Ex-boyfriend  (Photo credit:     Ehow)

Ex-boyfriend (Photo credit: Ehow)

April 30, 2012… I logged in on my Facebook account and saw a photo of my ex and his family when they went out on a trip…with a not so familiar girl leaning beside him. Ok. Maybe she’s a cousin that I haven’t met..or just a family friend (duh!), eh ano bang problema mo kung may kasama sila mag out-of -town???

Suddenly I felt sad, cause I used to be with his family in almost all of the occasions that they’re celebrating, and now…

When we (my ex) decided to end the relationship, it’s not only him that I missed.  I miss his family…they’re just so wonderful and nice to me. They we’re like my second family and they witnessed every laughter and trials that me and my ex have been through. I love his mom, his lola and especially his sister. Kahit nga na nagkaroon na rin ako ng BF noon at naging ex-bf na ulit, they’re still there for me…they still consider me as part of their family…that’s why I felt sad that he tagged along his new girl on their vacation .

Pero kailangan ko ng confirmation, kaya hindi ko mapigilang magtanong, and BOOM….confirmed! Lahat ng tanong ko kung sino siya?  Bakit siya kasama? GF n’ya ba talaga yon?…nasagot na nang sabihin sa akin na “GF nga yon ni kuya!”….sa di ko malamang dahilan parang bumalik yong lungkot na naramdaman ko nang maghiwalay kami.

Don’t get me wrong, I have no feelings for him anymore.  I am happy for him that finally, he found the girl who can make him happy. Siguro nalulungkot lang ako, dahil posibleng mabawasan na yung closeness namin ng family niya, lalo na yung mom niya, ng lola niya at sister niya. Iniisip ko pa lang, nalulungkot na ako, iba kasi yung closeness ko sa kanila. Na pati yung naging BF ko dati, hindi niya maintindihan bakit malapit pa rin ako sa family ng unang ex bf ko.

Tama pa ba na, patuloy akong maging malapit sa kanila? ‘Di ko alam kung matutuwa ba ako na sabihin sa akin na walang binatbat ‘yung new gf ng ex ko sa akin. Ako pa rin ang gusto nila at napamahal na ako sa kanila. Ayokong magmukhang “epal” na parang umeeksena pa rin sa buhay ng pamilya niya, pero ayoko naman na tuluyan ko na silang kalimutan.  Ex ko lang naman ang hiniwalayan ko, hindi buong pamilya niya. Pero tama ba?

Kung ako yung lulugar sa posisyon ng new GF niya, nakalulungkot din na malaman na yung family ng bf ko ay malapit pa rin sa ex niya. Pero unfair din naman siguro kung dedeadmahin ko sila….haaaaay.

Mahirap ipaliwanag at ipaintindi sa bawat taong involved yong kasalukuyang sitwasyon. Sa ngayon, wala akong lovelife at lahat ng naging ex ko ay may kani-kaniyang relasyon na at masaya na.

Yung iba siguro sinasabi ang bitter ko lang, but I know in my heart that he was just a part of me, and I already moved on. But I cannot deny the fact that I will not forget the people who accepted me and loved me and treated me as their daughter, apo and ate.

And if the right time comes, and finally I’ll have a new love life, I  wish that I will have this kind of relationship with his family and everyone that he loves. And my wish to my ex’s new gf…. that she will love and respect them as much as I do.

author:  KatnisSEverGREEN

p.e./mj