Bus stop (Photo credits: Pandacan1011)

Sa dalawampu’t dalawa kong pananatili sa mundong ibabaw…. sa dami na din ng aking karanasan sa pagkakaroon ng relasyon. Seryoso man o hindi.

 Trip man o kati lang. Pang matagal man o sandalian lamang. Lahat yun ay masasabi kong relasyon. Kung kaya naman tahasan kong masasabi na ang Ang Pag-ibig  ay tulad ng paghihintay sa Bus.

Marahil naman nakasakay kana ng bus?  Kung hindi, subukan mong sumakay at makakarelate ka sa sasabihin ko.   Bus ang sinasakyan ko patungo sa Makati na kung saan ako nag tatrabaho. Sawang-sawa na nga ako dahil sa bigat ng trapiko eh may makakatabi ka pang walang ligo oy un tipong may anghit. Minsan naman sa kasarapan ng tulog mo ay bigla ka na lamang kakalabitin at gigisingin ng Ticket Inspector para lamang punitin ang ticket mo. Ang masama pa dito kung hindi mo alam kung saan nailagay ang ticket mo. Mabuti na lamang mabait si inspector at napaniwala mo siya na nawala mo ang ticket mo.

Malas ka kung sa isle ka nakaupo. Yung tipong kalahating puwet nal ang yung nakaupo dahil sa pagkataba-taba ng katabi mo. Andiyan din yung mababangga yun balikat mo’t paa ng mga sumasakay na pasahero. At kung mamalasin ka pa eh halos mahalikan mo na ang maduming pouch ng konduktor na naglalaman ng mga barya. Sabay tapat ng kamay ng konduktor sa mukha mo para ialog ang barya sa kanyang kamay sabay sabing “Sino pa hindi bayad diyan… May Inspector tayo.”

Ngunit, bago ka paman makasakay kelangan mo munang maghintay. Ang pag ibig aay parang paghihintay ng Bus.

Madalas naman kay tagal dumating. Tipong naasar kana at putok na putok na sa sikat ng araw eh hindi ka padin nakakasakay. Sabay punas ng pawis at hanap ng magandang pwesto para makasakay agad.

Kadalasan Punuan. Nakikipagsiksikan ka nakikipag agawan ng upuan. Para naman makaidlip sa mahigit na isa o dalawang oras na paglalakbay.

Dahil na rin sa mag mamadali kung mamalasin ka maaari kang makasakay sa maling ruta kaya ang resulta mali din ang bababaan mo.

Kaya sana matuto tayong maghintay sa tamang bus na sasakyan natin. Dahil matagal man dumating yan. May darating at darating din yan. Hindi nga lang natin alam kung kailan…wala man kasiguraduhan… Darating at darating din yan.

“It’s better late than never.”

Ako kaya? Kailan kaya darating yung tamang bus na sasakyan ko. Isang bus na patungo sa tunay at wagas na pag-ibig. Yung ibaba ka sa tamang lugar. Yung tipong smooth magmaneho at may kahalong pag aalala o care sa kanyang pasahero.

Hindi ko man alam kung kailan. Buo ang puso ko. Hindi ko na kailangang maghintay. Dahil kahit hindi ka mag antay ng tamang bus, kusa itong dadaan sa harap mo at yayaing ika’y sumakay papuntang tamang lugar.

Enhanced by Zemanta
author:   nyxtripo09
p.e./mj