Math   (Photo Credit:   Mrsmacadam)

Math (Photo Credit: Mrsmacadam)

Kasama ang subject na Math sa curriculum ng kursong kinukuha ko. Isa pa naman ito sa mga subjects na na kinatatakutan ko dahil sa sobrang hirap nito at ang hirap intindihin lalo na kapag complicated ang problem.

Nagtataka nga ako kung bakit kapag oras na ng Math, tapos si professor ang nagsasagot ng examples niya parang ang dali-dali, pero kapag seatwork na, ang pangalan ko at date lang ang alam ko. LOL. Hindi ko nga alam kung bakit ako nakakapasa e, siguro dahil sa projects, attendance at problem set. Kinokopya ko kasi yun sa mga classmates ko.  Honestly, ang grade ko a college algebra ay 2.75 at 3.0 naman sa trigonometry.

Ngayong sem, Statistics and Probability naman ang focus namin. Sana mas mataas ang maging marka ko dito.  Sana madali kong matutunan ang subject na ito. Mas makikinig na ako sa professor ko para maunawaan ang leksyon. Kaya nga sa school ako gumagawa ng assignment kasi hindi ko kayang sagutan pag ako lang mag-isa. (Ang Hirap kasi ng Problem). Buti na lang at last Math na namin next sem, pero mas mahirap daw yun kasi  Analytic Geometry daw yun. Ang tawag nga ng ibang estudyante dun ay AnaLINTEK Geometry, tunay nga kaya? Sana ‘wag naman. Marami pa naman akong subjects na related sa Math tulad ng Economics at Physics. Sabi nga ng iba, challenging at interesting daw ang Math. Sabi ko naman, “oo nga e, sa sobrang challenging nito, ‘di ko na nakaya.”. LOL.

Nakakahanga yung mga taong sobrang galing sa Math. Kayang-kaya nila yung mga super complicated na problems. Nakaka-OP (out of place) tuloy. Ano kayang utak mayroon sila? Nakakadugo ng ilong. Ano kayang sikreto ng mga taong ito? Ng mga kumukuha ng kursong Engineering?

Karamihan sa mga mag-aaral ngayon, ang subject na ito ang problema. Marami ang mga bumabagsak dahil dito.  Pero kung hindi sasamahan ng sipag at tiyaga, talagang babagsak.

Kaya Math, pipilitin kong mahalin kita, sana mahalin mo rin Ako!

author: Percy

p.e./mj