The best of classics (Photo credit: pinoyexchange)

The best of classics (Photo credit: pinoyexchange)

Marami na akong nabasang blog dito sa Definitely Filipino kaya naman nahiligan ko na rin ang pagsusulat. ‘Di ako professional writer o kung ano man. Sa katunayan, ito ang una kong isinulat.

Gaya ng maraming filipino, isa din akong OFW dito sa Middle East. Sa totoo lang, ‘di ko alam kung ano bang topic ang isusulat ko. Naisip ko lang wala din naman akong ginagawa ngayon sa trabaho, bakit ‘di na lang kaya magsulat ako ng blog dito. Puwede ‘di ba pero ‘wag niyo masasabi sa boss ko. Haha.

Wala pa din akong maisp na topic na puwede ko isulat hanggang sa maisulat ko ito. Mahalig ka ba sa mga pinoy comedy films noong dekada 80 at 90? Kung mahilig ka, siguradong nami-miss mo manood ng ganitong movie kagaya ko. Nonng bata pa ako,palagi akong nakapapanood sa channel 9 at 13 ng ganitong klaseng mga pelikula.

Madalas kong mapanood noon ang mga bida na sina Chikito, Katsupoy, Tatlong itlog, Red Ford White, Palito, Babalu, TVJ, Rene Requiestas at cympre si mang Dolphy kasama kanyang side kick na si Panchito.

Naalala niyo ba ang ilan sa mga pamagat ng movies nila kagaya ng Mang Kepweng at Estong Tutong ni Chikito, Mukhang Bungo, Krispulo Dracula at Lucio And Miguel ni Red Ford White kasama si Eric Quizon, Working Boys ng TVJ, Elvies and James mag kasama si Joey De Leon at  ni Rene Requiestas at madami pang iba? Nakalulungkot isipin na madami na sa ating beteranong komedyante eh wala na sa industriya o mga pumanaw na. Salamat sa mga masasayang pelikula na nagptawa sa akin at sa madaming Pilipino.

Ngayon, ilan na lang mga mgagandang pelikulang nagagawa. Wala na din masydaong gumagawa ng comedy films sa bansa bButi na lang mayroong mga uploads sa Youtube na classic comedy films. Kahit papaano ay napatatawa pa din ako sa mga linya at eksena ng mga beteranong komedyante ng pinas. Mabuhay ang mga komedyanteng pinoy!

author: nst

p.e./kf