Let Go   (Photo Credit:    Hungry4less.blogspot)

Let Go (Photo Credit: Hungry4less.blogspot)

One time nag-uusap kami ng pinsan ko about sa break-up,then binigay niya sa akin yung website ng Definitely Filipino blog.   Mula noon na-adik na ako sa pagbabasa ng mga blogs sa website na ito.  Araw-araw ay nagbabasa ako ng latest na posts. That’s why na inspire ako magregister at magpost.

Hindi ko alam pero I consider myself as an pain absorber, mas gusto kong ako ang nasasaktan kaysa iba ang nasasaktan ko kaya pain absorber ang ginamit kong username… hahahaha..Sa ngayon hindi ko alam ko kung ilet go ko siya o itutuloy ko pa din itong kagagahan ko kahit na nasasaktan ako.

Nakilala ko siya sa isang inuman, one time kasi isinama ako nung kaofficemate ko sa mga pinsan niya at dun ko nameet yung pamangkin niya. Napakabilis ng mga pangyayari; nacorner nila akong lahat, tinanong kung puuwede daw niya ako maging gf ,dala ng alak, oo nman ako agad..hahahaha..

Alam ko nun na may gf siya, pero sabi niya ay break na daw sila nung gabi na yun dahil hindi niya sinundo. After nun lagi kaming magkatext.  Aaamin ko, noong simula, hindi ko pa talaga siya gusto. Nadala lang ako kasi guwapo siya.  Habang tumatagal nagustuhan ko na din siya; hanggang dumating sa point na ibinigay ko na naman ang lahat, sobra sobra pa nga yata, to the point na hindi na ako nagtira para sa sarili ko again.. and again.

Eto ako, nagpapakatanga na naman..hahahaha..haaay buhay nga naman. Hindi ko alam pero mahal ko na siya nang sobra sa loob lang ng tatlong buwan.  Kung  bakit kasi hindi ko maturuan ang sarili ko, yung may gusto na lang sa akin ang mahalin ko.  pero dahil  pain absorber nga kaya mas pinipili ko yung masaktan ako.

Minsan tinanong ako nung pinsan ko kung sino daw pipiliin ko; yung tao mahal ko o yung taong mahal ako.  Sinagot ko siya agad nang hindi na nag-isip, na yung taong mahal ko kasi pag nandoon ka na sa sitwasyon na yun, hindi mo na masasabing pipiliin mo yung tao mahal ka, kasi mas pipiliin mo yung taong mahal mo kahit na masaktan ka pa..

Ngayon nalilito ako, kasi ako na lang gumagawa ng effort sa aming dalawa. Balewala na sa kanya ang lahat, kaya hindi ko alam kung mag LET GO na naman ba ako o magpapakatanga pa..

author:  pain abosrber

p.e./mj