by
on
under
tagged , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author iamfrozenfire

Ang Sarap Lang Maging Nurse!

About iamfrozenfire

hindi naman talaga ako mahilig magsulat, magbasa pwede pa! pero naisip ko hindi kaya ng memory ko ang pagiisip at pag alala sa lahat ng pangyayari sa buhay ko, buhay mo at buhay natin kaya bakit hindi ko na lang isulat kung ano sa tingin ko ang angkop sa buhay mo, buhay ko at buhay natin... palibhasa babae kaya madalas masaktan, ewan ko b sa mga yan!! bait ko naman :D

Free How To Trade With Binary Options

http://wonderfulwebwomen.com/?p=Binary-Option-System-Omni-11-Blog Binary Option System Omni 11 Blog

http://shopival.com/?p=One-Two-Trade-Binary-Option-Rsi One Two Trade Binary Option Rsi

Binary Options Trading Hours Review Signals App

http://blogs.ghostdub.de/?p=Forexminute-Promotes-New-Bloombex-Options-Review-For-Binary-Traders Forexminute Promotes New Bloombex Options Review For Binary Traders

Anak ng! Hindi ito ang gusto ko, maliban sa hindi ako marunong maglaba ng puti eh ang init na, nkastockings pa! jusko! Kalbaryo ang unang duty ko sa hospital, maarte akong tao, ayoko sa mikrobyo tapos ihaharap ako sa pasyenteng my TB (tuberculosis) na kung makaubo eh halos iluwa na ang buong baga, pati nga yata atay niya kulang na lang pati kaluluwa eh lalabas na sa sobrang pagkakaubo niya.

“Grabe naman Lord! Parusa ito! Bakit ako?? Bakit ako???” Yan na lang ang nasabi ko habang nangingilid na ang luha ko.  Naisip ko nang mag quit! pero teka! Baka magsalubong ang langit at lupa sa galit ng nanay ko, kaya sige na nga, paninindigan na tutal may pera daw sa nursing kaya go na lang!

Napakalaking pagsubok naman talaga ang buhay estudyante ko sa nursing, eh kasi nga di ba ayaw ko nga! Napilitan lang! Nagtapos! Naipasa ang board! At eto na, ako na lang mag-isa sa trabaho; wala na akong clinical instructor na magtuturo, God! Saklolo na ito!!

Sa bawat pasyenteng umaangal ng sakit, ng pagkabahala sa kung anong magiging lagay nila bukas o sa makalawa, sa bawat daing nila kasama ng kanilang pamilya, bawat pagluha sa pagkawala ng buhay na hiram, lahat yan ramdam ko bilang tagapag-alaga nila sa loob ng walong oras isang araw o minsan pa labing anim kung naswerteng double shift ka. Madalas sa minsan na pagka boljack sa doctor, suwerte ko pa sa malditang bantay at hindi lang full house ang pasyente pati hallway pa!   Magulo na ang hair mo nagmamantika pa mukha mo, kumain nga halos hindi ko na magawa, mag retouch pa? Sobrang layo nito sa pinangarap ko, di ba?

Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng lahat ng yan napamahal sa akin ang trabahong ito. Marahil ito talaga ang destiny ko. (huwaaaaaaw! destiny!!!) pero eto, my sigurado akong sagot kung bakit. yun ay sa kabila ng mga nabanggit kong hirap sa trabahong ito ay ang kakaibang fulfillment sa bawat pasyenteng nagpapasalamat dahil bukas lalabas na sila, o kaya dahil sa naibsan ang sakit na nararamdaman nila. Kakaiba ang dating nila para sa akin. Yun bang tipong parang dinuduyan ka sa sobrang saya at sarap dahil alam mong parte ka ng mga ngiting iyon. Nangigilid ang mga luha ko tuwing alam kong my buhay na mawawala, pero tumutulo ang luha ko pag may mga ganyang eksenang pgpapasalamat.

Kakarampot man ang sahod nating mga nurse, pero okay lang, bawing bawi naman tuwing my ngumingiti at nagpapasalamat na pasyente. walang katumbas yun!! feeling ko nga bonus na lang yung sahod. ( napa weh ka noh? haha) :D. Hindi ko na nga naisip na my pera daw sa Nursing, basta ang alam ko na lang ngayon, ang sarap lang maging Nurse!

author:  iamfrozenfire

p.e./mj

Enhanced by Zemanta

  • oryxman

    Ahh saludo ako sa mga tulad mong walang angal sa umpisa palang bilang isang Nurse,sabi ko nga sa ibang nag blog kailangan tlg nila dumaan sa ganyan kasi after 2-4 years of pain in everything medyo ginhawa naman at siempre pera as in medyo dbest na kesa dati o sinasahod ngayon,last 12 June 2012 it was my 20 years as RN imagine i make it and where did the year goes by super bilis noh,but yup i never intend to be one nor plan about it instead a obedient son i follow what my Tita who shoulder all my expenses and send me to University and after all those horrendous sacrifices as you’ve said finally pass the board and get experience at nk kuha ng 2 years experience presto bound to Middle East and everything is history till now i have a very fortunate job which if compare satin naku nkk tuwa tlg,so for all NURSES tyaga lang muna sa kakarampot na sweldo at mag weh nalang as in not to complaint why and all kasi after all those sacrifices who knows where you would be bound to:EUROPE,US,CANADA,AUSTRALIA,IRELAND,NEW ZEALAND,NORWAY,GCC MIDDLE EAST-Gulf Cooperation Council and earn EUROS,DOLLARS,Swiss Francs o db dbest tlg and whats more you can ask for TRAVEL FREE p tlg…kaya super ok ang NURSE,sa lahat ng COLLEAGUES ko sa BUONG MUNDO Mabuhay Po Tyo…

    • iamfrozenfire

      maraming salamat po.. yep mahirap sa umpisa pero ang sarap pag nasa middle k n ng career mo hehhe.. mabuhay tayo.:)