Bleeding Heart     (Photo credit:     Glittersdream)

Bleeding Heart (Photo credit: Glittersdream)

“Why do I always take a fall when I fall in love?” ‘Ika nga ng isa sa paborito kong mga kanta.

Ano ba talaga ang nagiging dahilan ng paghihiwalay ng isang magkarelasyon? Maraming dahilan. Walang eksaktong pamantayan pagdating sa pag-ibig. Pero ito ang madalas nating marinig. “Wag na kasi maging mahilig sa mga guwapo kasi parang magnet ang mga yan. Maraming didikit. Parang kumuha ka lang ng batong ipupukpok sa ulo mo.”

Pero come to think of it, mas masahol kung pangit na nga, ipinagpalit ka pa sa iba. So, ano ba talaga? Ang mabait, hindi palaging mabait, kadalasan sa umpisa lang yan.

Bakit maraming Transformers? Yung biglang magbabago? That’s reality folks. That’s among the many changes in people’s lives. Remember, the only constant thing in this life is change, so we should be open- minded and not get stuck in our romantic illusions.

Dapat huwag masyadong magmadali na maging boyfriend at girlfriend, kilalanin muna ang isat-isa. Pero gusto kasi ng mga tao na umpisahan na right here, right now kasi ‘di matiis ang kilig at pagkakataon na magkasama. Kung baga, instant gratification muna tsaka na problemahin yan. Pero kung iisipin natin, nasa huli palagi ang pagsisisi.

Mahirap kaya makipag-break, mag-iisip pa ng dahilan at madalas mahirap tanggapin.  Kaplastikan yata ang makipag-break nang matiwasay unless may gusto ka na ring iba. Yung tipo bang, sisigaw ka ng “Yes,  magiging malaya na ako! Buti na lang sa kanya nanggaling at hindi sa akin!” Pero kadalasan naiiwan tayong mag-isa. Kaya dapat maging handa rin tayo sa magiging kahihinatnan. Oo, kantahin natin ang kanta na “I will survive!” at sumayaw! Celebrate your freedom. Di naman agad-agad,  pero wag mong isipin na katapusan na ng mundo mo.

Uso pa ba ang martyr? Saan na napunta yung mag-iwan ng something para sa sarili? Everyone needs to love and be loved. Love is a two way street. ‘Di lang yung love nang love, tapos hindi naman pala mahal nung isa. Matitiis mo ba na balewalain ng taong mahal mo? Siyempre hindi, so tanggapin na lang ang realidad na, “We win some, we lose some, it cuts like a knife.”  Accept it and move on.

Huwag nang umasa sa wala. Bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo na makahanap ng iba, pero bigyan mo rin ng panahon ang sarili mo na mag-heal. Mahirap naman pumasok sa isang rebound relationship. Kasi magiging vicious cycle lang yan. Magiging masaya ka nga pansamantala pero ang ending, magdurugo uli ang puso mo. Be fair to yourself at ipahinga muna ang puso mo.

Mas maganda na ibaling mo na lang ang atensyon mo sa ibang bagay. Sa pag-aaral, sa trabaho, sa mga ibang bagay na makakapag-papasaya sa iyo na hindi ka mangangamba na masasaktan ka ulit. If you feel alone, pumunta ka sa bookstore at humanap ng mga libro na makakapaglibang sa ‘yo. Mga mystery and action novels na lang, ‘wag na lang romance.

Kung fresh pa ang heartache mo, mahirap naman ma-torture. Manood ng mga feel good movies about being free and single, but happy. Girl power kung baga. Re-invent yourself, go to the parlor, have a new hairstyle, a new hair color. Take up a new hobby, do productive things that will make your mind busy. At higit sa lahat, matuto tayong magdasal, we need spiritual enlightenment sa Maykapal. We can truly find peace if we talk to God deeply and immerse ourselves in prayer. We should seek enlightenment from God.

Kailangan din nating gamitin, hindi lang ang puso natin sa ating mga desisyon, kung hindi pati rin ang utak natin, lalo na sa larangan ng pag-ibig.  May kasabihan nga na, “The brain gives the heart its sight. The heart gives the brain its vision.” Be’ open to the possibility of loving again. Love might find you during the time when you least expect it. And when you do, you can say, “I’m wiser now and  I’m not afraid to love again!”

author:  marieands

p.e./mj