Home
» MISCELLANEOUS » COMMENTARIES, Community, LIVING, The Environment » Kalikasan, Ating Pangalagaan!
About the Author
Definitely Filipino User Login
Blog-Serye (click here to see all)
Breadwinner (Part 10)
AS usual, ang mga kapitbahay at kaanak ang dinatnan niya sa bahay. Okey lang; mas marami siyang dala ngayon kumpara ... ∞
Breadwinner (Part 9)
NAKAPLASTER na yata ang ngiti sa mga labi ni Angie tuwing magmumulat ng mata sa umaga. Ibang iba ang buhay ... ∞
Breadwinner (Part 8)
ILANG linggo ang dumaan bago dumating ang kanyang visa. Agad niyang kinontak si Ivan para maipabook. Tumawag siya sa magulang ... ∞
Breadwinner (Part 7)
HABANG tumatagal ay lalong sakit ng ulo ang kanyang amo. Pag dumadalaw ang mga anak nito, sinusumbong nito na pinababayaan ... ∞
Casanova Newbie (Part 25)
Sophie Nasa mall kami, sinama kasi kami ng F6 at ate Lauren sa gimmick nila. We became closer to them ... ∞
Breadwinner (Part 6)
MAG-ASAWANG sampal ang natanggap ni Andrea buhat sa ama. Mula nang magdalantao siya nang walang ama, noon lang siya napagbuhatan ... ∞
Breadwinner (Part 5)
SAMANTALA sa Pilipinas, maayos na nag-aaral ang kanyang mga kapatid. Kumuha ng boarding house si Anthony sa Batangas City para ... ∞
IBA’ TO :Kakaibang Love Story Part 3
“Oh, Bf mo?” “Ahum.” “Ah okay that’s good.” Tumayo si Alex at nagpaalam kay Kim. “Eh , cge enjoy the ... ∞
Books by Definitely Filipino Bloggers at Amazon
Definitely Filipino Users Online
This blog has had 92 Visitors the past 5 minutes. The most ever online was 1045, on January 11, 2012 @ 4:02 AM.
We currently have 1 Visitor browsing this page. The users now on this page are: 1 Guest.

Kalikasan, Ating Pangalagaan!
Help Mother Earth Survive (Photo credit: amazon)
Ang kalikasan ang isa sa mga pinakamagandang regalo ng Diyos sa atin kaya dapat natin itong pangalagaan. Subalit sa halip na pangalagaan, kapabayaan ang aking nakikita. ‘Di ba kaya nga nilikha ang tao para pangalagaan ito?
Kaming mga Iskolar ng Philberth sa Taal, Batangas ay nagkaroon ng isang workshop/seminar nitong nakaraang June 1-3, 2012. Ang naging tema ng aming workshop ay tungkol sa kalikasan. Isa sa mga ipinaliwanag dito ang kung paano sinisira ang ating kalikasan. Sa loob ng tatlong araw, nagkaroon kami ng talakayan tungkol sa kalikasan upang magkaroon kami ng dagdag kaalaman ukol dito at bilang mga kabataan, ano ang aming magiging hakbang upang maprotektahan ang ating Inang kalikasan at paano namin ito sisimulan. At para magkaroon ng output ang workshop na ito, gumawa kami ng isang teatro na umiikot lamang sa problemang pangkalikasan ng Batangas at maganda naman ang kinalabasan nito.
Batay sa aming nakuhang kaalaman tungkol sa workshop, unti-unti na ngang nasisira ang ating kapaligiran bunga ito ng mga sakunang dumarating sa ating buhay. Marami nang tao ang nagkakasakit dahil na din sa maruming kapaligiran. Ang landslide, flashfloods, at iba pang mga sakuna na galing sa kalikasan ay epekto ng illegal logging sa kabundukan at maging sa kagubatan. Ang Ozone layer ay unti-unti na ring nabubutas dahil sa mga pagsusunog ng basura at sobrang paggamit ng carbon dioxide. Ito ang nagiging sanhi ng Climate Change.
Bilang isang mamamayan ng ating bayan, may magagawa pa tayo para mapigil pa ang mga masasamang epekto nito. Hindi pa huli ang lahat upang mapigil ito. Ngunit kung papairalin natin ang ating kapabayaan, patuloy na masisira ang ating kalikasan at wag tayong mabibigla kung may dumating sa ating ganti ng kalikasan. Laging Tandaan: Nasa Huli ang Pagsisisi.
Ikaw, bilang mamamayan, Ano ang magiging hakbang mo upang mapigilan ang ganitong sitwasyon? Paano mo ito sisimulan?
author: Percy
p.e./kf
©Copyright 2012, Filipino | Definitely Filipino™. All rights reserved. Copying of any article from this Definitely Filipino blog without permission, is strictly prohibited. DISCLAIMER: All articles are opinions of their respective authors and not necessarily of the site owner and Definitely Filipino.
You may also like these articles:
Comments