Being Unloved    (Photo credits:     Quotesnjokes.blogspot)

Being Unloved (Photo credits: Quotesnjokes.blogspot)

 ”Baka nga may ibang mas deserving sa mga ipinakikita mo.”

Ang sarap talaga isipin na sinabi sa iyo ito, feeling mo ang super pogi mo para sabihan ng ganito, pero masakit dahil sa mismong mahal mo nanggaling ang mga salitang ito.

Mahirap magmahal lalo na kung hindi ka magawang mahalin ng taong mahal mo, bakit ‘di na lang ako?  Hindi ko ba kaya?   Mahal naman kita ah.. mga tanong at salitang galing sa puso, pero di mo maaaring ilabas, dahil baka nga naman may isagot na naman na mas lalong babaon sa puso mo.

Gusto mong patunayan, pero hindi ka pa nagsisimula ay  naawat ka na. Gusto mong gawin lahat ng gusto niya, kung ano ang nais niya at hindi at higit sa lahat gawin ang hinahanap niya sa iba. Handa nang makalimot, handa nang umiwas, handang nang pakawalan ang taong hindi mo man lang nahawakan at kailanman ay hindi magiging sa iyo. Tanggapin mo o hindi sa sarili mo, iisa lang din ang sagot, “Di ka niya mahal.”   Simpleng salita, pero kayang dumurog ng puso at alisin ang totoong pag-ibig.

Para ka na ring nagpakatanga kung sasabihin mo na puwede pang ibalik ang kaunting nasimulan at pagkakaibigan.   Kailangan mong mag- isip kung paano magsisimula sa masakit na proseso.   Pero paano ba sisimulan?   Isa na naman na tanong, kaya ba ito sa salita ng DJ, sa pamamagitan ng payo at sulat na mula sa puso at iparirinig sa mamamayang Pilipino?   Walang ibang makatutulong sa sarili mo kundi “IKAW”, at kahit masakit kailangan mong kalimutan ang dahilan kung bakit ka masaya sa bawat bukas, dahilan ng pagbangon sa nakaraang sakit at taong dahilan kung bakit ka umiiyak.

Enhanced by Zemanta
author:  reynan medel
p.e./mj