DF Bloggers Int'l.  (Photo Credit:  Facebook)

DF Bloggers Int’l. (Photo Credit: Facebook)

Ang blogging pala sa  Definitely Filipino ay  kumalat na sa lahat ng bansa na saklaw ng Facebook at Internet  at nagsilbing malaking “therapy” para sa marami nating kababayan, lalo’t higit sa ating mga OFWs mula sa halos lahat ng panig ng mundo.

Mula sa blogging site ng DF ay umusbong ang isang lupon ng mga kababayan natin na nakatagpo ng tila isang “haven” kung saan maaari nilang mapakawalan ang kanilang mga hinaing, kasiyahan, karanasan, damdamin at kaisipan!

May mga nadedepress at nalulungkot tayong mga OFW na nakatagpo ng isang “venue” kung saan nailalabas nila ang kanilang mga dinaramdan at nakatatanggap sila ng mga pampapalakas ng loob.  Nagmistulang “therapist” ang DF Blog sa marami nitong kasapi.  At marami ang nagpasalamat at patuloy na nagpapasalamat sa DF dahil dito.

Hindi lamang iyan…

Mula sa ilang mga bloggers ay nabuo ang DF Bloggers International o DFBI, isang samahan ng bloggers-turned-virtual friends na nagkakasundo at nagkakaunawaan, nagkakatulungan at nagkakadamayan.  Bilang karagdagan, naging vehicle din ang Definitely Filipino upang maibalik at maikalat ang adbokasya para sa pagpapasigla ng larangan ng pagbabasa at pagsusulat. 

Tiyak na matutuwa ang ating CNN hero na si Kuya Efren Penaflorida!  Nakitulak na rin kasi sa kanyang Kariton Revolution Project ang DFBI!  Ang  TULAK PANULAT!

Naging daan din ang Definitely Filipino upang magkaroon ng aklat ang ilan na rin nating mga bagong manunulat, o mas nakikilala sa taguring  “newbie writers,”  sa tulong ng ilang publishers gaya ng minamahal naming si Tatay Jobo Elizes na isa ring blogger at advocator.  Dahil sa DF, nagkatagpo ang writers at publisher!  O ‘di ba, bonggacious!  ^__^

Available na sa amazon.com sa New York City ang mga aklat ng ilan nating mga  ka-bloggers na kababayan/OFW, gaya nila:

1 -  Raquel Delfin Padilla (Racz Kelly)   ng Canada

       (TIIS, SIPAG AT TIYAGA)

2 – Jovelyn Bayubay  Revilla   ng  Kuwait

       (MASAYA DIN, MALUNGKOT DIN KARANASAN NG OFW)

3 – Argel    Lucero Tamayo (Iceburn) ng Dubai

       (BUHAY AT PAG-IBIG…. Sa Danas, Isip at Paligid)

4 – Monette Nina Dioquino Calugay  ng Hong Kong

       (MY CANDID  MUSINGS)

5 – Mommyjoyce   (LIFE  BUS …  Biyaheng Earth)

6 -  Akoposijayson  (Ito Na Siguro Ang  Pinakamahabang Title ng Libro na Ginawa sa Pilipinas at Nagsimula sa Isang Munting Facebook Page ni AKOPOSIJAYSON na Walang Maisip na Pamagat) ng psicom

(Tama po yan…yan po talaga ang title ng book n’ya!)  hahaha

At marami pang soon to be published…… abangan po ninyo!

Tunay nga namang minamahal na ng napakarami ang Definitely Filipino.  Dahil sa DF Blogs, mayroon nang pinagkakalibangan ang mga OFW natin at naiibsan ang kanilang lungkot at pagod; may nagpapalawak ng kanilang perspektibo at nagpapagaan sa kanilang kalagayan, saan man sila naroroon.

Dahil sa DF Blogs, sumibol ang mga natatagong kakayahan ng ating mga bagong manunulat . At dahil sa DF Blogs … marami ang tumaas ang self-esteem AT nakatagpo ng mga  malalalim na pagkakaibigan.

O, paano, DF Bloggers?   Tara na!   Sakay na sa  DF Transit!!!

MABUHAY ANG DEFINITELY FILIPINO!