Open-mouthed   (Photo credit:     Wellsphere)

Open-mouthed (Photo credit: Wellsphere)

Ayan na si Tomb Raider, papasok na!  ay, teka bakit hinarang ng mga pulis pangkalawakan?

Utos raw ni Amang Hari.   Ganun? E paAno na ‘yan?

Bakit ang daming nakanganga, gutom ba sila? Ikaw, ‘te, gutom ka ba?

Ah… eh… kasi di ko alam ang nangyayari, bakit ba siya ayaw papasukin sa Camp Big Falcon?

May dala naman siyang pagkain, ‘di ba maraming nagugutom dito?

Ikaw kasi, palibhasa, wala kang pakialam, pasok ka lang nANg pasok, basta may five stars ka lang, okay na sa ’yo. Siguro tumatagay ka rin.

Sila raw ang Voltron, defenders of the universe! Defender daw o?

Nasa kanila raw ang pag-asa, ang baliko ay gagawing okilab. Itutuwid daw nila ang mga pagkakamali, e wala namang pagkakamali eh, pagkukulang ang marami.

Sila raw ang makabagong Superheroes, daig pa ang X-Men. Panay ang ronda, akala mo mga tanod sa barangay na naghahanap ng mga adik sa lungga. Masabi lang na may ginagawa, Sige shot pa sa may gilid.

Kawawa naman ang mga nagugutom at uhaw sa tunay na papel at lapis.

“When you teach, use your heart, not your mouth…”

Apektado na nga ba ang lahat?

Siguro… Ganun pala! Eh bakit nakanganga ka lang? Kulang na lang ay pasukan ka ng sandosenang bangaw.

Ang daming sabi-sabi parang ermitanyo, pero wala namang aksyon.

O, ano, nakanganga ka pa rin ba, sige ayan na ang batch two ng sandosenang bangaw.

Sino nga ba ang tunay na nagugutom, tayo nga ba? O, sila?

Ang daming nakanganga. Meron sa jeep, sa forest, sa classroom, pero karamihan ay nasa baba na pilit inaakyat ang sarili, tipong ako ang hari sa mundong ito ang drama.

Sila nga ba ang tunay na nakanganga, gutom sa kapangyarihan, mga magaling daw mag-manage ng lahat ng bagay, sila na raw ang bahala sa lahat. Isusubo na lang sa ’yo.

Hindi naman natin kailangan ng manager, leader ang importante, ‘yung tipong who will lead by good example.

‘Yung hindi na kailangan pang ipagsigawan na sambahin n’yo ako. Hindi nabibili ang respeto kahit singkapal pa ng buhok mo ang mukha mo.

Ang mga Voltron nga ba ang tunay na gutom, nakanganga magdamag makalanghap lang ng pansariling ginhawa.

Di bale, balang araw, kahit gawa sa bakal ay titikom din dahil hindi lahat ng bakal ay lumulutang sa tubig.

Ikaw, ano pang hinihintay mo? Parating na si Tomb Raider, nganganga ka lang ba? Ilabas mo na.

“One action is not enough, but all actions would be more than enough”

“Too much governance is not healthy”

“Management is doing things right; leadership is doing the right things”

“A great leader’s courage to fulfill his vision comes from passion, not by position”

“The best executive is the one who has sense enough to pick good men to do what he wants done, and self-restraint to keep from meddling with them while they do it”

“AUTHORITARIAN LEADERSHIP is a style in which the leader dictates policies and procedures, decides what goals are to be achieved, and directs and controls all activities without any meaningful participation by the subordinates”

author:   Ompong Dilat

p.e./mj