Singlehood   (Photo Credit:    Femalenetwork)

Singlehood (Photo Credit: Femalenetwork)

Ang life para ring love noh? So playful and unpredictable at the same time. You have no other choice naman kundi sumunod sa agos ng buhay. But what if you’re tired and sick of everything? That life is full of changes, surprises and nothing will become permanent.

Even in love, there is no security. Love fades away eventually. Parang ayoko nang magmahal dahil darating naman yung araw na puwedeng mabago rin ito. But ironically, people still want to love and be loved despite the fact that this can also cause them pain. So much pain… I have been through a lot of pain because of love pero matigas ang ulo ko eh, I still wanna spread love and be loved in return even though I know that I might get hurt again.

Ang sarap naman kasing magmahal. Yung may nilalambing ka, may nayayakap ka, may naaasar ka,  napapatawa ka, at napapasaya ka.  Ang sarap naman kasing ibalik yung feelings na ganoon. Yun tawanan lang kayo kahit wala namang pinagtatawanan, may LQ kayo over a simple matter tapos magbabatian. Yung may spark! Yung may kilig factor. Parang high school effect lang pero a mature one at may direction kumbaga. Yung sa umaga may matatanggap kang text message, kahit simpleng “good morning” lang pero parang buong-buo na ang araw mo tapos ‘di na matatanggal yung ngiti sa mukha mo. Parang nakadikit na siya at ‘di na kaya pang tanggalin ng kung sinumang mang-eepal sa ‘yo sa araw na yun.

Ang sarap mangarap, sana ‘di na lang ako magising. I just wanna feel the spark again kasi mukhang 45 years na ang nakararaan magbuhat nung last na nafeel ko yun. Nakakamiss. Pero mailap ang pagkakataon para sa akin. Hindi naman ako pangit. Ginawa ko na lahat ng estilo sa buhay pero wala paring epekto. ‘Di pa naman ako desperado. Siguro at this moment, malungkot lang talaga ako. Na nagagawa kong isipin ang mga ganitong bagay. Wala kasing masyadong nagpapasaya sa akin kundi sarili ko lamang. Yung gusto mo ayaw sa ‘yo, yung ayaw mo yun naman yung may gusto sa ‘yo.

Siguro nga ‘di ko pa talaga siya natatangpuan at ‘di pa rin niya ako natatagpuan. Naglalaro pa siguro kami ng Hide and Seek. Sana pag na-boom ko na siya, magpataya din siya. Para habulin din niya ako. Siyempre magpapahabol din ang lola mo, malandi ako eh. Ang bagal naman kasi ni kupido eh o kaya siguro pinagti-tripan lang niya ako. Sabi nila, patience is a virtue. Oo nga naman, true love is worth waiting for. Eh paano kung hindi naman talaga darating si true love? Eh di nasayang ang paghihintay mo. Kaya sayang ang effort maghintay.

The bottom line is do not wait; let things happen around your palm and it is up to you if you’re gonna hold on or let go. Puwede! Oo nga naman…Wag na lang maghintay; hayaan mo na lang na kusang dumating athu wag na lang mag-expect nang bonggang-bongga. Para kung dumating man, bonus na lang yun. May “UY!” factor, hindi “haaay..”

Kaya para sa mga single diyan na katulad ko, don’t lose hope…nandito pa ako…tulad n’yo.

author:  xtin1027

p.e./mj

Enhanced by Zemanta