by
on
under , , , , , ,
tagged , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author the slickmaster's files.

Ang Litanya ng Isang Desperadong Romantiko

The Best Indicators For Gold Forex 2016

http://automotorblog.com/?option=Investing-Money-Overseas Investing Money Overseas

Sa isang iglap, naudlot ang lahat. Wasak na wasak na naman ako, hindi sa kasiyahan, kundi sa pagiging miserable na naman. Mahirap tanggapin talaga. Ang tagal kong hinintay ‘to. Sabay, ganito na naman? Nakakaasar na!

Anyare sa isang iglap? Ayun… ang minimithing hiling kasama ng aking panalangin ay naging isang abo na nasunog at hinangin patungo sa kawalan, na kahit habulin ko pa at pilit ipuning muli, wala na rin. Kahit maglupasay pa ko sa luha’t poot, wala na rin. At kahit magmakaawa na may dugong tumulo sa aking mga mata’t tuhod na sugatan sa paglalakad na nakaluhod, wala na rin.

Bagamat parang ganun, wala na akong pakialam kahit magmukha akong tanga. Kung pwede lang sana, hahamakin ang lahat, mahangad lang kita sa huling pagkakataon at huling sandali.

Isang bagay lang sana ang aking pakiusap. Sana mabigyan mo pa ako ng pagkakataon na mapatunayan ang lahat, kahit sandali lang, at kahit sa kahuli-hulihang pagkakataon na lang.

Hinahangad ang pag-unawa, minsa’y masabi mo pa na mahal mo pa rin ako. Kahit sa pekeng nararamdaman na lang ang mga ito.

Sana mayakap at mahagkan kita na akala mo’y wala nang bukas, at maramdaman mo ang tinitibok ng puso ko, kahit sa totoo lang wala na talaga sa iyo ang lahat.

Sana makapiling muli kita, kahit segundo na lang ang ating itatagal.

Dami kong hiling no? Pero totoo, mahal pa rin kita. Hindi ko lang alam ang gagawin ko para i-let go kita kaya siguro ito na lang ang naisip ko.

Umaasa ako na sana matugunan mo ang panalangin ko. Pero kung wala na, sige na. Please?

Pero kung wala na talaga, siya, sige na nga po. Ito na siguro ang lahat sa ating dalawa. Ayaw ko lang sana bumitaw sa mga bagay na para sa akin e kakayanin ko pa. Ayaw ko sana sumuko na hindi ko pa naibibigay ang lahat sa aking pakikipaglaban para sa iyo. Ayaw ko pa sana. (umiiyak) ayaw ko.

Author: slickmaster

© 2012 september twenty-eight productions

p.r./kf


  • charing

    Nakakalungkot naman ng kwento mo. Huwag kang mawalan ng pag asa at sana makayanan mo yan. Kasi kong saan man ngayon ang mahal mo at makitang kang nagkaganayan baka malungkot din siya . Goodluck sayo at sana lakasan mo ang loob mo kaya mo yan 🙂

  • chaii

    hi kuya 🙂 .. wag ka pong mawalan nang pag-asa .. alam ko kung gano kasakit ang nararamdaman mo ngayon .. pero sana wag kang mawalan nag pag-asa .. mag pray ka nalang po kay JESUS .. kasi naranasan ko na din yan ee .. pero eto parin ako, masaya 🙂 ^^ kaya SANA po .. maging okaay kana 🙂 GODBLESS 🙂