by
on
under , , , ,
tagged , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author Octoberian

Mayabang Nga Bang Maituturing?

Close to success (Photo credit: fitnessintime)

Close to success (Photo credit: fitnessintime)

Galing ako sa isang broken family...

Nakipaghilaway si Mama kay Papa noong pitong taong gulang ako dahil natuklasan niya na mayroon na palang unang family ang papa ko at ayon sa kanya, hindi mapabubuti ang pamilya namin kung makikisama pa siya sa papa ko. Simula noon, kaming apat na magkakapatid ay mag-isa na niyang binuhay.

Nagsimulang mag-abroad ang aking ina bilang DH after ng first birthday namin ng kakambal ko. Makalipas ang tatlong taon ay umuwi siya para kunin kami sa papa ko. Galing Pasay, Manila, inilipat niya kami sa Calamba, Laguna. Dahil mag-isa lang siyang sumusuporta sa amin, kailangan niya ulit mag-abroad. Kasalukuyan akong nasa grade one noon nang ihabilin kami ni Mama sa tito ko kasama ang family ng asawa nito.

Bakasyon ng grade three, nagbakasyon kaming apat na magkakapatid sa Singapore (employer ni mama ang sponsor namin). At doon natuklasan ni mama ang pang-aaping naranasan namin sa family ng asawa ng tito ko dahil sa dalawang jumbo grilled chicken. Hindi kasi kami makapaniwala na sa amin lang magkakapatid ang dalawang jumbo grilled chicken. Halos maiyak-iyak pa kami sa sobrang kabusugan namin noon, pero mali pala.

Sa loob ng tatlong taon, kahit minsan, ay hindi pumalya ang Mama ko magpadala ng remittance na sobra-sobra para sa isang buwang gastusin naming magkakapatid. Ngunit nakaranas din naman kami na dalawang piso lang ang baon sa maghapon para sa eskwela. Well, limang piso ‘yun kaso “kailangan” naming bumili sa tindahan ng tita ko bago pumasok (tatlong piso ang presyo ng skyflakes noon). Magbibinalot man kami, isang damukal na kanin at kapirasong tocino ang ulam. Pagkauwi ng bahay galing eskwela, kailangan naming linisin ang MGA koleksyon nilang angel figurine, at mag-wax at magbunot ng marmol nilang sahig. Ang kadalasan naming ulam doon ay sardinas na my alugbati.

Kapag dumating ang remittance galing sa Mama ko, buong pamilya nila ang magpupunta sa SM para magshopping. Kami din ang tagalaba ng mga damit nila. Kapag mayroon silang mga kapamilyang bumibisita at mag-i-stay-over sa bahay nila, kami rin ang maglalaba ng mga damit ng mga bisitang iyon. Kapag minalas pa nga’t nawalan ng tubig, kailangan naming gumising nang maaga at mag-igib ng tatlong drum na tubig na mas mataas pa sa ate ko bago kami pumasok para may supply sila sa maghapon.

Pagkauwi, kailangan ulit naming punuan ang mga drum. FYI, puro babae kaming magkakapatid. Grade six ang panganay namin, ikumpara sa mga 20 years old nilang mga lalaking bisita, para ipag-igib sila ng anim na drum sa maghapon. Naranasan din namin ang mabugbog dahil sa mga pambatang kasalanan at dahil sa isang nabasag na angel globe (na hindi kami ang may kasalanan). Gusto man naming magsumbong ay hindi namin magawa dahil tuwing tatawag si Mama ay nakikinig sila sa kabilang linya.

Pagkauwi namin galing Singapore, excited nila kaming sinalubong at hinalungkat ang mga pasalubong namin. Kinagabihan, hindi pa kami nakapaghahapunan at habang umuulan ay bigla nila kaming pinalayas. Noong gabi ding ‘yon ay naghanap kami ng mauupahan. Mayroon sana kaming bahay na malilipatan ngunit ang binibiling bahay ni Mama noon ay nawala dahil nag- tiwala siya sa maling tao. Doon kami nag-umpisang tumira kasama ang bunsong kapatid ng mama ko sa isang maliit na apartment.

Ngayon ay fourth year college na ako. Graduate at board passer na ang ate kong panganay na nagnursing. Still, ang Mama ko ay DH ngunit sa America na ngayon. Sinuwerte at isinama siya ng latest employer niya nang lumipat ito sa America. Nakabili na rin kami ng isang lupa at kamakailan lang ay natapos nang bayaran ng Mama ko ang bahay namin.

Happy ending? Wala pa.

Nabansagan kaming mayabang ng tita ko (sumunod sa Mama ko, panganay kasi si mama) at ng mga kapitbahay niya. Paano ba naman ay naniningil kami ng utang ng tita ko sa amin dahil kailangan namin at naospital ang pangalawa kong ate. Parang hindi daw kami kapamilya kung manggipit. Kami pa ang nanggigipit eh samantalang ang tita ko pa mismo ang nagsasabi ng sarili niyang due date. Pumupunta kami sa kanila para singilin siya sa pangako niya. Ipagkalat ba naman sa mga kapitbahay niya na mayaman kami at mayayabang. FYI ulit, ang tita kong ito ang dahilan kung bakit nawala ang unang bahay namin.

Mayabang nga ba kaming maituturing? Broken family, nakaranas ng pagmamaltrato at lumaki kaming hindi gaanong nakilala ang Mama namin at ganoon din siya sa amin dahil nga sa pagtatrabaho niya sa abroad para masuportahan niya kami. Mayabang nga bang maituturing kung singilin namin ang inutang sa amin lalo na’t kailangan na kailangan namin iyon?

Sa mga pang-aaping naranasan ng pamilya namin, sa lungkot at inggit na nararamdaman namin sa mga buo ang pamilya, masyado nga ba kaming naging mayabang?

Sa ngayon, pursigido akong makatapos para matigil na sa pangangatulong ang Mama ko. Napakahaba na ng panahong nagsakripisyo ang aming ina. Nais ko na siyang tumigil sa trabaho niya dahil kahit mabait ang pamilyang pinagsisilbihan niya ay katulong LANG ang turing sa kanya.

Ang mawalay sa ina, para sa aming magkakapatid, ay masyado nang malaking sakripisyo…

author: Octoberian

p.e./kf


You may also like these articles:

  • Angela

    Good job Octoberian! Mag aral kang mabuti para sa’yong ina, maswerte kayo at meron kayong dakilang ina na tinitiis ang lahat mabigyan kayo ng magandang kinabukasan..

    hayaan mo na lang ang mga taong nang aapi sa inyo, bahala na ang tadhana ang gumanti sa kanila.. gawin mo ang tama at sa ikakabuti nyong magkakapatid at ng iyong ina.. tuparin mo ang mga pangarap huwag mo hayaang mawala ang pagsisikap ng nanay mo.. God bless you..

    • Octoberian

      Alam mo, nakakalungkot dahil hindi naman iyon ang hiniling namin, pero pinarusahan sila ng Diyos sa ginawa nila sa amin. Nalulungkot parin ako para sa kanila kahit ganun.

  • Isipin mo na lang na ikaw ang nagpapautang, di ikaw ang nangungutang. Me mga tao talagang parang ang dating utang na loob pa na inalagaan kayo samantalang puro pang-aalipusta naman ang naranasan mo sa kanila.

    kung sakali man umaaangat kayo at marami kayong naririnig, ilabas nyo na lang sa kabilang tenga. tulad ng sabi nila, inggit lang yun. Me tao rin na aawayin ka para makalimutan mo ang utang nila. di naman pwede yun, pinaghirapan mo rin naman ang pinautang mo. ganun na lang ba yun?

    gayun pa man, mas lalo tayong magsikap. ang mga karanasan natin ay nakaraan na at ang tanging magagawa natin ay matuto sa mga aral na bigay nun. wag nating gawin itong dahilan para tayo rin ay mang-alipusta. I hope you finish your studies and have a great life! God bless.

    • Octoberian

      Tama ka po dyan, minsan na nga nila ipinamukha samin iyon na may malaki kaming utang na loob iyon. Pero tama sila, malaki talga ang nagawa nila sa buhay namin. Malaking malaki.

      Hindi ko po sila kakalimutan kahit na maging successful kami. Mahalaga ang ginampanam nila sa buhay namin kaya nais ko parin silang tulungan sa kabila ng mga nangyari. 😀

      • lahat ng tao na naging bahagi ng buhay natin, me nagawa para sa mahubog tayo – masama man o mabuti. Kaya tama lang din na tumanaw ng utang na loob, pero bigyan din natin ng limitation. Nawa makita rin ng mga taong tumulong sa ‘yo kahit sa papanong paraan na mabuti naman ang nais mo rin para sa kanila at magbago na rin.. hehehe! God bless po.

  • SAME FATE

    :), hindi ka nagiisa dyan, minsan talaga pag umaangat ang buhay mo, mismong mga tinuturing mong kapamilya mo ang magdadown sayo, magsasabi ng masama, ito ay dahil sa inggit, dahil nung mga bata pa tayo para tayong ituring nilang hindi kapamilya, kung alipustahin akala mo masahol pa sa kasambahay ang turing, pag nakitang umaangat na and buhay mo, naiingit na sila, dahil ang mga taong dating tintingnan nila sa baba, unti unti ng umaangat sa buhay dahil sa pagsisikap, at yun ang wala sila…..make this as your motivation in life and once you’ve reached your goal, don’t forget to respect and love others kahit anu pang kalagayan nila sa buhay, take this as a lesson, ignore whatever they say, focus on getting your mom home….and the best thing in life na maibibigay mo sa mga kamag-anak when the right time comes is to love them and tell them “salamat po sa pagkupkop nyo sa amin noon, wag nyo pong isipin yun noon, kungdi rin po dahil sa inyo wala kami ngayon sa aming kinalalagyan”.

    Goodluck to your studies, strive in life and get your mom home, that’s the most important thing.

    • Octoberian

      Maraming salamat po! Yup, I’ll keep that in mind. Ang mga nangyari sa amin ng family ko ang nagsisilbing motivation sa amin. Ika nga, “Noong sinabi mong kaya mo, wag mo syang bigyan ng pagkakataong pagtawanan ka”.