Ako po si PerciAko si Percival Trimillos del Mundo, “Percy” for short, 17, mula sa Taal, Batangas.  Ipinanganak ako noong March 25, 1995. Ang mga magulang ko ay sina Ruperto del Mundo Sr. at Julieta del Mundo. Tatlo kaming magkakapatid. Ako na lang ang single. Haha. Ako na lang din ang nag-aaral.

Nagtapos ako ng Elementarya sa R. Venturanza Central school sa Lemery, Batangas at noong Sekondarya naman ay sa Taal National High School sa Taal, Batangas.   Kasalukuyan akong nag-aaral sa Sta. Teresa College sa Bauan, Batangas.  Second year sa kursong Bachelor of Science in Information Technology at hopefully ay  matapos ko ito.

Marami akong pangarap sa buhay e. Kung pangarap lang ang pag-uusapan ay bidang-bida na ko diyan. One of my best dreams ay ang maging breadwinner ng family ko. Ako na ang magpapaaral sa mga pamangkin ko kapag may magandang trabaho na ko at kapag dumating na sila sa kolehiyo. I thank God kasi napasama ako sa Philberth Scholarship na pinangungunahan ng mga madre dito sa Taal.

Kasi kung kailan pa nagcollege na ako, saka nawalan ng trabaho ang papa ko. Nakalulungkot mang isipin pero kailangan kong pagtiyagaan ito. Isa pang problema ko ay ang problema ko sa kamay.  Hanggang ngayon ‘di ko pa alam ang sakit ko. I’m still hoping na maaalis din ito. Masayahin akong tao kaya minsan, hindi mo mahahalata na may problema ako.   Bagama’t nasasaktan din, hindi ko na lang pinapahalata. SMILE lang! Pero sometimes there’s something wrong behind those smiles. Drama ko nu? Well, ganoon talaga.

Minsan nga may pagka-ambisyoso din ako. Friendly din ako. Gusto ko talagang ipakita kung sino talaga ako. Ayokong magpakaplastik. May pagkawar freak din ako e. Minsan nadadala din ako ng first Impression. Sabi nga ng Professor ko, huwag na huwag kayong maniniwala sa first impression kasi doon unang nagkakamali ang isang tao. Minsan akala mo ganun siya, tapos malalaman mo pag nakilala mo na nang lubos, nagkamali ka pala. That’s the reality of life.

Well, This is just Perci, Coz I’m not perfect, I’m just a freak, At least I’m not fake.

author:  Perci

p.e./mj

Enhanced by Zemanta