Other Woman    (Photo credit:     Dailygirlgames)

Other Woman (Photo credit: Dailygirlgames)

I really have no idea when it started, all I know for sure right from the start is that MALI ito…

I met this guy sa isang house party, barkada siya ng asawa ng bestfriend ko. Nararamdaman ko na pagdating pa lang niya, pagkatapos kami ipakilala sa isa’t-isa ay  hindi na nawala yung tingin niya sa akin. I know right there and then na may something sa lalaking ‘to! Well, bukod sa maputi at matangkad, cute din talaga siya at sobrang lakas ng sense of humor, ilan sa mga hinahanap ko na katangian sa isang guy.

Noong araw din na yon naramdaman ko na nagka-crush agad ako sa kanya. Yes, you read it right CRUSH ko na siya agad, hindi ko malaman kung sa dami ba ng nainom ko o dahil sa tagal ko nang single eh inaasam ko na magkakaroon ako ng boyfriend sa katauhan ng lalaking kainuman ko.

Mukha naman dininig ng Diyos ang pag-asam ko na magkaron na ng BF dahil hiningi niya ang number ko (na inaasahan ko na base sa mga tingin nyia sa akin) na walang pagdadalawang isip ko namang ibinigay.

Akala ko magtatapos nang masaya ang gabi na yon, only to find out na may ASAWA na pala ang lalaking pinapantasya ko nang ilang oras at iniimagine na maging BOYFRIEND.

Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko noong mga panahon na yon, disappointment ba o thrill?  Nagtatalo yung isip ko, kagaya nga nung nasabi ko na sa umpisa pa lang ng blog na ito, ALAM KO NA MALI ang makipagrelasyon sa may asawa.

Nakilala ko yung asawa niya noong gabi din na yon, nagkakuwentuhan kami, magaan agad ang loob ko sa kanya dahil madaldal at kuwela din siyang kausap,  at nalaman ko din mula sa kanya na BUNTIS siya sa pang-apat nilang anak.

Lalo akong nawalan ng pag-asa sa nalaman ko, naisip ko na kung papatol ako sa lalaking ito ay magiging kagaya ako ng KABIT ng tatay ko na kinamumuhian ko nang sobra sobra.

Pagkagising ko kinabukasan, merong text sa phone ko from an unregistered number, noong binasa ko, it was from the guy sa party kagabi at kinakamusta niya kung nakauwi ako nang maayos. Hindii ko alam pero parang automatic na kinilig ako sa pagkabasa ng text message na yon.

From that day onward, regular na kaming  nagtetext sa isa’t-isa. Inamin na din niya sa akin na nagkagusto siya sa k’in simula pa lang noong unang kita namin sa party.

Noong umpisa, sabi ko sa sarili ko “wala lang naman ‘to, tamang landian lang, no physical and emotional involvement”.

Hanggang sa dumating ang panahon na nagkikita kami sa bahay ng common friend namin at pasimpleng naglalandian, minsan kahit pa nandoon yung asawa niya hahanap kami ng pwesto na makapagsosolo kami.

Dumating na din ang araw na kinatatakutan ko, ang araw na naipagkaloob ko sa kanya ang sarili ko. Ang akala ko katawan ko lang ang naibigay ko sa kanya, yun pala package deal sila ng tangang puso ko.

Masaya pala ang pakiramdam…

Mga patagong pagkikita, palihim na pagtetext, pag-iwas sa mga taong posibleng makakilala at magsumbong sa asawa niya.  Iba eh, nakakachallenge, nakakathrill. Ang sarap lang isipin na pumupuslit siya sa asawa niya para makipagkita sa akin, pero on the other side, naiisip ko din na ginagamit lang niya ako dahil hindi siya kayang paligayahin sa kasalukuyan ng asawa niya dahil buntis ito, pero wala na kong magawa, nilamon na ko ng pagmamahal ko sa kanya…

Ngayon manganganak na yung asawa niya, hindi na din siya nagpaparamdam sa akin kagaya ng dati, alam ko wala kaming napag-usapan, walang commitment as in pure sex and pleasure lang, NO STRINGS ATTACHED.

Pero bakit ganito?  Bakit sa puso ko may gumagapang na pag-asa na iiwan niya ang pamilya niya para sa akin gayong alam ko naman na mali at hindi maaari at hinding-hindi mangyayari?

Sa ngayon naghihintay pa din ako at umaasa na babalik siya, hindi man siya maging sa akin nang buong-buo kahit may kahati, handa akong magpakatanga para lang sa pag-ibig niya.

Alam ko madaming tao ang hindi nakakaintindi sa mga kagaya ko na “other woman”,  sinulat ko tong blog na to para maparating sa inyong lahat na tao lang kami. Minsan kahit pa gaano katalino ang isang tao pagdating sa pag-ibig ay nagiging bobo din. Kaya sana huwag niyo kami ijudge nang basta-basta; intindihin ninyo din sana ang mga pinangangalingan ng mga katulad ko na nagmahal sa MALING TAO.

 author:  lostsoul1688

p.e./mj

Enhanced by Zemanta