by
on
under , ,
tagged , , , , , , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author myalterego143

Dahil SEAMAN ka, JUSTIFIED na bang MANLOKO ka?

About myalterego143

I'm a writer-wannabe. Writing is my emotional outlet for I can't share my thoughts over a cup of coffee. I express it better when I write. Enjoy reading.

Seaman loloko?

Seaman loloko?

Mabait. Maalalahanin. Sweet. Galante. Maasikaso. Mapagmahal sa magulang. Yan ka…at yan din hinahanap ko sa magiging partner ko sana. Kaso para akong pinaglalaruan ng pagkakataon, akala ko nahanap ko na, patikim ka pa lang pala.

And the match-making pushed through. Mid-May last year I was invited for dinner. Kasi daw dumating ka na. The first meeting went well. Interview ako to sawa. And game ka naman sa pagsagot. Plus points yun sayo–kasi akala ko nagpakahonest ka. Naawa pa ako sayo nung ikwento mong yung last na ex mo, linoko ka lang. Dahil doon I decided to continue getting to know you.

You know how to make me special. Kaya di ko namamalayan nahuhulog na loob ko sayo.

Kaso  ooooppppssss… unti-unti kong nakikilala kung sino ka talaga.

1st oopppsss…. one time, nawrong send ka… sigurado akong di para sakin yun. Tinanong kita, dineny mo. I gave you the benefit of the doubt…pero kinutuban na ako.

2nd ooppsss…. nawrong send ka ulit. Di ko gusto laman ng message mo ke para sakin yun o hindi. Kung para sakin yun, ‘di mo ko nirerespeto. Kung hindi, niloloko mo lang ako. May kaharutan kang iba. Tinanong kita, nagpalusot ka na naman. Kaya sabi ko sige, pag-usapan natin yan pagbalik mo.

3rd ooppppsss… sabi mo ala ka bisyo. Umiinom ko pero moderate lang. Nung naandito ka kita ko namang may kontrol ka nga sa alak kaya naniwala ako. Pero bakit ganun? Lahat ng pics mo sa FB posts mo puro alak kaharap?

4th ooopppssss…. may friend request ka sa FB ko pero di kita inaaccept. Kasi nakita kong madadagdag lang ako sa collection mo. Pero di mo alam online stalker mo ako. Lagi ko binubuksan FB profile mo ata kita ko ano pinaggagagawa mo.

Tumawag ka, pinagexplain kita. Sabi mo di pa kase kita sinasagot kaya nakikipag’friend’ ka pa sa iba.  Pag sinagot na kita, titigil ka na. Pinanghawakan ko yun, kala mo ba?

5th ooopppsss…. dahil sa napapadalas na wrong send na text mo, nahuhuli ko tuloy kalokohan mo. Nasukol kita, umamin ka. Nasaktan ako sa nalaman ko. Pero umasa akong magbabago ka pa. Kaya sabi ko pag-uwi mo at pareho tayong wala pang karelasyon, we might give it a shot. Umabot na nga sa puntong kahit ilang babae pa nagamit mo basta wag mo lang ako hawaan ng sakit, payag na ako kasi nga mahal na kita.

Then you came home. We met. We had a good time. Well I had. Kahit galit ako at duda sa intensiyon mo, alam ko masaya ako pag magkasama tayo.

Kaso di ata talaga ubra. When we got the chance na pag-usapan issues natin, umiwas ka. That was the time I realized I have to give you up. Magkaiba tayo ng prinsipyo. Sa tagal kong nag-antay gusto ko sana ‘the one’ na. Kaso ikaw  nasa ‘search mode pa’. Nag-eenjoy kang makipaglar0, mangolekta. Sabi nila natural na daw yan, lalake ka, seaman(loloko) pa. Ganyan daw ang kalakaran. Pag seaman ka, every dock, may girlfriend ka.

Saklap naman po nun. Kaya eto ako ngayon. Kahit mahal na kita at dahil selosa ako, mas pinili kong maging single na lang, kesa madagdag sa koleksiyon mo, kasi nga seaman ka!!!

NOTE: I know it’s wrong to generalize, pero I’m writing from experience. Bato-bato sa langit, ang tamaan bukulan!

author:  myalterego103

p.e./mj

Enhanced by Zemanta

You may also like these articles:

  • jan marz

    sabi nila mga Seaman daw,
    SIMANLOLOKO,

    naisip nyo ba kahit PAPAANO?

    paano kami makakapagloko DITO.

    … eh nasa gitna ng dagat ang BARKO,

    kung dumaong man kami sa Pwerto,

    ang dami namang Trabaho,

    kung makalabas man, oras namin LIMITADO.

    kayo kaya sa sitwasyon na to? ano masasabi nyo?

    sagot ko NAMAN, nasa tao lang YAN,

    kahit itali mo pa yan kahit SAAN,

    kahit buong oras mo pa yan BABANTAYAN,

    pag ginusto nilang magloko, di mo na yan MAPIPIGILAN,

    hahanap at hahanap talaga yan ng PARAAN,

    naisip nyo ba kung gaano kahirap buhay sa BARKO?

    halos wala ng pahinga puro TRABAHO

    kailangan lagi ALERTO,

    kasi buhay namin dito DELIKADO.

    • Mae

      Yes true

  • Samuel

    Noon: “Seamanloloko” , Ngayon: “Seaman na ang Niloloko” – Baligtad na po ngayun

  • Shaine Tambor

    May mga mababait na seaman. Pero marami talaga lokoloko. Naloko na din ako. Bwiset

    • Danny Salminao

      hmmf im a college student course ku pang seaman.. pra sken di nman lahat ganun ehh bket papa ku hndi ganun ti2 ku di din meron nga kaso di lahat ng seaman ay manloloko depende sa tao yan

  • rexericperez

    Hindi pwedeng laging gamitin ang generalization about sa gender at occupational issues.

    Seaman,OFW at iba pang mga trabaho na malayo sa bahay,pamilya at kaibigan,lahat ito nagdudulot ng intense loneliness, nostalgia at minsan eh boredom. So naturally, maghahanap at maghahanap ng paraan upang maibsan ang mga ito.

    Romantic relationships are primarily between two people. Rules have to be very clear. Other people can guide but only the two people involve can decide and if you cannot do this,might as well get out of it.

    Infidelity is never an excuse for anything but what is worse is not acknowledging one’s fault, that is extremely irresponsible. It takes an adult to accept mistakes.

    Lastly, entering relationships always come with risks regardless of your preparedness so if you are not willing to gamble then do not seek.

  • Caroline

    I’m been in a relationship with a seafarer, actually we’re classmates during our nursing days. We got separated after I passed the board exam after 5 years we crossed paths again. Happy ako na naging kami ulit and he even accepted and loved my daughter not only him pati parents nya kaya I feel so lucky. I stayed faithful to him when he’s on boar. Nung umuwi sya last May of this year after 1 1/2 mos nalaman ko he’s flirting with someone and ang masakit is ilang mos pa lang ya nakakauwi akala ko saken sya excited pero sad to say mali ako. Masakit oo, I asked him na kung talagang yun ang gusto nya I’ll set him free kaso ayaw nya naman. We’ve been 18mos and hopefully totoo yung sinabi nya na hindi na nya uulitin yun and sobrang nagsisisi sya talaga.. God bless

  • Hindi naman porke’t seaman ka e may lisensya ka na mangloko. I have friends na seaman din and he’s been in long term relationship but sadly, they broke up before he came back. I really don’t have an idea why they broke up pero I know that the guy was faithful all throughout ( I was never closed with the girl). Dapat, maging test ang distance sa ikagaganda ng relationship, di dapat maging sanhi ito ng pag crumble.

  • beshert

    ganyan tlaga mga seaman.. hnd makuntento.. dami tlaga chicks..

  • Faith

    hindi lahat ng seaman manloloko. nasa tao lang yan talaga. pero siguro i have to admit na karamihan sa mga seaman ganyan. ako, for one, ay girlfriend ng seaman. ganyan na ganyan din ang nasesense ko sa kanya. search mode pa din. in fact, yong mga sinundan kong mga exes niya, ganyan din ang issue sa kanya. siguro, sa case ng BF ko, di pa nya nakikita yong hinahanap nya. but i do understand kahit masakit. hehe sa nagsulat nito, may tamang lalaking dadating din sa’yo! cheer up! 🙂

  • Test Comment (admin)

    Test comment