by
on
under
tagged ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author mawkishME

Buhay ST

About mawkishME

Mula sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, BS Architecture... Nabubuhay sa 'di tiyak na realidad at nakikipagsapalaran sa magulong paraiso kasama ang mga angel na walang pakpak ngunit nagtataglay ng siksik, liglig at umaapaw na kapangyarihan - pagmamahal at pag-aaruga. Ako'y gising sa natutulog na pansitan habang nakikinig sa tahimik na mga alingawngaw ng sandaigdigan. Simpleng tao na naghahangad ng payak na kayamanan na walang katulad; taong nagtataglay ng di maipaliwanag na kasiyahan na may kasamang 'di mapatid na kalungkutan.

http://adelaidedivewreck.com/?option=Binary-Options-Methods-Vs-Functions-Cboe Binary Options Methods Vs Functions Cboe

Forex Binary Options With Nadex

Stock Market Average Since 1929

99 Binary Option Strategy Best

click Payoff Of A Nadex 60 Second Binary Option

 Sa tuwing matatapos ang klase sa isang silid, samu’t saring emosyon ang maari mong maibaon. Nariyan ang galit mula sa mga mag-aaral na walang intensyong making dahil kulang ang paghahangad na matuto. Minsan naman ay maiinis ka na sa sobrang aktibo ng mag-aaral, sobrang agresibo at ayaw ng paawat sa pagsasalita, parang wala ng bukas.

Mayroong ding mga pagkakataon na hindi mo maintindihan kung ano ang iyong nararamdaman,l may halong pagkayamot at galit dahil kahit anong pag-iisip ay hindi mo mawari kung bakit may mga mag-aaral na atentibong nakikinifg ngunit wala namang natutununan. Kapag tatanungin mo kung naintindihan, laging oo ang sagot pero kapag dumating na sa puntong ipasasagot mo sa kanila ang nasa pisara, ngingitian ka lang na para bang nakaloloko at wala kang naituro.

Hayyy…. Napakahirap pala ang maging isang guro, darating at darating ang araw na hindi mo na alam ang iyong gagawin. Parang maba-blangko na lamang ang iyong utak o kaya naman ay matatawa ka na lamang sa sobrang kumplikado n mga sitwasyon. Pilitin mo mang basahin ang nasa isipan ng mag-aaral ay hindi mo magawa dahil sadyang napakahirap makipagsabayan sa isip ng mga mag-aaral na may iba’t ibang paniniwala tungkol sa edukasyon.

 Habang lumilipas ang araw ko bilang ST, unti-unti kong naiintindihan kung bakit at kung ano ba ang iba’t ibang paniniwala ng mga mag-aaral tungkol sa edukasyon. May iba sa kanila ang nakararanas kung gaano kasakit ang laging akusahan ng mga negatibong bagaykahit hindi mo naman ginagawa o kaya’y sinubukan mong baguhain. Tulad na lamang ng ibang mga kaso sa mabababang seksyon sa paaralan, halu-halo na doon ang mga mag-aaral na walang pagpapahalaga sa kung ano ang kanilang tunay na pakay sa paaralan. Dahil kulang sila sa atensyon ng kanilang mga magulang mula sa kanilang mga tahanan, mas minamabuti nilang maging magulo sa oras ng klase at patunayan na may magagawa sila kahit man lamang sa kaguluhan.

 Sa kabilang banda, ang asignaturang aking itinuturo ay matematika, alam ko namang isa ito sa mga kinaaayawan ng mga mag-aaral kaya hindi rin naging madali para sa amin ang ipaliwanag iyon ng maayos at ipaunawa sa kanilang lahat ng sabay-sabay.
Nang sumapit ang huling araw ng youth week, tila nais kong sisirin ang isipan ng mga mag-aaral na aking tinuruan, nais ko pa sanang alamin kung may nai-ambag ba akong bagong kaalaman sa kanilang mga isipan.

 Habang binabalikan ko ang mga sandali ng aking mga pagtuturo, muling sumagi sa aking isipan ang mga bagay na noon ay bago pa sa aking isipan, ang mga bagay na naging parte ng aking buhay ST. sa maikling panahon ay naibahagi ko sa mga mag-aaral kung ano ang natutunan ko sa akin ding mga guro.

 Sana minsan ay maibalik ko ang oras upang madagdagan ko ang bagay na naituro ko sa kanila upang sa ganitong paraan, mapunan ko ang kakulangan ng mga gurong hindi man kumpleto sa ating paningin ngunit kumpleto naman sa mga adhikaing patuloy na palaganapin ang edukasyon.
***