by
on
under ,
tagged , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author Mommyjoyce

Isinusumpa Kita! Mamatay Ka na Sana!

About Mommyjoyce

Isang simpleng nanay na adik magbasa, adik magsulat at adik sa anak! Idol ko si Mother Theresa, kaboses ako dati ni Ate Shawie Cuneta (joke); maawain sa mga madudungis, siga sa mga taong nang-aapi, at lifecoach sa mga kabataan at mga magulang na walang ibang makausap, Ang simpleng motto ko in life: Cherish everyday (not just because it could be my last); kundi kasi, bukas iba na naman ang flavor ng buhay! Kaya namnaming maigi!

Best Online Futures Trading Brokers

visit How To Win In Binary Options Killer Paypal

http://automotorblog.com/?option=Pricing-Are-Binary-Option-A-Good-Investment Pricing Are Binary Option A Good Investment

http://adelaidedivewreck.com/?option=Binary-Options-Foreign-Exchange-Predictor Binary Options Foreign Exchange Predictor

Top 10 Earn Binary Options Trading Platform

Tiningnan ko ang batang tumigil na sa pagtakbo at napaupo sa bangketa.  Tuloy-tuloy pa rin ang kanyang pagluha at ang kanyang mga mata ay punong-puno ng galit at hinanakit.

Hindi ko kayang lampasan na lamang ang batang umiiyak.  Nilapitan ko siya at kinausap. 

“Boy, tahan na.  Wala na siya.”

Napansin ko ang mga braso na namumula at may bahid ng pamamaga sa ilang bahagi.  Siguro ay hinataw siya ng pamalong patpat o uno-por-dos.

“Buhay pa ang gagong iyun!  Sana nga mawala na siya!” ang sagot niya sa akin kasabay ng pagpukol ng bato sa malayo.

“Tatay mo ba ‘yun?”  tanong ko sa kanya.

“Oo, tatay ko yung dimonyong yon!  Dapat mamatay na yun e.  Dapat iba na lang naging tatay namin!” sagot n’ya habang galit na galit na nagpupukol ng mga bato sa malayo.  Sige pa rin ang tulo ng luha n’ya.

Sinikap kong ibaling sa iba ang aming usapan upang lumamig ang ulo n’ya.  “Ako nga pala si Ate Joyce, taga Phase 5.  Ano’ng pangalan mo? Ano na’ng grade mo?”

“Hindi ako nag-aaral, kase  ….  ang tarantadong tatay namin mas gustong gumastos sa alak kesa sa amin!   Nagtatrabaho siya para sa alak at bisyo n’ya, nananakit pa!  Dapat tinakasan na namin nila nanay  ang demonyong yun noon pa!  Dapat mamatay na lang siya sa kababarek n’ya!  Sana kunin na siya ng mga demonyong kagaya n’ya!”

Dumalas ang kanyang hagulgol nang mapansin n’ya ang mga braso n’yang namumula at may namumuong mga pasa.  “P—–ina n’ya!  Mamamatay ka ding hayup kang demonyo ka!”

Inakbayan ko na lang siya at sinamahan sa kanyang pagkakaupo; manaka-naka’y hinahagod ko ang kanyang ulo na tila nakapagpakalma naman sa kanya.

Sa mahinang salita ay sinabi ko sa  kanya…“Boy, naaawa ako sa iyo, pero hindi kita matulungan.  Wala akong magagawa.  Bawal makialam sa pamilya ng iba.  Pero sana, maging inspirasyon ito sa iyo para magsikap kang mag-aral at makalayo balang-araw.  Magdasal ka at umiwas na lang sa tatay mo ha.”

Makalipas ang mahigit kalahating oras, tumayo na ako at nagpaalam sa kanya. Naisip kong maglagay ng kaunting pera sa kamay n’ya. Ayaw na niyang magsalita.  Nakatingin na lang siya sa akin.  Wala naman akong magagawa para sa kanya, sa problema n’ya.  Usapang pamilya daw kasi iyun sabi sa barangay.  Wala din naman akong kakayahang ilayo siya sa demonyong iyon!

Hayyyy….Kaya dumarami ang mga batang lansangan at batang mangmang.  Kaya hirap umahon ang Pinas, dahil sa mga taong walang katinuan sa utak at walang pagmamahal sa puso… kagaya ng dimonyo n’yang tatay. Sana nga…. kunin na siya ng kapwa n’ya dimonyo.  Ayannnnn….  Pati tuloy ako, nahawa na sa batang iyon… (Sorry, Lord!)

Habang naglalakad akong pauwi, naalala ko ang awit kong nilikha noon tungkol sa lotto…

“Pag ako ay nanalo sa lotto, simple lang ang pangarap ko…     

 Maayos-ayos na tahanan, kahit ‘di sinlaki ng palasyo.

Pag ako ay nanalo sa Lotto, paaralan ang ipatatayo ko.

para ito sa mga batang lansangan at sa mga batang nawalan ng magulang.

Pag ako ay nanalo sa lotto, hindi alahas ang bibilhin ko.

Mga aklat na pampatalino, mga kwaderno ang nais ko…

Kapag ako ay nanalo sa lotto.”

(Sana pagkalooban ako ng Panginoon ng kakayahan na magawa iyun… Sana.)


  • “…aklat at kwaderno… nice advocacy mommy… ^_^”

  • alma rabuyo

    this story is not new to us, people who did this are people whose life are mesirable.alcoholic people needs our help.emotionally, spiritally,medical assistance because if they will stop especially they are drinking for more than a decade, they will suffer alot of complications, like seizures thats why they need to be in the hospital.i just hope that our government can build our alcoholic rehabilitation center so that we can help our alcoholic kababayan to quit their drinking habit. we can build a better future if we extend our hands together in one aim. together we stand devided we fall.

    • Mommyjoyce

      Tama, Ms Alma… more reforms sana…at wag puro impeachment ang maging focus ng govt…. hay…. Bills, programs, projects, workshops for strengthening families ang sana’y sunod na ifocus ng ating pamahalaan. Kaso, nasa election na naman yata…

  • iamfrozenfire

    ay hayup na tatay yan!! pati mga inosenteng bata nadadamay dahil sa kagaguhan ng iba ang masaklap tatay pa n’ya. kung ako ang kapitbahay n’yan paplantahan ko ng bomba ang utak nyan!

    • Mommyjoyce

      my exact sentiments,iamfrozenfire. Kung pwede lang alugin ang utak ng mga iresponsableng magulang… kung pwede lang ipakulong o ipatapon sa malayong isla lahat ng demonyong tatay at nanay! hayyyy… kaya labos ang tuwa ko sa mga bahay-kalinga at bahay ampunan na kumukupkop sa mga batang biktima ng karahasan.

  • biko

    napaiyak ako while reading the blog. sana paglaki ng bata he won’t be led by his emotions. I can relate to him kasi we have the same type of father. authoritarian, dominative, hindi man umminom ang tatay ko, he has this habit of undermining us because “he’s the head of the family”. me and my sister grew up to the “discipline” he’s imposing, and thank God, hindi ko namana ‘yon now that I have grown up.

    But I still have a lot to thank my father for. kasi if he did not become the asshole that he is now, I wouldn’t be this driven, determined, and properly motivated to succeed in life. and I hope in all of hopes that in the near future, I won’t inflict the wounds that he did to us, sa mga taong makakasama ko.

    kudos to the kid though, and to my dad, “I—— KITA! M—— KA NA RIN SANA”.

    • Mommyjoyce

      hay, Biko… I’ve heard a number of kids, na mabuti na lang gaya mo, who became positively driven to raise themselves. So, sometimes, it is only fair to think na those who have a bad past learn from it ….as in “what we don’t hope to become”…. Two things in life kasi yan…. Yung mga hinahangaan ay gustong gayahin. Yung mga kinasusuklaman, ayaw nilang magaya doon. So they become better persons. I am happy for you, that you managed to rise from that situation. That means you have become a person of substance! ^__^

      Forgive your dad na… it’s a burden, a load to carry inside of you. Tutal, sabi mo nga, you still have a lot to thank him for. ^__^ God will bless you more!

      • biko

        right now po I don’t hold any grudges against my father. tutal, he’s not getting any younger. and karma has its way of getting back at people, so karma (si God) na ang bahala sa kanya. I’ll just pray for the boy na sana, hindi sya kainin ng galit nya. Kasi in the end, kung sino pa ang kinasusuklaman mo, in the long run magiging ganun ka rin pag hindi na-control ang anger.

        one day mare-realize rin ng tatay nung bata ang mga nagawa nya. let us all hope it will be too late.

        • Mommyjoyce

          OO nga…sana. nakakalungkot lang na ang daming bata ang nasa ganoong klaseng mga parents. Torture sa akin na naririnig ko ang neighboring families na naggugulpihan, nag-iiyakan.

          I hope those kids don’t grow up as psychos na mayroong other self. I hope our Pinas lawmakers would find time to propose bills which will push responsible parenting.

          We need more strict laws about raising families, or more seminars and DSWD projects that will cater to family issues.

          • Miles Angel Tan

            Dapat may batas na mag bibigay disiplina sa mga magulang na hindi marunong tumupad sa obligasyon bilang magulang, para mabawasan ang mga batang naliligaw ng landas na ang dahilan ay pagkakaroon ng magulong pamamahay at pamilya.

          • biko

            totally agree po, mommyjoyce. kaso ang mga lawmakers natin naka-focus sa mas lalong pagpapahirap sa mga tao and they are more inclined on making themselves richer para sa darating na election. tsk! God bless the country and its people.