by
on
under , , ,
tagged , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author mariaregina

Bakit Ba ang Hirap Maging MASAYA?

http://minuevohogar.cl/?p=Binary-Options-Vic-Video-593 Binary Options Vic Video 593

http://blogs.cooperhealth.org/?option=Stock-Trading-Application-Architecture Stock Trading Application Architecture

http://blogs.cooperhealth.org/?option=Where-Really-Quickly-To-Earn-Money Where Really Quickly To Earn Money

One Trade Per Day Binary Option Training

link Home Business Job Ideas

“Pangalawang mail ko na ‘to sa ‘yo. Yet di mo naman sinagot yung una. Inilabas ko lang yung nararamdaman ko. Kasi hindi ko na alam kung ano pa ang meron tayo. ‘Di mo man pansin nagbago ka nang sobra. Dati, saludo ko sa ‘yo, bilib pa nga eh biruin mo sobrang pagod mo, pero may oras ka para sa ‘kin, para sa  ‘ting dalawa; nagagawan naman ng paraan, pero bakit ngayon wala?

May problema ba? May iba na ba? Ayaw kong magduda at ayaw kong tanggalin ang tiwala ko sa yo, dahil mahirap pag ‘yan ang nawala. Nawala na yung simpleng effort ba, yung iparamdam mo man lang na nag-eexist ka pa. Ayaw ko sana dumagdag sa mga isipin mo pero  sana naman isipin mo din sana yung nararamdaman ko. Walang mahirap, walang pagod, walang ibang dahilan kung gugustuhin mo para sa taong mahal mo. Alam ko ang nasa isip mo; na pressured ka na sa trabaho at sa paghahanap ng bagong trabaho.

Naiintindihan ko naman, oras lang naman ang gusto ko, pero unti-unti nang nawala. Inagaw ka na sa akin ng oras at ng trabaho mo. Ayaw kong maging sweet sa ‘yo dahil baka masakal ka, naging casual ako pero wala namang pinagkaiba. Ano pa ba? Ayaw kong sumuko, ayaw kong i-give up lalo na ang relasyon na binuo natin pero ikaw ang tumutulak sakin palayo sa ‘yo. Iba ka na or siguro hindi pa nga kita ganoon kakilala. Gaano man ako katibay o katatag, darating din talaga sa point na nakapanghihina na.

Pinipilit kong huwag matulad ‘to sa mga naging relasyon natin. Pilitin ko man na panindigan na ito na ang huling relasyon para sa ‘tin. Pero paano? Kung sa simpleng ganito wala ka na.  Hindi na kita maramdaman.  Umaasa ako na babalik sa dati yung taong minahal ko, pero ewan ko hindi ko na alam.   Araw-araw akong nagdarasal na matupad mo ang mga pangarap mo. Na mag-ingat ka lage. Hangad ko ang kaligayahan mo. Miss na miss na kita.  Mahal na mahal kita, pero ang sakit na. Kaya ko naman, sana bigyan mo lang ako ng pagkakataon para ipakita at patunayan ‘yan. Kung hindi mo na kailangan ng gf sabihin mo lang; ako na ang lalayo, wala ka nang maririnig na kahit ano pa.

Paniwalaan mo ko pag sinabi kong mahal kita. Dahil totoo mahal kita.”

‘Yan ang laman ng aking mail na pinadala sa kanya, isang oras na ang nakalilipas.

Ang hirap, ang bigat ng ganitong pakiramdam. Paano ko kakayanin kung ako na lang mag-isa? Paano ko malalampasan kung sa kanya ako humuhugot ng lakas? Paano kami magtatagumpay sa laban naming dalawa?

Bakit ba ang hirap maging MASAYA?

author:  mariaregina

p.e./kf

Enhanced by Zemanta

  • Bitsobitso

    sayang ang oras miss…madami jan…wag mong panghinayangan ang mga bagay na nasira….kung totoo ito at talagang matibay,magtatagal yan pang habang buhay.

  • Punkster

    =( miss randam na randam kta 2yrs and going wla nkakapag parandam sakin khit anong date at flings ang gawin ko wla na di na tumibok puso ko gus2 ko din mag share syo sana possible yun

    • mariaregina

      Minsan na akong nadapa, tumayo ako ulit. Kaya pinipilit kong ayusin kung maaayos pa. Ang hirap ang bigat ng pakiramdam na ganito. Give me some details para sharing tayo.

  • freyjahdelphys

    haiii..ganyan n ganyan…:(
    relate much..

    • mariaregina

      Alam na’tin ang ganitong pakiramdam. Buhay na buhay ang mga dugo pag lovelife na ang usapan. Be strong.

  • Chris

    Kung sino ka mang writer ka. Kausapin mo nga ako! Hehe! I just want you to know that I have EXACTLY the same situation right know. All your words, sentiments, is what exactly happend to me! :'( Sad thing, we end up! :'(

    • mariaregina

      aww! end up? ayaw ko sana na humantong sa ganyan thats why nilalabas ko na lang sa pagsusulat. Gimme details gusto ko din may makausap.