Regrets   (Photo Credit:    Ordinarydreams-jill.blogspot)

Regrets (Photo Credit: Ordinarydreams-jill.blogspot)

Bakit ikaw pa ? Yan ang tanong ng kaibigan ko na kahit ako ay ‘di ko masagot. Sabi niya may mga panuntunin naman daw siya kong anong klasing tao ang dapat niyang mahalin. Pero bakit daw parang lahat ng yon ay kasalungat sa nararamdaman niya?

Ito ang kuwento niya. Siya yong tipong parang may sariling mundo at palangiti sa kahit kanino. Kahit nga yong nakita niya lang one minute ago.

Siya yong medyo pihikan pagdating sa lalaki. Napakadali niyang madiscourage. Kapag nakakilala siya ng guy at medyo fresh ang dating sa kanya. Medyo iwas agad siya kasi hindi niya type. Hindi naman siya kagandahan, 5 foot nga lang siya. Pero gusto lang talaga niya na kapag magkaroon siya ng unang boyfriend ay sigurado siyang mahal niya yon. Kasi para sa kanya bakit ba kailangan magka-boyfriend ang isang babae? Sa madaling salita medyo may pagka- perfectionist siya.

Mula nang nakilala niya yong guy, lahat nagbago na. Ang lahat ng ayaw niya kabaliktaran sa nakita niya sa lalaki na ‘yon. Ewan ko ba kong bakit nagustuhan niya yon. Di ko alam kong anong mayoron sa guy na yon at tagos na tagos ang tama sa kanya:)

Sabi niya sa akin, unang kita palang niya doon parang may iba na siyang naramdaman. Lalo daw nang nagtagpo ang mata nila; parang biglang tumigil ang mundo. Sino ba naman daw ang hindi maiinlab sa lalaking yon eh sobrang guwapo, ang bait sa kanya at pakiramdam daw niya pinoprotektahan siya.

Biruin mo naman kinantahan daw siya ng “Ordinary Song”, tapos ang ganda ng boses at ang mga mata parang lumiwanag nang husto na may kasamang ngiti:) . Kahit naman siguro ako noon kikiligin.  Sabi daw niya sa guy, bakit mo ba ako kinantahan hindi mo naman ako girlfriend.   Bakit hindi ka kumanta doon sa gf mo?

May taray pa daw niyang sabi.  Tingin lang daw sa kanya at ngumiti. Hindi alam ng lalaki sa mga kaunting bagay na ipinakita niya sa kaibigan ko ay palaki nang palaki naman ang naramdaman nito. Natakot siya kasi mayaman din yong guy at siya ay mahirap lang. Kaya hindi niya pinakita sa lalaki na gusto din niya yon.

Biruin n’yo pumunta yong guy sa store kung saan nagtrabaho ang gf ng naging kaibigan niya at sinabi niya doon na may iba daw gf yong bf niya. Nabigla ang kaibigan ko sa narinig niya. Bakit ginawa yon ng lalaki. Kaibigan lang talaga ang turing ng kaibigan ko sa isang guy at alam niya ba may gf niya ito.

Nagparamdam siya at medyo nagparinig kung papayag daw sana ako maging gf niya. Sabi ko, baliw ka ba may gf ka at sa isip ng kaibigan ‘ko, di niya type yong lalaki na yon.

Sabi niya akala daw niya ang gwapo lang ang babaero kahit pangit din pala tulad niya, mayoron din pala:) Take note: bakit ba ginawa ng lalaking gusto ng kaibigan ko? Wala naman siyang karapatang manghimasok sa buhay nila dahil hindi naman naging sila.

Isang araw tinanong siya ng pinsan ng guy kung sino ang crush niya. At dahil alam niyang close sila ng lalaki at sigurado siyang malaman ng lalaki na crush niya kapag sasabihin niya sa pinsan na gusto niya ito. Sinabi niya na iba ang crush niya at nakilala niya ito nang first year high school siya.

Nasaktan siya , pero ayaw niyang malaman yon ng guy kasi baka paglaruan lang siya or baka pagtawanan lang siya. Dahil sino ba naman siya para mahalin ng katulad ng lalaking yon na halos na yata lahat nasa kanya na.

Mula noon madami na siyang narinig na may gf na yong guy at nagbibisyo na rin. Di naman niya alam kung toto lahat ng narinig niya.Pero syempre, nasaktan siya. Pero sino ba siya para masaktan? Anong karapatan niyang masaktan? Kaya lumayo siya at sinikap na kalimutan at ibaon sa limot ang lahat. Umiiyak syia sa gabi na walang sinumang nakakalam na umiyak siya minsang mag isa.

Lumipas ang ilang taon at nagkita sila ulit. Akala niya ay nakalimutan na niya kaya nagkaroon siya ng unang bf at dahil na rin magkakilala sila ng mother ng lalaki kaya ayun, pumunta siya sa bahay nila. Hindi niya alam na nandoon siya.

Hindi niya alam kung anong mikrobyong dumalo sa katawan niya at kinabahan siya. Kahit ang layo pa nila sa bahay ng lalaki. Palala pa ito nang palala nang nakita niya na nandoon siya sa bahay ng parents niya. Di niya alam ang gagawin at dahil na rin nasa bahay nga nila, nakipag-shake hands na rin siya sa lalaki. Yon ang unang shakehands nila. Parang may kung ano daw kaba ang naramdaman niya .Pero hindi siya nagpahalata, syempre, kwentuhan at uong anu-ano pa.

Umalis sila sa bahay na yon kasama ang bf niya at nanumbalik na naman ang naramdaman niya para sa guy na yon.

Hanggang ngayon mahal parin daw nyia ang lalaking yon at kahit anong sikap niyang ibaon sa limot kung anuman ang naramdaman niya doon. Hindi niya maiwaglit. Sabi pa nga, minsan daw napapanaginipan pa rin niya ang guy.

Minsan umiiyak siya at sabi niya sa akin, bakit ganoon, napaka unfair naman yata. Ang tagal nang nangyari iyon bakit hanggang ngayon andito pa rin sya sa puso’t isipan ko? Bakit siya pa ang tinibok ng pihikan kong puso? Alam niyang pareho na silang may pamilya at kahit kailan hindi daw niya pinangarap na guluhin ang buhay nila kasi alam niyang masaya na ang lalaki at kompleto na ang buhay nito.

Ang gusto lang niya na sana darating ang araw na mawala nai rin ang naramdaman niya sa lalaki na minsan ay minahal niya nang sobra. At para sa lalaki na minahal nang sobra ng kaibigan ko, di ‘ko alam kung alam mo na mahal ka niya. Sabi ng kaibigan ko, masaya na siya na makita kang masaya.

Kaya sa mga bata pa na  nagmahal at nasaktan, ok lang yon . At least, nalaman niyo na marunong pala kayong magmahal. At kung wala pa kayong parehong sabit, iparamdam n’yo sa isa’t isa ang pagmamahal, kasi minsan lang darating ang pag-ibig na wagas. Kapag ito’y palalampasin n’yo. Baka hindi n’yo na maramdaman ito ulit. Maraming klasing pag-ibig na darating sa buhay natin. Pero ang wagas at tunay na pag ibig ay nag-iisa. Walang sinumang nakakaalam kung saan at kailan ito darating. Magigising ka na lang na iyun pala ‘yon. Kung alam ko lang sana.

author:  charing

p.e./mj

Enhanced by Zemanta