ang totoo ay hindi ko na nararamdaman ito.

Araw-araw lumuluha, araw-araw umiiyak ako. Pakiramdam ko nag-iisa lang ako. Minsan dinaratnan ako ng mga estudyante ko na namumugto ang mga mata ko. Hindi ko maitatago sa kanila ang problemang pinagdadaanan ko. Maging sa mga kapwa ko guro ay nahahalata din ako.

Dumating yung  araw na parang hindi ko na talaga kaya. Na susuko na sana ako at sisirain ang buhay ko. Iyan naman yung araw na nakilala ko si John. Si John ay guro din at bagong lipat siya sa paaralang pinagtuturuan ko.

Si John ay laging nandyan kapag nararamdaman niyang hindi ako okay. Lagi niya ako sinasamahan kapag nag-iisa ako. Pinapasaya niya ako kapag nalulungkot ako. Laging inaabot ang kamay niya kapag nararamdaman niyang matutumba na ako. Nanligaw siya sa ’kin kahit na alam niyang may asawa na ako.

Hindi nagtagal napalapit ang loob ko sa taong ito. Siya kasi ang laging nandiyan noong mga sandaling kailangan ko ang asawa ko. Siya ang laging kausap ko noong mga sandaling gusto ko marinig ang boses ng asawa ko. Siya ang pumupuno sa pagkukulang ng asawa ko.

Noong una pinigilan ko ang sarili ko. Dahil may asawa ako. Kaya lang nasaan ang asawa ko? Para sa kanya, asawa niya kaya ako? Ilang ulit kong pinag-iisipan ang bagay na ito. Hanggang sa dumating sa punto, na may nararamdaman na din ako para kay John.

Naibaling ang lahat ng atensiyon ko kay John. Sa piling ni John, walang luha, walang sakit. Sumigla at naging masayahin ako habang kasama siya. Nagagampanan ko na ng mabuti ang trabaho ko. Naayos ko na din ang sarili ko.

Hindi ko na din inisip pa si Erik. Dahil hindi din naman na ako mahalaga para sa kanya. Hinayaan ko na lang at pinaghandaan kung ano man ang susunod na mangyayari. Handa na din akong mapanidigan kung ano ang magiging pasya ko. IpinasaDiyos ko na lang ang lahat.

Siguro ang sama-sama ng tingin sa’kin ng mga ibang tao. Wala akong paki-alam. Hindi nila alam ang kwento ko. Alam kung mali ito, kailan na ba kasi naging tama ang bawal? Pero parang mas mali yatang maging tanga ako habang panahon. Mabuti nga hindi ako nabaliw noon.

Oo, kasal ako pero hindi sapat ang singsing lang na suot-suot ko para masabing may asawa ako. Kailangan ko ding maramdam yung pagmamahal at pagpapahalaga niya. Yung tungkulin at responsibilidad niya. Kung ginampanan lang ni Erik ang pagiging asawa niya sa ’kin, hindi nangyari ang lahat ng ito. Pero hindi, dahil pinabayaan niya ako at binalewala. Sinaktan, pinaiyak at pinaasa.

Inaamin ko mali at kasalanan ang ginawa ko pero hindi naman sana nangyari ito kung hindi nagpabaya si Erik. Ngayon nais kong malaman,

Sino ba ang dapat sisihin, sino ba ang unang nagkamali, sino ba ang may pagkukulang?

Ako na nangaliwa o si Erik na nagpabaya?

author:  iceburn

p.e./kf

  • Ember

    Mas maganda if pilitin mong gumawa ng paraan na makausap ang asawa mo

  • perstaym mo?

    kung may bansa mang hindi ka ma ho-home sick as OFW, eto ay ang Dubai. ang dami kayang pinoy dun kahit saan ka mag punta at ang dami ding babae na nanlalandi kaya matutukso ka lang kung d mo kayang kontrolin ang sarili mo. sa tanong mo wala naman dapat sisihin kundi kayong 2 na din.

  • akomunasiblanca

    naiintindihan ko ang pinagdaanan mo..at hindi ko din masasabi kung ano ba talaga ang dinaranas ngayon ng asawa mo sa Dubai..pero sa tingin ko ay may iba na sya doon..dahil kung mahal ka nya at pinapahalagahan nya ang relasyon nyo bilang mag-asawa ay dapat pinanatili nya ang komunikasyon ninyo..naranasan ko ang naranasan mo at masakit mang isipin pero madalas ang paligoy-ligoy na desisyon ng mga magkarelasyon tulad ng pagpapakasal ng maaga ay madalas talagang humahantong sa hiwalayan..pero ganun pa man ay mali pa din ang ginawa mong pagpasok sa relasyon habang ika’y kasal na..

  • Fate

    One thing you don’t know, is the situation of your husband why he’s doing those things to you, being an OFW is a hard job, being far from your own country and most specially from your family is unbearable.

    Yes, your husband is not performing his responsibities as a husband to you, it’s wrong, but, if you will succumb to your new found someone, you will be both wrong. Think of the consequences, what if you just wait for your husband and be patient, let God be your companion instead of John, because you don’t know the intention of john, dahil kung matinong tao si john and he has good intentions to you, alam nyang may asawa ka hindi ka nya liligawan. What if erik comes home and he found out about you and john, what will you say? can justified your actions? What if eric has a good reasons? you don’t know right? So the best thing na pwede mong gawin, pag sa Diyos mo ang lahat, kung si eric man ang may ginagawang mali, isipin mo na lang na at least hindi ikaw