by
on
under ,
tagged , , , , , , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author iceburn

Mahal na Mahal Ko Siya Pero Ako ay Pagod na Pagod na!

Sa pag-ibig, gaano kahaba ang iyong pagpapasensiya? Hanggang kailan mo kakayanin ang pag-uugaling hindi maganda  ng mahal mo ? Napagod ka na din ba?

Lonely Man  (Photo Credit:   Itsanewgay.wordpress)

Lonely Man (Photo Credit: Itsanewgay.wordpress)

Taong 2007 noong makilala ko si Jenny. Nagkagusto ako sa kanya. Niligawan ko at hindi nagtagal, naging kami. Habang nananatili kami bilang magkasintahan, maraming pagsubok ang dumaan sa amin. Pero lahat ‘yun ay nalampasan namin. Palaging away-bati kami. Parang aso at pusa na hindi magkasundo sa halos lahat ng bagay. Pero lumilipas din ‘yun sa amin. Ilang ulit na tampuhan na nauuwi sa hiwalayan. Pero hindi yun tumatagal. Napagtatanto din namin ang mga pagkakamali ng bawat isa. Nagkakapatawaran at nagkakabalikan.

Tumagal kami ng tatlong taon at anim na buwan. At sa tatlong taon at anim na buwan na ‘yan, ganyan ang naging ikot at daloy ng aming relasyon.

Habang kami, masasabi kong ako yung laging nagpapasensiya. Dahil siguro mahal na mahal ko siya noon. Lagi kong iniintindi ang pag-uugali niya, kahit na minsan ay ang hirap nang intindihin. Laging ako ang nagmamakaawa kahit na siya naman talaga ang may kasalanan. Ewan ko ba kung bakit ako naging ganyan sa kanya noon.

Sa tagal ng aming relasyon, hindi ko na matandaan kung ilang beses niya akong minura, pinagsalitaan ng masasakit at masasama. “Letse! Bwisit! Animal! Tang ‘na! Shit!” at marami pang iba. Mga salitang kailan man ay hindi ko narinig na sinabi sa ’kin ng aking mga magulang kahit pa napakasama kong anak.  Pero natiis ko yan sa loob ng tatlong taon at anim na buwan.

Marami ang nagsasabi na magkamukha daw kami. Halos lahat ng makakita kapag magkasama kami, iisa ang sinasabi. Magkamukha daw kami. Pati sa mga pictures na magkasama kaming dalawa. Nakikita ko nga na magkamukha nga kami. Iyon siguro ang nagpapatatag sa ’kin para maging matibay at mapagpasensiya sa pag-uugali niya. Bukod sa mahal na mahal ko siya.

Naalala ko tuloy noong sinamahan ko siyang magpapirma ng papel niya sa Valenzuela City General Hospital. Isa kasi siyang Nursing Student noon at nag-OJT siya doon. Noong pumasok siya at kausap yung Doctor na pipirma sa papel niya, siyempre, naiwan ako sa labas. Napapaihi na ako noon, naghanap ako ng Comfort Room pero wala akong makita sa Hospital na ‘yun. Bawal kasi akong pumasok sa loob. Lumabas ako para maghanap ng Public Toilet; wala din ako nakita.  Hanggang sa nakita ko yung SM Valenzuela.  Siyempre, siguradong may toilet ‘yun kaya doon ako pumunta. Medyo may kalayuan ‘yun mula sa hospital. Tumakbo pa ako dahil paihing-paihi na talaga.

Noong nakaihi na ako at pabalik na sana sa hospital, biglang tumawag sa ’kin si Jenny.

Jenny: Nasaan ka?!

Iceburn: Andito sa SM, umihi lang ako pero pabalik na ako d’yan.

Jenny: Hay! Bahala ka sa buhay mo! Uuwi na ako!

Tumakbo na naman kahit na basang-basa na ng pawis ang damit ko. Pagkadating ko ng Hospital. Wala na siya. Tinatawagan ko, hindi niya ako sinasagot. Akala ko naman, hihintayin niya ako at hindi tototohanin yung sinabi niya. Nauna na pala talaga siyang umuwi. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang inaasta niya. Wala naman akong ginagawang masama.

Siyempre nagmamadali akong pumara ng sasakyan at baka maabutan ko pa siya sa Monumento Station ng LRT. Pagkahinto ng sasakyan bago sa may Munumento Circle, bumaba na ako. Malayo pa pala dun ang LRT Monumento Station. Di ’ko alam kasi noon lang ako napagawi roon.

Tumakbo na naman ako; pagod na pagod na ako na parang aso noong makarating ako ng LRT Station. At naabutan ko nga siya doon. ‘Hindi ’ko alam kung hinintay ba niya ako o ano. Basta nakasimangot siya sa ’kin pagdating ko doon. Hindi ko siya maintindihan. Pero lahat nang yun ay tiniis ko. Pinahaba ko nang pinahaba ang pasensiya ko.

Akala ko, ako yung taong may mahabang pasensiya at pang-unawa. Akala ko, kayang-kaya kong tiisin ang hirap at sakit na dinadanas ko habang kami pa ni Jenny. Akala ko hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. Puro lang pala akala ang mga yun. Dahil ang taong katulad ko ay mag KAPAGURAN din pala.

Taong 2008 noong pumunta ako dito sa ibang bansa. Bago ako umalis, kami pa. Maraming pangako ang iniwan ko sa kanya. At nangako din siya na maghhintay siya hanggang sa araw na babalik na ako ng Pinas.

Habang naririto ako sa malayo at nagtitiis sa lungkot at pag-iisa, napapagod at nagtatrabaho para sa pamilya, siyempre, kailangan ko din sana ng taong papawi sa pagod at lungkot ko. Simpleng text lang sana niya na  nagpaparamdam ng pagpapahalaga at pag-aalala niya sa ’kin. Pero hindi eh. Kasi lagi niya akong pinagdududahan at pinag-iisipan ng masama kapag hindi ko siya mareplyan, kasi hindi naman araw-araw ay may load ako. At kailangan ding magtipid. Sasabihin niya may kinakasama na daw ako dito. May iba na daw ako. Marami siyang sinasabi na hindi maganda. Nasa malayo na ako pero hindi pa rin nagbabago ang pag-uugali niya.

Imbes na papawiin niya yung pagod at lungkot ko, hindi. Dahil dinadagdagan pa niya. Tiniis ko na naman yun nang matagal. Umabot pa ng taon. Pero walang pagbabago. Lalo lang lumalala. Ang hirap para sakin na nasa malayo at pag-iisipan niya ng masama. Pagdududahan at ano pa, kahit wala naman akong ginagawa. Lagi niya akong hinahamon na maghiwalay na kami. Pero ipinaglalaban at inililigtas ko ang relasyon namin kahit na siya naman talaga ang mali at nag-uumpisa ng away. Alam ko kasi na kayang-kaya ko.

Akala ko naman habang buhay kong kakayanin ang pag-uugali niya. Akala ko hindi ako susuko. Akala ko naman, sapat nang mahal ko siya para palaging magpakatanga at magpaka-kawawa sa kanya. Hindi pala.

Dahil sa pag-uugali niya na yun, unti-unti kong inipon ang pagmamahal ko sa kanya. Unti-unti kong inipon ang aking pasensiya para sa kanya. Unti-unti kong inipon ang aking pagtitiis at paghihirap sa pag-uugali niya. At noong pagsama-samahin ko ang lahat ng iyon, isa lang ang nabuong salita.

KAPAGURAN.

author:  iceburn

p.e./mj


You may also like these articles:

  • Wew! Sapul! peo napagod n din aq..nakakapagod dn ung tpong ikaw lng ang umiintindi..ung tpong kh8 na masak8 nid u ng bitiwan kz d kna nag2ng masaya.

  • akane007

    hayy hindi lang pala ako ang dumadaan sa ganitong sitwasyon, 5yrs na pero til now mahal ko parin ang ex ko, isipin mo 5taon na yet my heart still beats for the same person, hindi ko naman sha first love, ni hindi rin first bf,
    eto nga yata yun sinasabi nilang one true love or one great love na minsan lang dumadaan sa buhay ng isang tao,
    hindi naglast relationship namin dahil lulubog lilitaw sya. siguro dahil narin s along distance relationship namin, at s akawalan nya ng effort sa relationship namin, ex.magtetext or email kapag lang me kailangan, nakakapagod, ang totoo nasasaktan na ko, yet, this person who hurts me most, is the very same person who makes me happy without doing anything in return.

    i hope and pray na one day naman sana makalimutan ko na yun feelings na yun para saknya na, makaya ko na sya harapin na wala nakong kahit katiting na pagmamahal ng di nako nasasaktan pa sa tuwing nawawala sya

    • ichigomashimaro

      Wow pareho tayo, ganyan din ex-bf ko. Napagod din ako sa kawalan ng effort niya. Gumawa ako ng paraan para mag-effort siya sa relationship namin pero wala sa kanya. Nung nakipag-break ako, halos taon din niya akong hinabol. Ang masama lang, nung nakipag-break ako, siniraan niya ako sa mga barkada niya, kaibigan ko, at kung sino-sino pang kaibigan namin. Lumabas siya yung kawawa at ako yung loko-loko.

  • nerdyvoices

    Natamaan ako dito.

    • Nakuh.. Dapat po, umilag ka. hehe. Thank you

  • betterme03

    natamaan ako dito sa story na to.. akala ko kasi dati sapat na yung mahal mo para gawin mo lahat ma save lang yung relasyon niyo. hindi din pala ganun. hindi pwedeng isa lang yung lumalaban dapat pala dalawa kayo. wala na kami recently lang pero bitbit ko pa din lahat nung pain, kasi parang sa isang iglap lang wala na lahat tas parang di sya affected sa nangyare. ako lang ata tong nagpapakamiserable, ang dami na din nag aadvise sakin na friends na move on na wag daw ako paka miserable kasi baka yung isa nagpapakasaya lang naman daw tas ako ganito, sa totoo pinaglalabanan ko naman talaga minsan lang ang hirap talaga gawin. lalo pag naiisip mo yung mga nangyare 🙁 ayun ang hirap umasa sa taong alam mong ayaw na sayo, ayaw mo man ipagpilitan sarili mo pero deep inside sa puso mo umaasa ka pa din na sana.. sana makita nya yung halaga mo ulet. yung mga araw na ikaw pa nag nagpapasaya sa kanya. kaso wala naman time machine na pwede ibalik yung nakaraan.

    Hoping nalang din ako na sana matapos na yung ganitong stage ng buhay ko na maka move on na din ako at masabi ko sa sarili ko na masaya na din ako para sa kanya. kasi ngayon bitter pa ako hehehe hindi ko pa kayang sabihin at makita na masaya sya sa iba..

    • Minsan kahit na iniwan tayo ng mga mahal natin, hindi parin sila naaalis sa ating puso at isipan. Sabihin mo man na masaya at nakalimot ka na, hindi mo maitatago sa iyong mga mata na mayroon parin siyang bakas sayo na hanggang ngayon ay hindi pa rin nabubura. May mga pagkakataon parin na naiisip mo siya, nagaalala ka sakanya at pasimpleng naghihintay at umaasa kahit na alam mong malabo na.

      Siguro nga hindi siya ang taong para sa’yo, kaya nawala mo siya. Pero kung siya man talaga ang tao na para sa’yo, maaaring hindi ito ang tamang panahon para sa inyong dalawa.

      • betterme03

        awwwww.. 🙁 naiyak naman ako.. xenxa na ah mababaw lang kasi talaga ang luha ko.. yun nga wala din naman kasi ako ibang choice kundi tanggapin nalang eh diba? na cguro hanggang dito nalang talaga.. nasasaktan lang kasi ako parang sa kanya ang dali lang ng lahat. sa kanya pa nangaling na move on na daw wag na umasa ganun. parang di manlang sya nagbigay ng chance na maayos pa.. bumitiw sya agad. parang wala lang natapon lang yung pinagsamahan namin yung pinagdaanan namin. pero tama ka cguro kung kami naman talaga in the end tadhana na cguro gagawa ng way para maging kami ulit. sa ngayon pinipilit ko makabangon talaga.. pero iwas iwas muna ako sa ngayon na makipag communicate sa kanya lalo sa fb baka madurog ako pag may nakita ako sa fb na pics and pag nagpalit sya agd ng status na single to in a relationship.. ouch yun ….. waaahhhh 🙁

  • Fynja

    Maganda talaga ang story na ito. Parang gusto ko maging lalaki kahit isang araw lang.. Parehas parehas ba tayo? Mahirap talaga kaming intindihin mga lalaki. Ganyan din ang pakiramdam ko.. Pagod na ako. Feeling ko na lagi ako mageefort sa kaniya. Minsan wish ko lang wala na kami. Mahal na mahal ko siya, ang sakit sakit na.

  • Kirsten

    I like your story. Ako kaya kailan ako mapapagod..pagod na ako pero umaasa parin, hinihiling ko nalang sana isang araw magising nalang ako na ayaw ko na..ikaw, at least tapos na i just hope next thing sa buhay mo eh may dumating sayong tao na worth it at kapalit ng lahat ng pagtitiis mo nun eh happy moments na talaga.

    • Hi. Thank you.

      Ganyan talaga ‘pag mahal mo ang isang tao. Nagtitiis ka kahit na pagod na pagod ka na. Umaasa ka pa rin kahit na alam mong malabo na. Kahit na nahhirapan ka na, sige ka parin. Kasi nga mahal mo siya. Pero habang abala ka sa kanya, nalilimutan mo na ang sarili mo. Sinasabi ko sa’yo, magbabago ang lahat ng yan. Kapag natutunan mo ng mahalin ang SARILI mo.

  • tsk tsk…Sayang!Hindi ka lang pala mabait na anak,mabait ka ring boyfriend.Sigurado akong mahal ka rin ni Jenny pero dahil naispoiled sya sa iyo kaya siguro ganun.Medyo pareho kami ni jenny pero hindi masyado.atleast nakita ko yung sarili ko ..ang sama pala.Mahirap minsan kaming intindihin mga babae.Kya nga minsan gusto ko na ring maging lalaki.Magpahinga ka muna ,pagod ka na pala..makakatagpo ka rin ng isa pang Jenny..ay sori!Kabaligtaran pala ng ugali ni Jenny..Ganda ng story..minsan na rin akong naging iceburn at naging jenny.

    • ches

      TAma ka jade!maraming jenny dyan..count me in :)..ganyan talaga ang mga babae…just have more patience..