Laughing Girls    (Photo Credit:    Wealth-of-nations)

Laughing Girls (Photo Credit: Wealth-of-nations)

Tumawa ka kaya?

Pag naisip mo yung baon mong Milo nung Kindergarten ka?

O yung Orange Juice mo na lang na maligamgam, na sa pag-alis mo ng bahay e wala pang bawas, pero pagdating mo sa school mo, sinipsip na ng papel yung maligamgam mong Juice. Tapos yung biscuit mo? Durog.

Naalala mo? Na habang nakikinig ka sa guro mo, hati ang isip mo. Kalahating atensyon sa teacher mong nagtuturo ng one plus one, at kalahating atensyon sa nanay mong nakadungaw sa bintana ng inyong silid-aralan. Tapos, nakalimutan mo na si one plus one..

Umiyak ka rin ba nung kinder ka pa lang? Lalo na pag ‘di mo na nakita na nakadungaw sa bintana yung naghatid sa ‘yo? Pinipigilan mong hindi umiyak, pero natalo ka ng emosyon mo nung nakita mong pinapakita ng kaklase mo yung three stars niya sa nanay niya.

Wala ka nang bantay, wala ka pang three stars… Patay kang bata ka…

Pero first day pa lang yun, diba? Habang tumatagal, tumitibay ka. Habang tumatagal, tumatapang ka. Hanggang sa nakakita ka na ng kaibigan, ng karamay, ng… ng kahati sa baon mo. Ang malupet, bago mo bigyan e kakagatan mo muna.

Di nagtagal, elementary ka na.

Tinatabi na yung bag mo sa bag ng crush mo.  Gustong gusto mo naman..Tuwang
tuwa ka din pag nagkatabi yung lapis n’yo..Totoo ba?

Tumatawa ka na?

Naaalala mo pa yung arrozcaldo o champoradong binibenta sa room n’yo pag recess? E yung candy na sinusukli sa ‘yo pag yung sukli mo na lang e singkwenta sentimo? Yung crush mo na tinatapatan mo sa pila sa tuwing flag ceremony?  Kahit hand’s forward na, pipilitin mo pa ding tumapat. Tapos nakalimutan mo, may Find-Your-Height pa pala.

Dami ko nang naaalala.   Ikaw ba?

Crush mo teacher mo noon, di ba?  Sa katunayan nga pati sa Panatang Makabayan sinasama mo siya, “Panatang Makabayan, iniibig ko si maam!”   HaHAHA

author:  Phil Carlo

p.e./mj