by
on
under
tagged ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author jovelyn

Fashion Sa Damit Kong Maid’s Uniform

About jovelyn

Im not a good writer but i love to :) Masaya din, Malungkot din (Karanasan ng OFW) this is my first book under my name as a writer and Sindi Ng Lampara OFW stories book with Raquel D. Padilla and DFBI writers, columnist in Pilipino Star Ngayon Middle East Edition...[email protected] Super kulit at kalog..proud bisdak at tamad na masipag na yaya:)

Maid’s Uniform   (Photo Credit: Reggiedarling.blogspot)

Maid’s Uniform (Photo Credit: Reggiedarling.blogspot)

Na miss mo na ba ang maiksing short? Mini skirt? Mini dress? Ako, super ,as in talaga! Ilang taon na ba akong suot ko lagi ang tatlo kong pares na uniform na pangkatulong? Manggas na kay haba at multi-colored pa! Polka dots at Plain cut aba, meron ako niyan kahit nasa bahay lang trabaho ko.

Habang pinagmasdan ko ang aking munting cabinet na laman ay ilang pirasong damit ko lamang, nakaagaw-tingin ulit ang uniform ko na mahigit pitong taon na pala itong kaantabay ng buhay ko dito sa bansang malayo sa pamilya ko. Na minsan din akong pinagtawanan ng aking alaga at kapatid ng amo ko.

“YOU LOOK LIKE A TABLE CLOTH WALKING IN THE STREET IN YOUR DRESS!”

Di nga siya nagkamali sa checkered na pula at puting stripe ay talaga namang patok sa takilya ang isang mutsatsa role kong yan ha!

“HAY NAKU, BABAWI NA LANG AKO PA- UWI KO NG PINAS.   RARAMPA ULIT AKO SA APLAYA NG SAKAHAN NAMIN SUOT ANG PAMBAHAY KONG SHORT NA PANAKOT SA LAMOK!”

Pag sinUOt ko ang PINK na uniform ko with matching yellow sunflower? Para din daw akong FLOWER VASE; kulang na lang daw ang butterfly sa ulo ko puwede na akong i-display sa FLOWER SHOP!   Taray ko! Kahit hi at hello sa loob ng mal, wala talagang pumapansin sa akin pag naka-uniform akong pangkatulong; inisnab ang beauty ni Inday, head to foot pa makatingin ang iba!

Friday pala ngayon pinakabusy ng career ko bilang katulong sa bahay ni Amo. Labas-pasok ang bisita kaya eto na naman ako sa harap ng salamin; dapat daw kasi maging presentable sa harap ng bisita ni Madam kaya inayos ko sarili ko ha. Sus ko! kay laki na pala ng eye bag ko!  Puyat sa ka dotdot sa FACEBOOK!  Walang face powder o polbo lalo na foundation…”BEWARE BEAUTY IS DANGEROUS IN THE EYE OF BEHOLDER!” kaya hayaan na ang oily face at dry face na yan pag kaharap si Amo never mind na lang saka na ang kolorote sa mukha pag tapos na ang role ko dito.

Suot ko ang BLACK and WHITE with YELLOW POLKA DOTS para siyang vintage o classic ang look.  Eto ang porma ko na rarampa sa sala ni Madam.  Take note, may COLLAR pa yan ha na hapit sa leeg ko halos ‘di ako makahinga! Hay, buhay, ‘di naman sana akong mukhang mangkukulam pero sa hitsura ko ngayon CERTIFIED kuha ko talaga. Pero kahit anong ipasuot ni Madam ay talagang lilitaw ang simple kong ganda na FILIPINA BEAUTY talaga! Huwag na ninyo akong kontrahin; moment ko ito!

Aminin man ninyo at sa hindi, alam kong hindi ako nag-iisa sa role ng rampahan ng fashion sa loob ng kuwarto. Dahil ako, eto libangan ko, sinusukat ko lahat ng damit ko na galing pa sa Pinas ha para maiba naman mode kahit isang minute lang. Pose dito! Pose doon! Lahat ng sulok ng kuwarto, captured talaga yan ng camera ng cellphone ko; iba’t ibang anggulo yan kahit si Salamin naging photograper ko kahit putol o ‘di makita ang mukha ko ay ayos lang basta porma ko ay klaro diretso upload sa file ko yan.

Minsan hindi ko nalabhan ang uniform ko at saktong aalis kami kaya no choice si Amo “GO WEAR YOUR JEANS!”   Halos takbuhin ng espirito ko ang aking kuwarto sa utos niya! Simpleng skinny jeans at blouse at ponytail sa buhok hanggang diyan lang ang puwedeng ayos. Kaya new look ako sa bahay ni Amo, noong bumalik kami sa mall, aba! Kung makatingin si Pana at Patan halos hubaran ka kung makatingin at may nadinig na din akong Hi ng ilan! Asus pag naka-uniform akong pangkatulong kay tuwid ng mga leeg ng mga taong mapangmataas sa kapwa nila.

Batayan daw kasi sa iba kung ano ang suot mong uniform dahil dito daw malalaman kong anong posisyon ng trabaho ang pinasukan mo. DAH! Kahit maid lang kami at kahit uniform namin ay katawatawa sa iba, kung beauty ang pag- uusapan, naku, konting ayos lang siguro, sasabak din kami sa rampahan!

Kaso mo, andito kasi kami sa bahay ni Amo at batas nila ang masusunod pagdating sa fashion na iyan. Saka na lang pag-uwi ko, dami sa QUIAPO at DIVISORI, makatipid ka pa.  Hindi ko na pinangarap pa ang mga ITALIAN designers na yan dahil hindi kaya ng butas kong bulsa. May mga binasura naman si Madam na pinupulot ko dahil puwede pa naman pakinabangan kaya save ko na lang.

Sa damit ko na pangkatulong taas noo kong ipinagmalaki na nakatapos ang kapatid ko dahil sa pagsuot ko nito na naging bahagi ng buhay ko dito sa bansang dayuhan.

author:  jovelyn

p.e./mj


You may also like these articles:

  • Freeman,
    Tama, ako din hindi ko inisip na mangibang bansa after ko grumaduate sa college. Kasi aykong pakinabangan ng mga dayuhan ang mga karunungan natutunan ko – mas gusto ko pa din manilbihan sa sarili kong bansa. Pero …

    Grabe ka naman magsalita- kanya kanyang buhay tayo. Para namang alam na alam mo ang sitwasyon ng bawat Pinoy na DH kung bakit ganung trabho ang pinapasukan nila – malamang kahit sila mismo ayaw din nila ung trabaho nila, napipilitan na lang din sila dahil gusto nila kumita. Wala ka naman sa kalagayan nila para magsalita ng ganyan, grabe ka makapangliit sa kapwa mo.

    Maganda ngang magpakatotoo pero kung makakapanakit ka ng kapwa mo tao mabuting itikom mo na lang ang bibig mo.Eh mukhang mas makitid pa ata ang pagiisip mo no!

    (Eh pwede namang kumita dito sa Pinas ng 100K per month sa malinis na paraan.) -Bakit? Malinis na paraan ang DH. Oo na, ikaw na kumikita ng 100k per month . Nu ba yan? IT ka ba? o Networking? Cge ikaw na, ikaw na ikaw na! hehehe

  • Freeman

    Kung ako ay mangibang bansa ito ay for pleasure, as a tourist, at hindi para magpa-alipin. Ewan ko ba bakit ang mga Pinoy mahilig masyado magpaalipin, dahil lang sa ba pera? eh kakarampot na pera lang magpaalipin na tayo sa ibang bansa. Tsk! Hindi rason ang kesyo “walang mahanap na trabaho sa Pinas” para pumunta sa ibang bansa at magpa-alipin. Madaling kumita ng pera kung gamitin lang ang common sense. Hindi kailangang magtrabaho para sa sweldo para guminhawa ang buhay, mas malaki ang kikitain kung maisip labas sa nakaugalian nang pattern ng pag-iisip ng mga Pinoy na mag-aral para makapagtrabaho. Kung ganyan ang isip natin talagang malabong umasenso.

    Minsan napagawi ako sa isang forum ng mga Singaporean, merong isang thread doon kung saan makikita mo talaga sa diskosyon ng mga Singaporean gaano kababa ang tingin nila sa mga Pinoy. Paningin nla sa mga Pinoy puro DH. Sana naman huminto na tayo sa pagpapaalipin sa ibang bansa, magkano lang ba sweldo ng mga pinoy doon na DH? malaki na ang 20K per month? Eh pwede namang kumita dito sa Pinas ng 100K per month sa malinis na paraan. Diskarte lang, kahit wala kang capital. yung mga nasasabi na walang pagasang umasenso sa kung sa Pilipinas ka lang ay mga makikitid ang pagiisip.

    • bla bla bla

      Freeman,

      Instead na mag datdat ka ng walang silbi bakit di mo nalang e share ang knowledde paano para kumita…? who knows anong hanap buhay mo, makapagsalita ka ang pera sa pinas tumutubo sa lupa…the way you talk ikinahiya mo ang mga DH…atleast kumayod sila para umasenso hindi nagpa limos at hindi nanlilinlang ng mga tao… isa ka rin sa mga ipokrito…!

    • princess_ni_bhamskie

      Freeman!!
      pwede kang mag suggest at magpay0 without using words na nakakainis. sa sinulat mo wala ka rin pinagkaiba sa mga mapang aping ibang lahi. lam mo magkakaiba lahat ng sitwasy0n ng tao. iba iba ang dahilan kung bakit napipilitan umalis ng bansa. bear that in your norrow mind!!!