Taylor’s Heartache     (Photo Credit:    Fanpix.net)

Taylor’s Heartache (Photo Credit: Fanpix.net)

Sa pagkahumaling ko sa tumblr, nakakaligtaan ko nang mag-tweet sa twitter nitong mga nagdaang araw. Kahapon nang buksan ko ang twitter page ay nagulat ako dahil trending ang Swift and Jake Gyllenhaall Break-up. Teka muna? Parang dalawang buwan pa lang ang nakararaan nang magpost ako sa tumblr ng mga larawan nila na magkasamang nagkakape sa Nashville.

 Dalawampung minuto  pa lang ang nakakaraan nang mabasa ko ang retweet ng kapatid ko.

Ofcourse, Taylor Swift and Jake Gyllenhal had to break up. T. Swift needs material for her new album, you know.  natawa ako bigla. Para sa inyong kaalaman, Numero uno akong tagahanga ni Taylor Swift kahit noong nasa kolehiyo pa ako. Hindi pa sya mainstream at nagcro-cross over sa pop scene, matindi na ang paghanga ko sa kanya.

 Paborito ko pa ngang kantahin sa banyo kapag naliligo yung “HE’S THE REASON FOR THE TEARDROPS ON MY GUITAR, THE ONLY THING THAT KEEPS ME WISHING ON A WISHING STAR, HE’S THE SONG IN THE CAR I KEEP SINGING DON’T KNOW WHY I DO…DREW LOOKS AT ME I FAKE A SMILE SO HE WON’T SEE”. Country music pa ang genre nya noon. Palibhasa ang hilig nating mga Pinoy sa mga senti na awitin kaya agad na naging mainstream ang Tear Drops On My Guitar.

 Taong 2009 nang umarangkada sa Billboard Charts ang ikalawang Album ni Taylor Swift na Fearless. Patok na patok sa mga kabataan lalo na sa mga teens at tweens. Hindi ko na ikukwento ang pambabastos ni Kanye West na nagpaigting pa ng karera ni Taylor at humakot ng Grammys. Love Story, Hey Stephen, You Belong With Me at Forever and Always ang tampok sa kanyang Grammy Award Album of the Year ng 2010. Mga awitin tungkol sa mga boys na dumating, dumarating at darating pa lang sa kanyang buhay.

 Sadyang Fearless nga ang album dahil sa sleeve pa lang ng CD ay may secret codes  na makikita sa mga lyrics ng kanyang awitin. (May kopya ako nun!) nalaman ko na totoo at hindi kathang-isip lamang ang mga bida sa awitin ni Taylor sa kanyang mga awitin. Napanood ko ang  kanyang acceptance speech nang manalo sya bilang Best Female Country Vocal Performance  Pinasalamatan nya sina Romeo at ang iba pang naging tauhan sa kanyang album. Matatandaang naging dating nobyo nya si Joe Jonas (Jonas Brothers)  at Taylor Lautner (Twilight).

 Noong nakaraang Nobyembre 2010 kumalat ang balita na nagkakamabutihan sila ng Hollywood actor na si Jake Gyllenhaal. Kahapon ay kumalat ang balita sa internet na Split na ang dalawa at trending pa ito ngayon sa twitter at yahoo. Parang nagpalit lang ng T-shirt si Taylor Swift. Ang bilis ng mga pangyayari. Kaya ako natawa sa retweet ng kapatid ko. Sinasadya ba niyang magkaroon ng panandaliang inspirasyon para magkaroon ng bagong inspirasyon sa kanyang mga sinusulat na awit o Nagkakataon lamang na doon sya nakahuhugot ng inspirasyon sa pagsulat ng mga awit.

PAHABOL SABI: Hindi na mahalaga kung mayroon siyang mahabang listahan ng mga manliligaw, kasintahan o naging kasintahan. Ang importante ay isa siyang pilantropo at huwaran ng kabataan!

Kamakailan tinanghal siyang Billboard’s Woman of The Year sa taong 2012. Itinanghal din siya ngayong 2012 na ‘MOST POWERFUL COUNTRY ARTIST’ Ayon sa Forbes 100 Celebrity.

author:  maningning

p.e./kf