CRUSH logo (Photo credit: Wikipedia)

CRUSH logo (Photo credit: Wikipedia)

Ako yung tipong madaling magkagusto sa cute na lalaki. As in kapag nakita ko siya, crush ko na siya kaagad! Pero depende din yun sa trip ko. Bata pa ako and hindi pa ako mature mag-isip. Pero na-dedefine ko na kung ano yung nararamdaman ko. I can tell the difference between crush and love.

 Natatandaan ko nung una akong nagka-crush. Five years old pa lang ako noon and nasa kindergarten pa lang ako. Natatandaan ko pa yung pangalan niya. Pero hindi ko na sasabihin. Ayoko na balikan ang nakaraan. Hehe. Tapos nung nag-graduate kami nung year na yun, di ko na siya nakita.

 Then, the next school year may bago nanaman akong crush. Wendell ang pangalan niya. Hinangaan ko siya noon kasi… uhh… pogi siya? And masarap siya kasama. Tapos yun nalaman ng buong klase. Patay! Pero hindi siya nairita sa akin. Uhh… baka nairita siya sa akin. Pero okay na kami. Friends na kami.

 Tapos pagdating naman ng grade two nawala na yung crush ko kay Wendell. Nagka-crush naman ako dun sa kaibigan niya. Best friend niya yun. Si Raph. Pero hanggang ngayon hindi alam ni Raph na nagka-crush ako sa kanya. Mabait din kasi siya. Masarap din kasama. Ang pagkakaiba nga lang nila ni Wendell ehh… Mas friendly si Raph. Tapos biglang BOOM! Wala na akong crush sa kanya.

 Pagdating naman ng grade three and four, nagpahinga muna ako sa pagkakaroon ng crush sa mga classmates ko. And besides, wala namang pogi dun simula nung umalis si Raph!

 Tapos ayan na! Grade Five! Nagka-crush nanaman ako. Transferee si Ivan noon. maraming nagka-crush sa kanya. Ang cute kasi nung dimple niya ehh! Haha. Tapos dumating yung time na nabaliw ata ako nun! Inamin ko na crush ko siya sa Facebook! Ayun ang daming nakaalam. Pati yung mga teachers and faculty members ng school namin eh! Tapos yun nanaman yung stage na nawala nanaman yung pagka-gusto ko sa kanya. Tapos nagka-crush din ako dun sa best friend ko na lalaki. Pero di ko na sinabi. Awkward kasi. Pero simula nung nalaman ko na gusto siya nung isa ko pang friend, sinuportahan ko na lang sila.

 Ako rin kasi yung tipong kapag yung crush ko eh crush din ng kaibigan ko, eh ipapaubaya ko na lang dun sa friend ko. Hindi ako madamot. Lalo na kapag hindi sa akin.

 Tapos, that same school year, nakasali ako dun sa sportsfest. May nakalaban at mga naging kaibigan kami from different schools. Nung first day, pauwi na kami noon, may katabi kaming bus nung ibang school. Tapos dun ko na nakilala si Julian. At first, hindi ko siya gusto pero nagpalitan kami ng cellphone numbers. Tapos, yun! Naging ka-text mate ko na siya. Ubos lagi load ko dun eh!

 Then the next day, nagkita ulit kami kasi last day na nung sportsfest. Pinakilala niya ak dun sa ibang ka-school mate niya. Mababait sila. Tapos nung gabing yun may tinext siya sa akin… Nakalimutan ko na kung ano! Basta parang gumawa ata siya nung tawagan namin… Mama Bear and Daddy Bear ata yun? Then, isang araw nag-stop na akong mag-text sa kanya. Na-delete ko pa yung number niya. Hindi ko na siya nakausap until this year. Sadly, may girlfriend na siya. Nagulat talaga ako pero tinulog ko na lang. Ayoko magsayang ng luha!

 Then grade six came. Last year na naming magkakasama. Nakilala ko naman dito yung matagal ko nang crush na high school pero di ko pa alam pangalan niya noon. Si… uhh… si… itago na lang natin siya sa pangalang Robert? Basta matagal ko na siyang hinahangaan. Mestiso at matangkad siya. Tapos may pagka-snob din siya. Yun nga lang, may pagka-nerdy look siya.

 Naalala ko tuloy yung time na tinanong nung friend ko kung ano yung pangalan niya. Wala siyang sagot. Dire-diretso siyang naglakad. Para bang wala siyang narinig!

 Hanggang sa nalaman ko na lang yung name niya through my classmate’s cousin.

 Tapos, nabaliw na naman ako! Gumawa ako ng post dun sa tumblr page ko about sa kanya. Ayun! Nalaman. Okay lang. Hindi naman talaga niya ako mapapansin kahit kailan!

 Tapos,umabot na sa punto na nagkagusto ako sa pinsan ng best friend ko. Hindi ko na lang sasabihin kung sino. Hindi pa kasi niya alam. At parang wala din akong balak na malaman niya! Basta crush ko siya. Kasi hindi ko naman maipagkakait na cute nga siya. Tapos mabait. Meron din siyang sense of humor. Kaso alam ko na ‘nobody’s perfect’. Ang pangit kasi niya tumawa!

 Pero sa ilang minutong inaksaya mo para lang basahin ‘toh, congratulations! Nandito ka na sa pinaka importanteng part!

 Through the years, nalaman ko na abnormal ako magka-crush. Pero nalaman ko din na iba ang crush sa love. First, spelling. Magkaibang-magkaiba sila sa spelling. Pero seryoso, nalaman ko na mas malalim ang salitang ‘love’. Kasi kapag ‘love’ ang naramdaman, mutual yun! At nalalaman at naiintindihan ng isa’t-isa yung feeling nila for each other.

 Sa edad ko na ito, alam kong kahit marami na akong naging crush, eh alam ko din na matagal pa bago ko malalaman ang feeling ng salitang ‘love’. Hindi yung family love pero yung parang romantic love.

 At kahit anong gawin ko, sa ayaw ko man o sa hindi, kailangan ko muna mag-focus sa mas mga makabulang bagay.

 Sabi ng mama ko “Ang boyfriend madali lang magkaroon niyan, pero yung love mahirap yan!” Wise words talaga…

 Kaya nga NBSB ako eh… Mas okey na yun! Crush lang muna!

author:  Rix Chellep.e./mj

Enhanced by Zemanta