Indians like Gandhi   (Photo Credit:    Middlestage.blogspot.)

Indians like Gandhi (Photo Credit: Middlestage.blogspot.)

Noong nasa nag-aaral pa ako sa Mapua, may professor ako sa Humanities, na bilib na bilib sa mga Indians. Pinag-aaralan naming noon ang tungkol sa Indian culture, at napag-aralan naming ang mga buhay ng ilan sa mga tanyag na tao ng India, si Rabin Dranath Tagore, Mahatma Ghandi, at iba pa. Sabi pa niya noon, na ang mga Indian ay mga peace lover, at anti-violence na mga tao.  Pinatunayan daw ito ni Ghandi, noong siya ay magprotesta nang nakahubad at nag-fasting ng ilang araw.

Ang mga Indian ay naniniwala sa maraming diyos. At kinatatakutan nila ang lahat ng mga ito, at nagbibigay galang sila rito. Isa pa sa mga kataingan ng mga Indian, ay and paniniwala nila sa Kharma. Kung ano ang ginawa mo sa kapwa mo, ganun din ang gagawin ng kapwa mo sa iyo. Kaya daw ang mga Indian ay tapat sa kanilang mga kapwa, dahil ayaw nila na sila ay niloloko.

Sa sarili kong karanaasan. Dalawang beses ko itong napatunayan. Nasa tindahan ako noon ng mga cellphone accessories, bumili ako ng load noon. Pag abot ko ng pera sa tindera, ang sabi niya, wala daw silang pamalit sa isang libo. So, namroblema ako kung saan magpapapalit. Nagkataon naman na nandoon ang isang Indian, isang Bombay.  Katatapos lang niyang maningil doon sa tindahan na kinaroroonan ko.

Paalis na siya nung sinabi niya na, may pamalit daw siya. Papalitan daw niya ang isang libo ko. Ako naman, medyo alangan, kasi di ko naman kilala ang tao, tapos ibang lahi pa.  Magkagayon man, inabot ko pa rin ang pera ko, dahil naalala ko ang turo ng prof. ko sa humanities.

Kumuha siya ng pera sa sa bulsa niya, tapos binilang at saka inabot sa akin. May kasamang babae ang Indian, siguro asawa niya. Minamadali na siya nito, pero hindi siya umalis, hanggang sa mabilang ko nang buo ang pera at malaman na eksakto ang inabot niya. Noong makumpirma ko na sakto ang inabot niya, siya pa ang nagtanong kung sakto ba. Noong sinabi ko na oo, saka siya umalis.

Maaaring wala lang itong pangyayaring ito, pero kung tutuusin, masusukat mo ang katapatan niya sa ginawa niya. Maaari naman siyang umalis agad pagkaabot ng pera. Pero hinintay niya munang sabihin kong tama ang bilang ng pera na inabot nya.

Sa isang pagkakataon naman, noong nasa jeep ako papasok sa school may nakasabay naman akong isang babaeng Indian. Nagbayad siya sa jeep, nag-abot siya ng P10, sinuklian siya ng driver ng P3.   Sobra. Ibinalik niya sa driver ang piso. Medyo nalugi ang driver doon, dahil P8.50 na ang pamasahe ngayon, lumalabas na P8 lang ang ibinayad niya. Magkagayon man, naroon ang katapatan ng Indian na iyon.

Maaaring mga maliliit na bagay lang ang mga nabanggit kong senaryo, pero malaking and nakapaloob sa mga kaugaliang ito. Hindi ko sinasabing hindi tapat ang mga Pilipino, pero iilan na lang kasi ang mga tapat ngayon. Sa karanasan ko, masasabi ko na, oo, may mga honest na mga Pilipino pa rin, dahil naranasan ko mawalan ng wallet, at naibalik sa akin ng mama. Nawalan ng 500, at naibalik ng isang sidecar boy. Sana, dumami pa ang mga tapat, sa halip na mabawasan.

author:  hiromi-paclipan

p.e./mj