Cupid did it again (Photo credit: theholidayspot)

Cupid did it again (Photo credit: theholidayspot)

Ewan ko. Pero nitong nakaraang siyam na buwan ko lang nalaman na totoo pala na ang pinakamasayang bahagi ng buhay e ang magmahal at mahalin.

Gayumpaman, tulad nga ng sinasabi lagi ng kaibigan ko [o 'coach', daingan kapag may problema ako sa mga ganitong bagay at  siya ring nagbibigay sa akin ng payo (na minsan nagagalit na si Mikay (pangalan ni mahal) dahil mukhang umaasa na lang ako lagi sa kaibigan kong 'yon at 'di na ako makatindig at makapagdesisyon mag-isa)], na hindi puro saya.

Nung una talaga e nangangapa pa ako. Sabi nga ng isang kakilala ko e psychologically unprepared daw ako sa pagpasok ko sa relasyon. Puro away kasi. Hindi matatapos ang isang linggo na may nagawa akong ikinainis, ikinagalit, o ikinasama ng loob ni Mikay.

Pero, alam ko sa sarili ko na mahal ko siya, mahal na mahal. Sabi  niya, nahanap daw namin sa bawat isa ‘yung solusyon sa problema namin. Pero it went beyond that. Nung una, nagpost siya sa fb wall ko, nagtatanong kung anong oras daw akong mag-oonline. Ako naman ‘tong si kumag na feelingero na akala e may tama siya sa akin. Magtatanong lang pala siya kung ano ang epektibong gayuma (by that time kasi may dinadramahan siya (akala ko ako na e =P)

Nasundan pa ng pagpuna ko sa pagdadrama niya sa mga status niya sa FB. “Grow up!” sabi ko at anu-ano pang paglilitanya. Ayun nagalit. Na-realize ko na medyo sumobra ako sa puntong iyon kaya nag-post din sa wall niya ng “SORRY”.

Hindi ko pa nga pala naikukuwento kung paano kami nagkakilala. October 2010 nang may nag-pm sa akin at nagtatanong. “Another student na tinatamad na magbasa na naman ‘to“, ang unang reaksyon. Sa akin daw siya pinatatanong ng isang pantas na nauna na niyang natanong. Nasagot ko naman (I hope tama ang sagot ko). At dun nagsimula ang pagkakaibigan na nauwi sa pag-iibigan. :D Kabiruan niya ako, kakulitan, tawag nga sa akin dati e  ‘kuya’.

Sa mga panahong iyon, may dinadramahan din ako. Kuwan siya, uhm estudyante ni Sigmund Freud, mahilig siyang pag-aralan ang mga schizophrenic (kaya  yata natamaan ako dun). Hindi umubra e. Sumunod, uhm nag-eMA sa paghuhukay. Hindi rin umubra. I’d been questioning myself  “Ano bang problema mo kumag, matalino ka naman, pogi ka naman (joke lang)? Pag-ihi na lang ba ang  magpapakilig sayong kumag ka?” As in, sa lahat ng pagtatangka walang umubra, kung hindi ayaw hindi naman pwede.

Kaya ayun, emo-emohan.

Lumipas pa ang ilang buwan, hanggang sa makagraduate zero,  pa rin.

Sabi nga niya, nahanap namin sa isa’t-isa ang solusyon sa problema namin. Marahil nga ay ganoon, nasabi ko nga sa kanya na baka ‘di kami mag-isang buwan. Pero heto magsasampung buwan na.

Nung una, alam ko nasaktan ko siya. Tsk. Feeler  kasi e. Pektusan niyo nga ako minsan!

Pero hindi lang ganoon. Hindi ko lang nahanap ang solusyon, nahanap ko pa ang babaeng kukumpleto sa buhay ko. Kahit na ngayon e rough ang pinagdaraanan namin ngayon, kakapit lang  ako. Sana  nga ‘di magtagal ang  ganitong kalagayan at mapatawad na ako.

Always reminds me nung araw na kumain ng pancit canton sa iisang plato lang.

First time kong makapaghatid  ng babae pauwi (late na nga e, 21 na ako nun).

First time kong makapagbigay ng bouquet.

Lahat ng iyon, ibang ligaya ang hatid sa akin. Kaya thank you, Mikay.

Minsan sablay pero ganun daw e (nangangatwiran pa).

Basta tandaan mo lang, sabi ko nga, “Pagmamahal ay ‘di magbabago hanggang sa ako’y maging lolo.

Ayan nakapagsenti na ako. Matutulog  na muna.