Human   (Photo credits:     Clker)

Human (Photo credits: Clker)

Namimiss ko ang ma-inlove….
Ang mag-alaga at may inaalagaan
ang may sinasabihan ng I love you
at nagsasabi ng I love you, too….
Ang may iniisip bago matulog
kasabay ng pagsabi ng “goodnight, sleep tight”
at good morning sa umaga…..kakabit ang “ingat palagi”
Nakakamiss maglambing…at pinaglalambingan
ang may kinukulit palagi man o minsan…
ang mangulit at mainis….ang magalit at magselos…

Dalawang taon  nang  tahimik ang buhay ko…
hayssss papasok pa kaya ako sa magulo?..
o ipagpapatuloy ko na lang na ganito…..
Sa bawat araw na masaya ako….minsan gusto ko rin malungkot..(baliw na ba ako?)
Alin ba talaga ang masaya ang inlove o nag-iisa?

Tinitingnan ko ang nasa paligid ko, Lahat sila halos nakangiti,ngumingiti din naman ako yun nga lang pag ako ay nag-iisa na lungkot naman ang bumabalot sa aking pagkatao sa tuwina. Naiinggit ako sa kanila.  Madalas ko ikumpara ang sarili ko sa iba, bakit sila ganun ka blessed ako hindi, parepareho naman kami anak ng Diyos, bakit may favoritism ata?

Masarap ang tumawa, alam ko yun, kasi pag marami akong kasama, ang tawa ko mula sa puso din naman.  Madalas nga nilang sabihin, parang kinikiliti ng damo ang paa ko, bungisngis daw kasi ako.  Pero parang kulang pa din, at minsan parang di ko na nararamdamang ako ay tao.  Siguro sadyang hinahanap ko lang, pagkalinga at pagmamahal nang isang taong tulad ko din ay nangangailangan, ngunit pano maalis ang takot ko…what if mali na naman siya?

Paano kung noon ay naiwasan ko ang latay sa aking katawan sa pangalawang pagkakataon ay hindi na? Mahirap magbakasakali di ba? Kung noon matapang kong hinarap ang hamon sa aking buhay ngayon ako’y parang naduduwag na.  Ngunit paano ko naman kaya makukuha ang aking minimithi kong di ako magkakaroon ng lakas ng loob.  Pikitmata na nga lang ba akong magtatampisaw uli sa relasyon?.

Pareho din naman sa pakiramdam.  Noong ako ay nagmamahal, may araw na masaya, may araw na malungkot.  Ngayong ako ay nag-iisa, pag maraming kasama ako ay masaya, ngunit kapag nag-iisa na lang binabalot ng lungkot at parang tangang nangangarap na may taong nandiyan at mahihingahan ng sama ng loob.

Yung tipong may masasandalan sa oras ng kawalan. Robot na yata ako. Kung saan dalhin ng paa ko yun na yun. Pero namimiss ko ang maging tao, di bale nang nasasaktan sa larangan ng pagmamahal, ngunit tumitibay din naman.

Sana lang sa susunod na pagsulat ko, masasabi ko nang ako’y ganap nang tao.

author:  jessa maria

p.e./mj