Heart or Brain   (Photo credits:     Poetrymyfeelings.blogspot)

Heart or Brain (Photo credits: Poetrymyfeelings.blogspot)

Sabi nila pag hindi mo madetermine ang pinagkaiba ng crush sa love, ibatay mo ito sa tagal. Kapag crush mo lang daw ang isang tao, ito ay tumatagal lang ng three months.  Kapag lumampas daw dun, love mo na daw yun taong yun. E paano yan? Yung nararanasan ko ngayon, more than three years na? Ibig sabihin, love ko na yung crush ko???

Di ko naman masabing love ko siya, kasi hindi ko ito maipagtapat sa kanya. Kasi pag mahal mo daw yung tao, hindi ka matatakot na malaman niya yung nararamadaman mo at magtetake ka ng risk kung ano man ang kalabasan ng pagtatapat mo. Kung i-reject ka man niya, at least naging matapang kang sabihin sa kanya na mahal mo siya.

Ang hirap naman nitong nararamdaman ko; lalo na at lagi ko siyang nakikita. Madalas pa nga napapanaginipan ko siya na iniisip niya rin daw ako at may gusto rin siya sa akin. Nangyayari  ba sa inyo yung nararanasan ko?

Ang hirap nitong kalagayan ko..  Ang problema kasi bakit ko nararanasan  sa kanya yun? Bakit hindi ko masabi?  Una, mukhang ‘di naman niya ko gusto e, ‘di wag ko na lang sabihin.. Pangalawa, may gusto siyang iba. At pangatlo, may nagkakagusto rin sa kanya na kaibigan ko!

Ano ba yun…. Minsan ay naitanong ko sa isang katrabaho ko, pag nag pa-heart transplant ba ko, mawawala itong nararamdaman ko? Sabi nila, hindi daw, kasi utak naman daw ang talagang nagpapagana sa puso. Sabi nga nila.. “it’s all in your mind” E ‘di bigo na naman ako. Sabi ko na lang e kung magpabrain transplant kaya ko para mawala na itong nararamdaman ko?  Natawa na lang sila sa akin heheheh. Nababaliw na daw ako.

Hayyyy.. hindi ko din alam e. Lagi na lang ako nagdarasal na sana mawala na itong nararamdaman ko. Kasi hindi ko rin naman alam kung paano mawawala itong nararamdaman ko sa kanya..

Paano nga kaya?

author:  mitchiebreaksheart

pe./mj