NOTE: THIS ENTRY WAS ORIGINALLY POSTED ON JANUARY 30, 2010

Tuwing Thursday, isa sa mga inaabangan ko sa TV ay ang “WWE’s Raw” sa MBC Action Channel. Buti nalang at may “quality entertainment” pang nasasagap ang satellite dish namin dito sa Saudi. At least, hindi puro punyetang lecheseryes tulad ng “Tinik sa Dibdib” at “Kaya Kong Abutin ang Langit” ang kinakain ng utak ko!

Monday talaga ang airing ng “Raw” sa Tate pero okay na rin dahil mga two weeks lang ang delay dito. Last week, touching ang pagiging guest host ng idol kong si Bret “The Hitman” Hart. Twelve years after the “Montreal Screwjob”, nagkaayos na rin sa wakas sila ni Shawn Michaels. Astig ‘yung nagkamayan na sila to bury the hatchet. Tapos nagyakapan pa kaya nagsigawan lalo ang crowd. Aaaww!!

Okay na sana ang lahat pero napakapangit ng ending ng episode. Nagkaroon din kasi sila Bret at Mr. McMahon ng confrontation. Nagkabati rin sila. Nag-shake ng hand. Tapos natraydor lang si idol dahil pakulo lang ng owner ‘yung pakikipagbati niya kay Hitman. Natapos ‘yung palabas na na “lowblow” ang dating champion. Paksyet.

Late eighties pa lang, fan na kami ng utol kong si Pot ng WWF – World Wrestling Federation (naging WWE o World Wrestling Entertainment after matalo sa case filed by World Wide Fund for Nature). Ito nga ang sinisisi naming dahilan kung bakit ako nagkaranas ng appendicitis noong nasa grade five ako. Naglalaro kasi kami ng utol ko ng wrestling sa kama nila erpats kahit na kakatapos pa lang kumain. Akala ko kasi ay ‘yung pagkain lang ng gulay na mabuto ang dahilan para pumutok ang appendix kaya hindi ako naniwala!

Noong nasa Pampanga pa ang mga Kano, nakakabasa ako ng TV sked ng cable TV network sa Clark. At inggit na inggit ako dahil may daily timeslot ng WWF Superstars na napapanood lang namin sa IBC Channel 13 once a week. Mahilig rin ang tatay namin sa wrestling. Siya pa nga ang nagbibigay sa amin ng pera para makaarkila ng bala ng Betamax copy ng laban ng mga “oldies” tulad nila Hulk Hogan, Andre the Giant, Randy “Macho Man” Savage, Ultimate Warrior, Jake “The Snake” Roberts, Brutus “The Barber Beefcake”, Ricky “The Dragon” Steamboat, Jesse Ventura, at Roddy Piper. Ito ang era na uso ang mga managers tulad nila Jimmy Hart, Mr. Fuji at Sensational Sherri.

Pagpasok ng Dekada NoBenta, nag-iba ang storyline ng WWF. Dito na pumasok ang mga tinawag na “The New WWF Generation” – featuring Shawn Michaels, Diesel, Razor Ramon, Bret Hart, and The Undertaker. ‘Yung mga medyo tumatanda na sa industry, nagsilipat sa WCW o World Championship Wrestling na kalaban ng WWF sa ratings. Mas gusto kasi ni Vince McMahon na maging young and fresh ang wretlers niya.

Dito na nagkaroon ng competiton ang WWF at WCW ala ABS-CBN versus GMA7. Mas tumataas talaga ang rating ng WCW kaya lumilipat ‘yung ibang taga-WWF sa kabila. Mas malaki daw ang talent fee doon. Yung iba naman sa WCW na hindi masyadong sikat, bumaligtad naman papuntang WWF. Ang nakakatuwa, ‘yung mga underdogs sa WCW tulad nila Steve “Stone Cold” Austin at Mick “Mankind” Foley (Cactus Jack, Dude Love) ang magpapasikat sa WWF in the future.

Paborito ko sa era na ito si Undertaker. Astig ang pangalan, nakakatakot (huwag mo nga lang tatagalugin kasi walang dating ang “sepulturero”)! Parang sa kanya naka-dedicate ng kantang “For Whom the Bell Tolls” ng Metallica. Kahit na muntikan na niyang mapatay si Ultimate Warrior dati, naging personal favorite ko siya.

Siyempre, si Shawn “The Heartbreak Kid” Michaels ay isa rin sa mga personal favorites ko. Kahit noong nasa “Rockers” (na hindi naman talaga rakista )pa sila ni Marty Jannetty, paborito ko na ang tag team nila next to “Demolition”.

Asar na asar ako dati sa Hart Foundation dahil kay Jimmy Hart, ang manager na may megaphone. Noong nagsolo na si Bret Hart, naging crowd favorite siya. Pangarap ko dati magkaroon ng shades na binibigay niya sa matitipuhan niyang batang audience kapag may laban siya. Atsaka, pink has never been so macho simula nang sumikat siya as a WWF Champion. Bukod sa bansag na “Hitman” at “Pink and Black Attack”, sa kanya rin ang tagline na “The Excellence of Execution”…

CLICK HERE TO CONTINUE READING “SCREW YOU

 

JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 33-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains several blogs namely NoBenta, Noong Ako ay Bata Pa…, Paul & Xander, and Frontispiece 2.0.