Broken People   (Photo credits:     Courtneywalsh.typepad)

Broken People (Photo credits: Courtneywalsh.typepad)

Ayokong idaan sa toma ang lahat, hindi rin naman makatutulong kahit mawasak pa ko sa kalasingan. Hindi na naman  mababago nito ang takbo ng aking kasaysayan. Isa na nga akong desperadong romantiko sa panahon na ito.

Hindi ko alam kung bakit ganito katindi ang aking nadarama. Siguro dahil matagal na ring tulog ang kamalayan ko ukol sa pag-ibig. At nang dahil sa iyo, nagising ito. Pero linawin ko lang, wala kang kasalanan dun. Ang tagal ko nang hinihintay ang ganito.

Pero, sa isang iglap na hindi ko inaasahan,  tila nawala na. Wala na naman. Malulungkot na naman ako sa isang sulok. Iiyak. Magmumukmok  sa bawat gabing hindi makatulog. Nag-iiba ang estado ng emosyon at pag-iisip. Mababaliw. Masisiraan ng ulo. Mawawalan ng gana. Hindi matiis ang sakit na nadarama. Ilang beses na ko nasaktan, hindi dahil sa iniwan ako, pero dahil sa katotohanan na hindi na naman ako nagtagumpay makalipas ang mahabang panahon.

Na naman? Oo, na naman! (sabay sabunot sa sariling buhok)

Sa isang iglap, naudlot ang lahat. Wasak na wasak na naman ako, hindi sa kasiyahan, kundi sa pagiging miserable na naman. Mahirap tanggapin talaga. Ang tagal kong hinintay ‘to. Sabay, ganito na naman? Nakakaasar na!

Anyare sa isang iglap? Ayun… ang minimithing hiling kasama ng aking panalangin ay naging isang abo na nasunog at hinangin patungo sa kawalan, na kahit habulin ko pa at pilit ipuning muli, wala na rin. Kahit maglupasay pa ko sa luha’t poot, wala na rin. At kahit magmakaawa na may dugong tumulo sa aking mga mata’t tuhod na sugatan sa paglalakad na nakaluhod, wala na rin.

Bagamat parang ganun, wala na akong pakialam kahit magmukha akong tanga. Kung pwede lang sana, hahamakin ang lahat, mahangad lang kita sa huling pagkakataon at huling sandali.

Isang bagay lang sana ang aking pakiusap. Sana mabigyan mo pa ako ng pagkakataon na mapatunayan ang lahat, kahit sandali lang, at kahit sa kahuli-hulihang pagkakataon na lang.

Hinahangad ang pag-unawa, minsa’y masabi mo pa na mahal mo pa rin ako. Kahit sa pekeng nararamdaman na lang ang mga ito.

Sana mayakap at mahagkan kita na akala mo’y wala nang bukas, at maramdaman mo ang tinitibok ng puso ko, kahit sa totoo lang wala na talaga sa iyo ang lahat.

Sana makapiling muli kita, kahit segundo na lang ang ating itatagal.

Dami kong hiling no? Pero totoo, mahal pa rin kita. Hindi ko lang alam ang gagawin ko para i-let go kita kaya siguro ito na lang ang naisip ko.

Umaasa ako na sana matugunan mo ang panalangin ko. Pero kung wala na, sige na. Please?

Pero kung wala na talaga, siya, sige na nga po. Ito na siguro ang lahat sa ating dalawa. Ayaw ko lang sana bumitaw sa mga bagay na para sa akin e kakayanin ko pa. Ayaw ko sana sumuko na hindi ko pa naibibigay ang lahat sa aking pakikipaglaban para sa iyo. Ayaw ko pa sana. (umiiyak) ayaw ko.

Author: slickmaster

© 2012 september twenty-eight productions

p.r./kf

About slickmaster

SlickMaster, or (***name censored***) is a 23-year old part-time professional bum who’s been into blogging for 10 years, though he only managed to be active in his very own Blogspot account named “The SlickMaster’s Files” for only five years, and on Definitely Filipino for two and a half years. He usually expressed his appreciation for the best stuff in the world, such as hip-hop and rock music, wrestling, mixed martial arts, and basketball; and at the same time, his disdain against the overpopulation of teleseryes, romantic drama films, excessive Public Display of Affection, and all the other bullshits of both the mainstream and society. "Words aren't enough to define me. And by the way, I don't care on your superficial, emotional, subjective comment."
Disclaimer: All articles appearing on this site are the opinion and responsibility of their respective authors. They do not necessarily reflect the views of Definitely Filipino, its owner, and staff.