Listening to music (Photo credit: picgifs)

Listening to music (Photo credit: picgifs)

Napakaraming genre na meron ngayon pagdating sa musika.Nnandyan ang rock, ang pop, rnb at marami pang iba. Ikaw, alin ba diyan ang tipo mo? Bakit ‘yan ang tipo mo? Ano ang mga dahilang isinasaalang-alang mo?

Hindi ako critic, isa lang akong simpleng tao na may sariling tipo pagdating sa musika. Minsan nga ay hindi ko na naiisip kung ano bang genre ag pinakikinggan ko, basta nagustuhan ko lang, i-download ko na kaagad. Pero mas madalas kong na-appreciate ‘yung genre na rock, alternative, rock, pop-rock, basta rock, minsan metal. Mga tugtuging ayaw naririnig ng nanay ko at ng mga kapitbahay namin. Pero ano bang magagawa ko? ‘Yun ang gusto ng tenga ko. Tapos naririndi ako kay Bieber, sa One Direction, sa The Wanted, sa Jonas Brothers. Hindi ko talaga tipo ang mga musikang ginagawa ng mga ‘yan, ang gusto ko yung sa Black Veil Brides, Muse, Thirty Seconds To Mars, My Chemical Romance, Theory of a Deadman, Linkin Park, Evanescence, at napakarami pang iba. ‘Yan ang madalas kong pinapakinggan, with my head banging, fingers tapping the table or any surface.  Diyan ako masaya.

Pero gaya nga ng sabi ko, may kanya kanya tayong tipo ng musika. Maari tayong makinig sa kahit ano mang gustuhin nating pakinggan. Nasa sa iyo naman ‘yon eh. Basta magpakatotoo ka lang sa sarili mo, kung ano ang gusto, maging ayaw man ito ng iba, hayaan mo lang sila. Huwag sila ang isipin mo. Isipin mo ikaw ang nakikinig at hindi sila.

Ikaw? Ano nga bang tipo mong mga kanta?

author: MissGinoo

p.e./kf

Enhanced by Zemanta