Provinces and regions of the Philippines

Provinces and regions of the Philippines (Photo credit: Wikipedia)

Para sa mga kababayang kong OFW o kahit sa sariling kababayan na nasa loob ng bansa na nahihiya sa pagiging Filipino nila. isa lang po masasabi ko sa inyo.  nakakahiya ka, tanga.

 Nagsimula ito dahil sa isang blog tungkol sa isang kano na nabuwisit sa pilipinas dahil siya ang gumagastos sa pamilya ng napangasawa niyang Cebuana, laging hinuhuthutan ng pera daw ng mga nagpapaliga sa basketbol sa barangay na tinitirahan niya atbp. pero mas nakatawag ng pansin sa akin yung comment galing kay juandelacruz.

Nagsorry siya sa comment niya. In behalf of all filipinos daw. kasi ang mga Filipino daw o ang mga tao sa Pilipinas daw eh, walang modo, walang pinag-aralan, kulang sa respeto sa sarili, dahil sa kakulangan sa edukasyon, kurapsyon, at kung anu-anong “syon” na puwede mong mailagay diyan. Sobrang sorry daw sabi niya.

 Nakakatawa lang isipin na mismong galing sa isang pinoy ang mga katagang yan.

OO, tama na magsorry ka sa isang dayuhan na nanirahan dito na nagkaroon ng hindi magandang karanasan. Ugaling pinoy ang maging maalaga sa bisita at isang kalapastanganan sa “Filipino Hospitality” ang nangyari sa kanya PERO..hu.wag na huwag mong ibababa ang sarili mong bansa dahil hindi lahat ng Filipino mangmang.  Huwag na huwag mo kaming igagaya sa tulad mo na tinanggal ang tatlong bituin at isang araw para lang madamitan ng banyagang bandila.  OO, nangarap akong pumunta sa ibang bansa, pero para maging dayuhan. at kahit makapunta man ako, hinding hindi ko sasabihin na sorry kasi Filipino ako. Bakit ako magsosorry? Anong kasalanan ko? Masama ba ang maging Filipino?  Ano ako, gago?!

 Marami na akong nakausap na ganyan online. Kesyo pathetic daw ang bansa, kesyo ang babaho daw, kesyo ganito at ganyan… tangna, nakatapak lang sa ibang bansa, nakaranas lang ng “the american dream“,  “land of the rising sun” o “Italian spaghetti” at kung ano-ano pang bansa eh kalilimutan na isa siya sa mga Perlas ng Silangan?

Kung ikahihiya mo kami, mabuti pang ikaw na lang. Hiyain mo sarili mo. Huwag mo kami idamay.  Hindi namin kailangan ng isang katulad mo na kayang ibaba ang sarili niyang bansa para lang matuwa sa kanya ang mga dayuhan.   Mas maayos ang mga tao diyan, sabi n’yo. Pero huwag na huwag n’yong ikukumpara na mas maganda ang bansa nila sa bansa ko.  Sino kaba? Malamang minura at tinadyakan ka na ni ka-Andres.   Parang wala kang pinagkatandaan.

OO, talamak  ang korapsyon, prostitusyon, kahirapan at kung ano-ano pang negative na nandiyan, pero hindi yan dahilan kung bakit kailangan kong magpalit ng aking tatak.   Bakit only in the Philippines lang ba ‘yan? Hindi naman ah. HOY!  Hindi lang sa Pilipinas may korapsyon, prostitusyon, at kahirapan! g–o ka ba? Sinong tanga ang mag-iisip na only in the Philippines ang mga buwayang politiko at snatchers?

Tandaan mo pag sinimulan mong ibaba ang sarili mo bilang isang Filipino. kalimutan mo na na may nanay ka pang uuwian. dahil ang lupaing to, hindi kailangan ng mga panggap na anak niya. Ang kakapal ng mukha. Hindi ako nabuhay noong panahon na sagana ang Pilipinas sa ekonomiya, pero hindi nawala ang ganda niya. At pag maganda na ang estado ng Pilipinas, huwag na huwag kayong babalik.

 Ikaw, kung tinamaan ka man sa sinabi ko, mahiya ka, parang kang loser sa grade school.  Nakikipag-usap sa iyo ang isang kabataang Filipino na nagbibigay ng oras, panahon at idea niya para sa bansa niya.

Bakit, ano nagawa mo?

author:  astralshift

p.e./mj

Enhanced by Zemanta