Seaman loloko?

Seaman loloko?

Mabait. Maalalahanin. Sweet. Galante. Maasikaso. Mapagmahal sa magulang. Yan ka…at yan din hinahanap ko sa magiging partner ko sana. Kaso para akong pinaglalaruan ng pagkakataon, akala ko nahanap ko na, patikim ka pa lang pala.

And the match-making pushed through. Mid-May last year I was invited for dinner. Kasi daw dumating ka na. The first meeting went well. Interview ako to sawa. And game ka naman sa pagsagot. Plus points yun sayo–kasi akala ko nagpakahonest ka. Naawa pa ako sayo nung ikwento mong yung last na ex mo, linoko ka lang. Dahil doon I decided to continue getting to know you.

You know how to make me special. Kaya di ko namamalayan nahuhulog na loob ko sayo.

Kaso  ooooppppssss… unti-unti kong nakikilala kung sino ka talaga.

1st oopppsss…. one time, nawrong send ka… sigurado akong di para sakin yun. Tinanong kita, dineny mo. I gave you the benefit of the doubt…pero kinutuban na ako.

2nd ooppsss…. nawrong send ka ulit. Di ko gusto laman ng message mo ke para sakin yun o hindi. Kung para sakin yun, ‘di mo ko nirerespeto. Kung hindi, niloloko mo lang ako. May kaharutan kang iba. Tinanong kita, nagpalusot ka na naman. Kaya sabi ko sige, pag-usapan natin yan pagbalik mo.

3rd ooppppsss… sabi mo ala ka bisyo. Umiinom ko pero moderate lang. Nung naandito ka kita ko namang may kontrol ka nga sa alak kaya naniwala ako. Pero bakit ganun? Lahat ng pics mo sa FB posts mo puro alak kaharap?

4th ooopppssss…. may friend request ka sa FB ko pero di kita inaaccept. Kasi nakita kong madadagdag lang ako sa collection mo. Pero di mo alam online stalker mo ako. Lagi ko binubuksan FB profile mo ata kita ko ano pinaggagagawa mo.

Tumawag ka, pinagexplain kita. Sabi mo di pa kase kita sinasagot kaya nakikipag’friend’ ka pa sa iba.  Pag sinagot na kita, titigil ka na. Pinanghawakan ko yun, kala mo ba?

5th ooopppsss…. dahil sa napapadalas na wrong send na text mo, nahuhuli ko tuloy kalokohan mo. Nasukol kita, umamin ka. Nasaktan ako sa nalaman ko. Pero umasa akong magbabago ka pa. Kaya sabi ko pag-uwi mo at pareho tayong wala pang karelasyon, we might give it a shot. Umabot na nga sa puntong kahit ilang babae pa nagamit mo basta wag mo lang ako hawaan ng sakit, payag na ako kasi nga mahal na kita.

Then you came home. We met. We had a good time. Well I had. Kahit galit ako at duda sa intensiyon mo, alam ko masaya ako pag magkasama tayo.

Kaso di ata talaga ubra. When we got the chance na pag-usapan issues natin, umiwas ka. That was the time I realized I have to give you up. Magkaiba tayo ng prinsipyo. Sa tagal kong nag-antay gusto ko sana ‘the one’ na. Kaso ikaw  nasa ‘search mode pa’. Nag-eenjoy kang makipaglar0, mangolekta. Sabi nila natural na daw yan, lalake ka, seaman(loloko) pa. Ganyan daw ang kalakaran. Pag seaman ka, every dock, may girlfriend ka.

Saklap naman po nun. Kaya eto ako ngayon. Kahit mahal na kita at dahil selosa ako, mas pinili kong maging single na lang, kesa madagdag sa koleksiyon mo, kasi nga seaman ka!!!

NOTE: I know it’s wrong to generalize, pero I’m writing from experience. Bato-bato sa langit, ang tamaan bukulan!

author:  myalterego103

p.e./mj

Enhanced by Zemanta