by
on
under , , ,
tagged , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author Angela

Di Ako Takot Mamatay, Huwag Lang po Ngayon!

About Angela

isang babae na may positibong pananaw sa buhay, mapagmahal sa asawa't anak, madaling umiyak at madali ring mapatawa. May misyong gumawa ng mabuti sa bawat araw sa kapwa kahit sa maliit na pamamaraan man o malaking bagay... Isang ngiti mo lang may pinasaya ka na nakapaligid syo... Masarap mabuhay ng may pagmamahal!

http://bmwcoop.com/?option=How-To-Make-Money-For-Christmas-Binary-Option-System-Optimizer How To Make Money For Christmas Binary Option System Optimizer

Ebook On How To Win In Binary Options Trading Brokers

http://blogs.cooperhealth.org/?option=Trading-Binary-Options-For-A-Living-Review-Zinc Trading Binary Options For A Living Review Zinc

here Best Binary Option Signal Skype Group

How To Win In Binary Options Live Signals

Habang nasa atin pa ang buhay na pahiram, gawin na ang dapat ngayon at huwag nang ipabukas pa. Gumawa ng mabuti sa kapwa; ipakita mo sa iyong pamilya na mahal mo sila, humingi ng patawad sa mga taong nasaktan, magpasalamat sa bawat biyayang nakakamtan dahil hindi natin alam kung ang bukas ay muli nating masisilayan…

Nakatatakot kung iisipin, pero sabi ko nga ‘di ako takot mamatay, huwag lang ngayon, Diyos ko… handa na ako para sa aking sarili na humarap sa inyo, Ama, pero ‘di pa ako handa sa mga taong iiwan ko. Anong sarap na kapiling Ka na, makakamtan ko na ang wagas na ligaya, walang problema na haharapin sa iyong kaharian, pantay-pantay lahat kami sa iyong piling, at ang tunay na ginhawa sa aming kaluluwa ay lmalalasap na.. (para lang po ‘to sa mga taong pupunta sa langit …LOL..)

Ngunit paano ang iiwan ko??? Hindi ako tunay na sasaya sa piling mo o Diyos ko kung makikita kong nahihirapan ang mga taong mahal ko sa paglisan ko sa mundong ito.. ang anak ko sa murang edad niya, kailangan pa ang aking pag-aaruga, pagmamahal at gabay sa paglaki n’ya… Kawawang bata kung ang isang ina ay mawawala agad sa paningin n’ya; paano ang gabing giniginaw siya na bukod tanging init ng aking mga yakap ang nakapagpapatulog sa kanya. Ang aking asawa na ‘di lang ako katuwang kundi isa rin n’yang kaibigan, handa na ba siyang mag-isa at maging isang ina at ama??? Paano sila?? Paano???

Napakahirap pero kailangan nating tangapin, bawat segundo, minuto at araw ng ating buhay ay nakasalalay sa Poong maykapal.   Siya na pinakamakapangyarihan sa lahat…. Bakit niya babawiin ang buhay na pahiram sa atin kung nakikita naman n’yang nagiging mabuting kang anak  at minamahal mo ang iyong mga kapatid??? Ginagamit mo nang tama ang mga talentong binigay Niya sa ‘yo… Hanggang may silbi ka sa mundong ito at gumawa ka nang ayon sa kanyang mga utos, naniniwala ako na ipahihiram sa atin ng Panginoon ang mas mahabang buhay …

Kaya ‘di ako takot mamatay ,huwag lang po ngayon… salamat po!

author:  angela

p.e./mj


  • charing

    Nice blog, ang kamatayan ay parang isang kidlat bigla nalang sumipot ng di inaasahan. Kaya habang may buhay mas maeging ipagpasalamat at iparamdam sa ating mga mahal sa buhay kong gaano sila ka importante para sa atin.

    • Angela

      tumpak charing.. salamat po sa pagbasa.. GB

  • Percy

    ate angela. Ako din di pa handa para sa kamatayan, marami pa akong gustong gawin sa mundo (di bale, matgal mamatay masamang damo LOL) hahahaa :). sana nga tumagal pa ang buhay mo. sana madami ka pang matulungang mga kababaihan, mga bata, at mga kabataang tulad ng mga CDC scholars. saka pag nangyari yun. baka hindi na ako makapagsulat. wala na kasi akong inspirasyon.. haha 🙂 GB && TC

    • Angela

      kahit wala na ako may mga alaala akong iiwan sa inyo ang aking mga blogs.. ano ka ba??? kaya HUWAG LANG PO NGAYON lol.. thanks percy..

      • Percy

        No problem ate Angela. matagal pa naman mangyayari yun..