Writer   (Photo credits:     Emptynest1)

Writer (Photo credits: Emptynest1)

Ako si Maria. Dating erotic writer, natatawa ako sa sarili ko kapag naalala ko ang genre kung saan ako nag-umpisa.

Minsan sa kawalang pag-asa para matapos ko ang aking thesis, ako ay nagsurf at sa ‘di sinasadyang pagkakataon ay nakita ko ang site kung saan ako ay nahalina… hindi naman masyado dahil sa pagbabasa ako na-hook  kundi nag-enjoy ako sa komento ng mambabasa, hanggang sa isang araw ako ay nagpost ng una kong gawa… Natawa ako.. .isang tula sa gitna nang mga erotic stories… ‘di ko naman kasalanan kung bakit napost yun meron namang admin eh; of which till now nawala man ang site na yun, thankful ako dahil napraktis ako magsulat ,I learned the hard way..

Meticulous ang readers ng erotic stories, of course bakit ka magbabasa if di ka makakakuha ng pleasure sa binabasa mo, di ba?.and as a writer ,naappreciate ko ang bawat katagang binibitiwan nila sa komento.

Gumana ang aking imahinasyon, nagawa kong gawing positibo ang bawat latay na nararamdaman ko sa aking pagkatao na gawa ng matinding problema sa pamilya. Ang Selos na naghahari sa aking pagkatao, ang kinalabasan ay isang threesome na kuwento…nakakatawa pero akala nila ay nagawa ko. Ang mga ungol at halinghing ng bawat karakter, hindi nila alam na katumbas nun ang luha na nilabas ng aking mga mata.

Ngayon, mag-isa na lang ako sa buhay, nagsara na din ang site kung saan ako madalas tumambay at magpost ng kuwento, sabi nila dati garbage daw.. smut …ewan ko…pero kung nagawa ko mang magsulat ng ganun minsan sa buhay ko ‘di naman ako nagsisisi dahil mas binuo nito ang aking pagkatao…nagkaroon ako ng chance na malinang ko ang aking kakayahan..mas pinatatag nito ang aking buhay sa tukso. Di naman sa nagmamalinis ..eh tao pa rin akong natutukso…ngunit gaya ng kadalasang tanong sa akin kung nagsusulat daw ba ako ay nadadala daw ba ako sa sinusulat ko..  Ssabi ko ay hindi…kaplastikan daw yun at frigid daw ako…sa totoo lang talaga ay hindi, dahil ang focus ko ay mas makapagbigay ng makabuluhang kuwento kahit sa ganitong genre man..ang sikreto ko…mas masarap magbasa ng kwento ng iba..yun, epektibo pa.

Ano ba ang nagawa nun sa buhay ko…meron namang kuwenta sa akin ..naging passionate ako, mas natuto akong maging aware sa needs ng iba, ‘di man sa sekswal na paraan, I learned how to care because I know how it feels to be neglected. I learned how to be there for someone sa panahon ng kawalan, dahil alam ko kung paano balewalain.

I miss writing those stories now, but, tapos na din naman ang kapanahunang yun. I am me, siguro a better person na din naman. ‘Di na siguro dapat itago sa likod ng erotic stories ang bawat hagupit ng buhay sa akin. Matatag na ako…Alam ko, ako ito eh…Si Mariang puno pa rin ng erotica.