Bastard Child   (Photo credit:     Flataffectnoise)

Bastard Child (Photo credit: Flataffectnoise)

Hindi ko kaasalanan na tawagin akong ganito, kutyain ng mga kababata kung sino ang tunay kong ama? Ako ang naging bunga ng minsang pag-iibigan nina Ina at Ama na di ko kilala! Dahil sa labis nilang pagmamahalan nadala sila sa kapusukan at nakalimutan na bawal pala ang kanilang pagmamahalan, pero huli na; ako’y isa ng tao! Patago daw sila minsan sa kanilang pag-iibigan dahil pamilyado pala si Ama ayun sa kuwento ni Lola.

Isinilang ako tawag sa akin ay BASTARDO; kulang sa pagmamahal ng isang ama. Hanap ko ang yakap ng isang Tatay na nais kong madama ang matipuno niyang bisig sana! Nakita ko ang aking kaibigang si Totoy hawak-kamay sa kanyang Tatay. Hindi ko ipagkakaila na nakadama ako ng awa sa aking sarili at inggit dahil may ama siyang maituturing.

“INA! AMA KO AY NASAAN?” pero bingi yata si Nanay at tanong ko’y binalewala.

“NALUNOD SA SABAW SA MANGKOK, HUWAG MO NANG HANAPIN PA!” mga katagang ‘di ko makalilimutan at nakatatak sa mura kong isipan.

Ngayon ako ay nasa tamang edad na ako a labis na akong naliwanagan ukol sa lahat ng kasagutan.  “BAKIT KAILANGAN PA NG IBANG KANDUNGAN?”, “ANO BA ANG KULANG SA TAONG HINARAP MO SA ALTAR AT PINAKASALAN?” Ako’y bastardo lumaki na walang kalinga ng isang ama “ANO KAYA ANG KANYANG HITSURA? SA KANYA KAYA AKO NAGMANA?”.

Bakit kaming anak sa labas ang naghirap sa ginawa ninyong kamalian? Di man lang inisip ang aming kapakanan; basta nakaraos, basta na lang kaming iiwan, hindi man kami ang legal dahil kayo ay may original at apelyido mo ang kanilang dala, pero anak ninyo pa rin kami kahit pa dahil sa isang bawal na relasyon nga lang!

Ako’y umibig at dito ko naintindihan ang kuwento ni Lola at ang kahibangan ni Ina dahil katulad niya ako ay umibig din sa may ASAWA! Pero tinuwid ko ang isang kamalian kahit ako’y labis na nasaktan dahil aking naisip, “paano kung magbunga ang isang kapusukan at ang anak ko ay maging katulad ko!?”

May tamang pag-ibig pa naman sa tamang panahon at ito ay hihintayin; ko ayaw kong makasira ng isang pamilya at dahil ayaw ko rin na maranasan na pagtawanan ang aking anak  at kutyain,  “ANAK SA BIAK NA KAWAYAN!”.

Salamat sa isang kamalian ninyo at ako’y naging isang tao at mag-aalaga sa pagtanda mo, ang anak mong BASTARDO!

author:  jovelyn

p.e./mj