True Love (Photo credit: Sistersofthesun)

True Love (Photo credit: Sistersofthesun)

Hindi naman siya gwapo, hindi rin siya macho, matalino oo pero hindi naman ganoon katalino.

Nakikita ko na siya 1st year hayskul pa lang kami magkatabing room kasi kami tapos nung 2nd year, ayun naging klasmeyt kami. Star section sana siya noon kaso ayaw niya, pinagsiksikan niya sarili niya sa section namin kahit walang chair para sa kanya kasi ayaw daw niya ng pressure sa section 1 hahaha.

Napakasimple niyang lalake, halata sa kanya na my breeding, maayos gumalaw, maayos magsalita, malumanay pero hindi naman siya vain, matalino pero hindi active sa room, pasimple lang siyang nakaupo at nakikinig sa teacher. Hindi siya “likeable”, hindi ko nga siya nagustuhan noon una eh.

Naging seatmates kami, naging groupmates pati cheatmate pa nga eh hihihh in short naging close kami, naging magkaibigan. Hindi siya ganoon ka- friendly sa babae kaya masaya ako na sa katagalan bestfriend na ang turing niya sa akin. Ang bait niya, ang bait niya talaga. Para sa akin isa siyang perpektong ehemplo ng pagiging lalake.  Lahat ng hinahanap ko nasa kanya, sobra pa nga eh.

Nahulog ang loob ko sa kanya at siya rin naman sa akin. Hindi naman naging kami ngunit ramdam na ramdam ko napaka-espesyal ko sa kanya at masaya ako doon. Kakaiba yung feeling, palibhasa siya ang first love ko :D

Dumaan ang mga taon hanggang grumaduate kami sa hayskul. Hindi na kami madalas magkita ngunit halos minu-minuto naman kaming magkatext (salamat sa unlitxt hehehe) at magkatawagan (salamat sa drop call na libre noon :D ). Kahit magkalayo na kami, masaya pa din ako sa trato niya sa akin, hindi siya nagkulang sa pagpaparamdam na espesyal ako sa kanya kaya naman kahit hindi kami, nanatiling sa kanya pa din ang atensyon ko. Tawa dito, kulitan doon, minsan may drama din naman, pero minsan lang kaya masaya kung ano man kami. Walang pressure. Gagraduate na ako ng college.

Yeheeeeeyyyy!!! Puwede na akong magkaboyfriend, ayun sa wakas, naging kami na :) Nalagpasan ko yata ang ikapitong langit (kung meron man nun) sa sobrang saya ko!! Katabi ko na siya, hawak ko ang kamay niya nang mahigpit ngunit mas mahigpit pa ang hawak niya.  Kakaiba! Ang saya sobra!

Ngunit kagaya ng ibang relasyon hindi naging madali dahil malayo siya, may mga problemang dumating (wala namang 3rd party) hanggang sa hindi na kinaya at mas minabuti naming tapusin muna ang relasyon at manatiling magkaibigan. Naging magkaibigan pa din naman kami kagaya noong dati pa :)

Masaya na ako dun kasi hindi naman siya nawala. ang importante nasa buhay ko pa din siya at kahit paano may halaga pa ako sa kanya. Nagdaan ang mga taon, kanya-kanya na kami ng buhay. Busy na kami sa mga career namin. Siya ay nagpapakadalubhasa sa pagiging inhinyero at ako natural sa pagiging Nars ang pangingibang bayan. Mas malayo na ngayon. Mas mahirap na ang komunikasyon. Buti na lang uso noon ang Friendster, MySpace at YM at salamat sa roaming ko kahit paano nakakapagusap kami araw araw. Madalas, medyo madalas, paminsan-minsan hanggang sa tuluyan nang nawala ang komunikasyon namin. Ang huling salita niya saakin “mahal kita, alam mo yan sana kahit yan lang hawakan mo at paniwalaan mo” :) Ang sarap damhin di ba?

Makalipas ang ilang buwan, nakita ko may post siyang pangalan ng babae sa YM niya :) Sabi ko na lang “ahh wala na” sabay ngiti na lang. Hindi ko siya masisi kung maghanap siya ng iba, ay mali!   Hindi naman pala kami kaya wala akong right angkinin siya. Yun lang kasi ang pinaramdam niya sa akin na kahit ganoon, mas higit sa espesyal na kaibigan ang turing niya sa akin. Tama siya diyan, alam ko at ramdam ko naman. Siguro hindi lang talaga kami ang iginuhit ng tadhana na magsama habangbuhay.

Napakatagal na panahon na siya lang ang laman ng puso ko. Magkaboyfriend man ako ngunit sa huli sa kanya pa din ako nananabik.  Totoo nga siguro yung kasabihang “first love never dies” kasi hanggang ngayon siya pa din :) Masaya naman ako sa buhay ko ngayon at alam ko, siya din ay masaya na. Hindi ako bitter kahit my girlfriend na siya ngayon. Hindi naman niya ako sinaktan, ako lang kasi ang umasa na kami hanggang huli :) Wala naman akong hindi magandang memory sa kanya, lahat worth keeping and worth remembering.

Napakaswerte ng girlfriend niya dahil hawak niya ang isang pangarap ko na sa tingin ko hindi na magiging akin. Mukhang ok naman ung girl, maayos at mabait naman kaya masaya na ako na naalagaan siya nang mabuti.

Masaya ako na si panget ang first love ko dahil diyan mas naging maayos ang tingin ko sa mga lalake. Natuto akong magmahal nang tama,  hindi makasarili at mapagparaya :) Wala na akong mahahanap na kagaya niya. Napakalucky talaga ng girlfriend niya, sana alagaan siya kagaya ng gustong kong pag aalaga sa kanya.

“Panget, hindi man maging tayo sana payagan tayo ng tadhana na muling mag krus ang landas natin at sana sa pagkakataong yan maalala mo pa kung sino si “ngetpa” sa buhay mo :”

author:  iamfrozenfire

p.e./mj