Originally posted on June 3, 2010:

Dahil nagpasukan na ay naisipan kong gumawa ng entry na pambata. Puwede na rin ito sa mga isip-bata.

Matino ba ang pamilya mo?

Siyempre sa walang kakuwenta-kuwenta kong intro, obvious na title, at picture sa itaas ay alam mo na ang laman ng entry na ito – ang pinakasikat na pamilya galing Springfield, THE SIMPSONS. Ang utak na gumawa sa kanila ay pag-aari ni Matt Groening, isang American cartoonist, screenwriter, at producer na siya ring gumawa sa Futurama. Kung nagustuhan mo ang mga pelikulang “Big”, “As Good As It Gets”, at “Jerry Maguire” ay ‘di ka na siguro magugulat kung sasabihin ko ngayon na ang producer ng The Simpsons at ng tatlo sa peyborit kong movies ay walang iba kundi si James L. Brooks. May “connect” sila kaya nga quality ang mga ito.

Unang nakilala ang pamilya nila Homer, Marge, Bart, Lisa, at Maggie sa “The Tracy Ullman Show” (April 19, 1987) as animated shorts na tumatagal ng isang minuto. After three seasons ay nalipat ito sa Fox Broadcasting Company at nag-debut on December 17, 1989 as a half-hour prime time show. Okay, hindi ko idi-detalye ang history nila dahil magiging nobela ang tungkol sa 464 episodes na nagawa nila sa loob ng twenty-one seasons na kakatapos lang last May 23. Baka ma-obvious rin na nakikipagtsismisan ako during working hours kay pareng Wiki.

Salamat nalang at nasa early thirties na ako dahil kung bata pa ako ngayon ay siguradong na-miss ko ang mga napakagandang episodes ng cartoon na ito. Parang nasa ten years old ako nang una ko silang mapanood sa teevee. Medyo sikat pa ang RPN 9 that time at noong minsang nanonood ako ay naintriga ako sa commercial nila na ipinapakita ang mga groups na sumisigaw ng “We love the Simpsons!“. Sa totoy kong edad noon ay na-excite ako nang biglang bumulaga ang opening scene ng show na tinutukoy nila. Wow, cartoons! Eh die-hard fan ako ng klasik Warner Bros. animations nila Bug Bunny na ipinapalabas naman ng paulit-ulit tuwing hapon sa IBC13. Siyempre, inabangan ko ang show at simula noon ay naging masugid na tagasubaybay na ako kasama ang utol kong si Pot. Kung sa entry ko tungkol kina Beavis and Butt-Head ay nagagalit si ermats dahil sa cool na kabobohan, ibahin mo ito dahil naging fan ang mga magulang ko ng show na ito…

CLICK HERE TO CONTINUE READING “AYE ACRAMBA”

 

JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 33-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains several blogs namely NoBenta, Noong Ako ay Bata Pa…, The Wonder Twins, and Frontispiece 2.0.