Kailangan Ba Talagang Mag-abroad???

Icon-type silhouette of an airplane (Photo credit: Wikipedia)
Icon-type silhouette of an airplane (Photo credit: Wikipedia)

Icon-type silhouette of an airplane  (Photo credit: Wikipedia)
Icon-type silhouette of an airplane (Photo credit: Wikipedia)

Lumaki ako sa payak na pamumuhay. Hindi naman kami sobrang hirap, hindi rin naman sobrang nakaluluwag.

Sa edad kong 23, marami na akong nakasalamuhang mga tao at mga naging  kaibigan. May ilan sa mga naging kaibigan ko na, salat talaga sa buhay, lalo na noong nag aaral pa ako. May mga classmate ako, noong Civil Engineering student pa ako, na galling pa sa probinsya at pinag-aaral ng mga magulang dito sa kabila ng kanilang kahirapan.

May kaibigan ako noong highschool, na naging classmate ko noong college. Palagi kong naririnig sa bibig ng nanay niya na “mag-aral kang mabuiti, tapos, pag graduate ka na, mag abroad ka!”.

Kasabay nito, napapanood ko rin ang mga pag-aabroad ng mga engineers, nurses, doctors, etc.   Ang pangunahing dahilan nila ay ang malaking sahod sa ibang bansa. Oo nga naman, tama sila, mahirap na talaga ang buhay dito sa ating bansa. Pero nakakainis lang isipin na, ang ating mga hospital ay kulang sa mga doctor at nurses. Kulang din tayo sa mga engineers, tapos heto ang mga fresh grad, na ang mentality ay mag-abroad sa lalong madaling panahon.

Minsan, may nagtanong sa akin, ”Hiromi, anong balak mo pag nakapagtapos ka?”

Sabi ko, “magtatrabaho.”

“Saan,” sabi niya.

“Sa Pilipinas, dito lang ako, mas kailangan ng mga engineers dito eh.” 

Tapos sabi niya, “Naku, Hiromi, wala kang mapapala dito, masasayang lang ang pagod mo, wala nang pag-asa dito sa Pilipinas, kaya mas maganda mag-abroad ka na lang.

Nalungkot ako sa sinabi niya. Nalungkot ako, kasi, ganun ang takbo ng pag-iisip niya. Ang iwan ang ating inang bayan. Kung hindi lang siya nakatatanda sa akin, sinagot ko sana ang pahayag niyang iyon. Sa isip ko, sabi ko, iyon na nga eh, wala na ngang pag-asa dito sa ating bayan, aalis pa tayo. Ano nal ang ang matitira sa Pilipinas? Tayo ang pag –asa ng ating bansa, kaya paano na lang  ang ating bayan kung aalis pa tayo. Kung kailan kailangan tayo ng ating bayan.

Di man lang ba tayo tatanaw ng utang na loob sa ating bayan? Sa ating bayan na nagbigay sa atin ng pagkakakilanlan. At higit sa lahat, ang bayan kung saan ka nakakuha ng mga kaalaman mo? Di ka man lang ba tatanaw ng utang na loob sa mga propesor mo? Mga propesor na tinanggihan ang mga malalaking offer sa ibang bansa at pinili na manatili sa bansa upang magturo sa atin?

Oo, kaya ka nag-aral ay para magkaroon ng magandang buhay, pero kasabay ng pagtanggap mo ng iyong Diploma, ay ang responsibilidad bilang isang nakapagtapos sa iyong bansa.

Ang ating mga bayani. Buhay nila ang kanilang isinakripisyo para sa ating bayan. Pag-asa ang tingin nila sa atin.  Ang alam nila, pagkamatay nila, may mga kabataan pa na maasahan ang ating bayan. Bibiguin ba natin sila?

Hindi naman natin kailangang mamatay, gaya ng mga nangyari sa ating mga bayani, kundi isasantabi lang natin ang ating pagnanais na makapangibang- bayan,  manatili sa ating bansa, at dito magtrabaho.  Sa kabila ng ‘di kataasang sahod, mas payak na pamumuhay.

Di ba natin maaaring itanim sa isip natin na “Bayan muna, bago iba”?  kailangan tayo ng ating bayan. Kaya lang naman nawawalan ng pag asa dito sa atin ay dahil, sumusuko na agad tayo. Kaya pa natin bumangon, kailangan lang ng mga taong magmamalasakit sa ating bayan. Mga magmamalasakit na manatili. Di pa nama lumulubog ang barko. At kung sakaling lumubog man ang barko, at kung sakaling magkabutas ang barko, agad ba tayong tatalon sa dagat? Di tayo tutulong man lang upang ayusin ang sira ng ating barko?

Di ko naman pinipigilan na magsipag-abroad ang mga nagnanais. Ang ikinababahala ko lang, nagiging first option na kasi ang pag-aabroad ng marami sa ating mga nakapagtapos. Ang akin lang sana, kung makapagtatrabaho ka naman sa Pilipinas, bakit hindi  ka na lang dito? At gawin mo na lang last option ang pag-aabroad. Sana magising tayo, tayo ang kailangan para magkaroon ng pag unlad. Bakit tayo aalis?

author:  Hiromi Paclipan

p.e./mj  (I love this, Hiromi!  Mabuhay ka, kabataang Rizal!)

Enhanced by Zemanta

About hiromi-paclipan

A married filipino citizen, hoping soon to have my deegree in Applied Physics a year from now. i prefer to be silent most of the time, because i am afraid that i might say something wrong.

Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.


Send a private message to author fumie

  • julius

    siguro nasasabi mo yan kasi may maganda kang trabaho jan sa pinas at may magandang katungkulan…andito ako ngaun s saudi at nkikipag sapalaran..halos 5 taon ako nagtrabaho jan s pinas at walang nangyari skin,,mas malaki pa ang kaltas kaysa sa sasahurin ko. ang dami kong inaplayan at puro discriminasyon ang natanggap ko.. mangingibam bansa p kaming mga ofw kung maayos at maganda ang ekonomiya ng pilipinas??? sa mga bulsa lang ng gahamang pulitiko napupunta ang mga tax na kinakaltas sa atin…ndi namin gusto ang mag abroad at mapalayo sa pamilya namin,,pero eto lang ang paraan para umasenso at maiangat sa kahirapan ang mga pamilya namin..

  • charing

    Ang galing ng blog mo at sana madami pang kabataan ang tumulad sayo.

  • IMHO lamang.

    hindi mo maittutulak sa isang tao ang nais mo. kaya nga tayo may tinatawag na “ID” individual differences. kasi may kanya-kanya tayong pananaw sa buhay. ang kailangan lang ng lahat “acceptance” and “respect” yun lang wala ng iba.

    sabihin na ntin, hindi lahat katulad mo na handang mag malasakit sa bansa. kasi marahil naisip din nila “bakit ang bansa mo(gobyerno) may malasakit ba sayo?”

    isa din ako sa mga fresh grad nun era ko na mataas ang colonial mentality. pro now andito ko sa pinas. nakapag bakasyon ako sa malaysia. inalam ko ang culture nila at the same time ang corporate world nila.

    at na realized ko na hindi pa ko handa. sabi ko dito muna ko sa pinas magpapaka tatag hanggang sa kaya ko na ang lhat ng ma exp ko sa abroad na malayo sa bansang kinagisnan ko.

    at the same time nkkpag ambag ako sa bansang to’ yun disappointment hindi mawawala yan dito. pero yun encouragement mo at motivation mo na isang araw ang bansang to uunlad din dhil sa mga Filipino at pra sa mga kapwa ntin Filipino.

  • Edmund

    may mga tao talaga naging kapalaran nila ang mag trabaho abroad at sinuwerte doon, pero di naman lahat, minsan nakakainis din pananaw ng iba pag nag aaply ka sa work dito, sasabihin pa sayo bat di ka nalang mag abroad, nasa tao yan mahalaga kung san sa tingin mo magigi ka masaya, not all the time money rules, there are sad stories about filipino workers getting depressed at nasisiraan ng bait while working overseas and away from their families at home.

  • Rodgrigo

    yung Doctorang tumuli sa akin, nag trabaho siya sa Iran/Iraq ng ilang taon tapos umuwi sa bayan namin at nag tayo ng sariling clinic.